Chapter 36.1-When He Love

7.1K 138 0
                                    

Continuation of Chapter 36
#Unedited!
36.1-When He Love

Rain's POV
Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sakin ang puting kisame ng kwarto ko. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Nang may maalala ay agad kong nilingon ang kabilang side ng kama ko at natagpuan kong bakante na iyon. Alam kong totoo siya kagabi. Alam kong nandito siya.

Dahan dahan ay bumangon ako, akmang bababa na ako ng kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa noon ang lalaking kanina lang ay hinahanap ko. Napatingin ako sakanya at nakita kong may hawak siyang tray ng pagkain.

Nakangiti siyang inilapag sa side table ko ang tray. Nilapitan niya ako at sinalat ang noo ko.

"Bumaba na ang lagnat mo." He said.

Iniiwas ko ang tingin ko sakanya. Lalo pa at parang tubig na rumagasa sa isip ko ang napag usapan namin kagabi.

Tinaas ko ulit ang paa ko at bumalik ng kama. Di ko siya tinitignan. Mahabang katahimikan ng magsalita siya.

"Kumain kana. You need this to regain your energy." He said.

"Wala akong gana. You can go home T. Okay na ako. Salamat." I said at saglit na tinignan siya.

I heard him sighed.

"Kumain kana. Wag matigas ang ulo." He said.

"Ayoko T. Just go home." Pilit ko sakanya at tinignan siya.

Tinitigan niya din ako.

"I'm not going anywhere. Dito lang ako."

I breath hard. Naiinis na ako. Bakit na ayaw pa niyang umalis? Di ba niya nakikitang nahihirapan ako pag nandiyan siya?

"T. Please, just go." I pleaded.

He shook his head.

"Ano pa ba T? Ano pa bang kailangan mo? T, ayos na. I already cancelled the engagement. You are totally free. Ano pa ba ang kulang?" Tanong ko. Pinipigil kong magpakita ng kahit na anong emosyon.

Tinitigan niya lang ako. Maya maya ay nagsalita siya ay ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Who told you to cancelled our engagement?"

"You want that." Instead I answered. Totoo naman kasi diba?

"I changed my mind Rain. Now, I wanted to get married to you." He said seriously.

Napailing ako.

"What is this? Sa merging ba T? Well, don't w--"

"It's not about of that f*cking merging!" Tumaas ang boses niya.

"Then ano to? Para saan to!?" Sigaw ko na din. Di ko siya maintindihan. Noon, halos ipagtabuyan niya ako, at ngayong pinakakawalan ko na siya gaya ng gusto niya, gusto na niya akong balikan? What's with the catch?

Nakita ko ang paghilamos niya ng kanyang kamay sa mukha niya. Maya maya ay ibinaba na niya ang kamay niya at tinitigan ako sa malamlam na mga mata.

"I want you to be with me R." He said.

I shook my head. Bigla ang pesteng luha ko ay tumulo na naman. Di ko alam, pero sa di malamang dahilan ay masasaktan ako. Nasasaktan ako sa kaalamang gusto niya akong bumalik para makasama niya, hindi dahil mahal niya ako.

"I want to be with you too T. But it's not right. Let's just end this." Umiiyak na sabi ko.

He sigh then sinabunutan niya ang sarili niya.

"Anong problema? Gusto kitang makasama. Ganun ka din, so anong pumipigil sayo?"

Hinuli ko ang mga mata niya.

"Mas magandang itigi--"

"That's Bullsh*t!" Napaatras ako ng sumigaw siya. "Ayoko Rain. I want you to be with me. Ayokong mawala ka, ayoko! Ano ba ang di mo maintindihan doon!?" Desperadong wika niya.

Tinitigan ko siya.

"Ayoko na T. Kasi di mo ba nakikita? Parehas lang nating sinasaktan ang isat isa!"

Umiling siya at naglakad lakad. Ako naman ay napapikit na. Ang bigat ng pakiramdam ko. Para akong tinutusok tusok sa sakit.

Nagulat ako ng may biglang nagpahid ng luha ko. Napamulat ako at ang malamlam niyang mga mata ang sumalubong sakin.

"I'm sorry." He said sincerely. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"Dad once said, na ang mga katulad namin sa lahi ng Montemayor ay isang beses lang magmamahal, nagiging mapag angkin kami lalo na pag mahal na namin. Sinabi niya na sa isang babae lang titibok ang puso ko kagaya ng nangyari sakanya nang makilala niya ang mama. Isang beses lang kami magmamahal, at sa isang beses na iyon..sumugal ako, at minahal kita. Oo, sa lahat ng ginawa ko may karapatan ka nang sumuko, pero ako wala." Napatingin ako sakanya,kita ko ang halo haling emosyon sa mga mata niya. "And mind you Rain, di ako susuko, di kita isusuko. Pag akin, akin lang at dahil akin ka, walang pwedeng umagaw sayo. Ngayon ipapakita ko sayo kung paano mang-angkin ang isang Montemayor na gaya ko." Kita ko ang kaseryosohan sa mukha niya. Napaiyak ako ulit.

"So please. Ipagawa mo na lahat Rain, wag lang to. Wag lang ang iwan at pakawalan ka. Lahat Rain wag lang to." Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. "Mahal na mahal Kita Rain. Please wag kang sumuko. Ayoko, di ko kakayanin." Napahagulgol na siya. Ako naman ay nagulat sa mga sinabi niya. Nang mag sink sakin ang mga iyon ay nakaramdam ako ng tuwa. Niyakap ko siya.

"I'm sorry. I'm so sorry. Second chance Rain. Aayusin ko to." He said.

Napatango ako sakanya. Mahal na mahal ko siya. Na kahit ang dami kong pinagdaanang sakit mula sakanya ay mas pinili ko pa ring mahalin siya. Ganoon ko siya kamahal.

"One Chance T." Naramdaman kong niyakap niya pa ako ng mas mahigpit. "I'm sorry too. For lea-"

"It's okay. I won't pressure you to talk about it now. I don't care about the past Rain, I just want to look at my future with you." I nod. Humiwalay siya sakin at pinahid ang mga luha ko. He stared at me and look straight in my eyes.

"I love you so much." He said.

I smiled at him.

"I love you too." He smiled and looked at me with so much love. Maya maya pa ay bumaba na ang mukha niya and then he claim my lips with a gentle and pure of love kiss, na agad ko namang ginantihan.

I love this boy so much. i really do love him.
---

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon