Chapter 28.1-His Princess

6.7K 121 7
                                    

#Unedited.
Chapter 28.1-His Princess
TCP2 Continuation.
-
Aiden's POV

"Sir nasa INuricko's resto bar po siya."

"Okay. Thank you. You may go." Sabi ko sa inutusan kong tao para alamin kung saan ko mahahagilap ang montemayor na iyon.

Galit ako, galit na galit ako sakanya. Oo siguro nga may karapatan siyang magalit kay Rain, pero ang saktan niya si Rain ng ganoon? Shit! Ibang usapan na iyon.

Sumakay na ako sa kotse at tinahak ang nasabing bar.

Gusto kong makausap ang taong iyon, gusto kong klaruhin niya kung ano ba talaga ang balak niya kay Rain, dahil kung sasaktan lang naman niya ng paulit ulit ang huli, mas magandang isama ko na lang si Rain pabalik ng states at kakausapin ko nalang si Tito Rex tungkol sa mga bagay bagay.

Mahal ko, naming lahat na magpipinsan si Rain. Five years ago nang iharap siya samin ni Tito R at sinabing pinsan namin siya, natuwa kami kasi wala kaming mga kapatid at puro pa kami mga lalaki. Kahit noon lang nagkita, naging close agad kami,pero pansin ko na sa bawat pag ngiti niya, parang may kulang parang di sapat. And then nalaman namin ang dahilan kung bakit ganoon, Two weeks matapos namin siyang makilala she got involved in an accident and that was the day tito told us about that certain guy named Thunder. Doon ko naintindihan lahat,na kaya pala parang kulang, na di sapat sapagkat kalahati ng pagkatao niya ang kumbaga ay naiwan dito sa pilipinas.

Ramdam ko ang hirap at bigat na naramdaman nila tito ng ma comatose siya, the doctor said she's not fighting to live, na parang bang mas gusto nalang niyang matulog at wala nang maramdaman. Ganun lang siya for almost 5 months, and then one day she opened her eyes and the first person she called was no other than thunder. We're happy because finally she woke up, but not like us she wasn't that happy, I can see it in her eyes. Doon ko narealize na sobra niyang mahal ang lalaking iyon.

Days, weeks, months, and years passed, ngumingiti siya pero di iyon umaabot sa mga mata niya, there was a time that I saw her crying while looking at the stars, and based on her expression, I know that she was thinking about him again.

Ganoon lang palagi,maraming nanligaw sakanya pero wala siyang inentertain ni isa..At doon ako humanga sakanya, kasi kahit na nasasaktan siya, mahal na mahal pa rin niya ang lalaking iyon..saksi ako kung paano siya minahal ni Rain kaya wala na akong balak na iwan sakanya si Rain kung sasaktan lang din naman niya ito..madami nang sakripisyo si Rain, my princess deserve to be happy.

Dumating na ako sa bar at agad na akong pumasok sa loob. Inilinga ko ang mga mata ko at sa bandang gilid nakita ko siya. Muli ay umusbong na naman ang galit ko, napakuyom ang kamao ko pero kumalma muna ako, ayokong gumawa ng eksena dito.

Dahan dahan akong lumapit sakanya, nakadukdok siya nang umupo ako sa tabi niya, napatingin siya sakin at nagulat ng makita ako,pero sandali lang iyon dahil agad ding dumilim ang mukha niya.

"Thunder Montemayor right?" I ask calmly, bago umorder ng inumin.

Pero di ito kumibo at tumingin sa ibang dereksyon.

"Naturingang Businessman, bastos naman." I said then let out a sarcastic laugh.

Tinignan niya ako ng masama, at tumayo na. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng pera pambayad sa alak na di ko naman nainom. Sinundan ko siya palabas at nakarating kami sa medyo madilim na bahagi ng parking lot. Huminto siya at lumingon sakin.

"What do you want?" He coldly ask.

Namulsa ako at lumapit sakanya, mga ilang dipa nalang ang layo namin sa isat isa.

"Nothing, but I want to do something." I said then I punch him, hard.

Nawalan siya ng balanse at tumumba, kita ko ang gulat sa mga mata niya pero sandali lang iyon dahil galit na tumayo siya.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon