WRTC-II: 43

5.6K 85 0
                                    

"Trust is the foundation of all."

#UNEDITEDDD!

Rain's POV

"Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas?" Magaang tanong ko kay D.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant na matatagpuan lang palabas ng mall.

Dion. Isa siya sa naging kaibigan ko noon sa States. Isa rin siya sa mga nanligaw sakin, pero siyempre hanggang friendship lang ang kaya kong i-offer.

Isa siya sa naging mahalagang tao sa buhay ko pagkat isa siya sa mga taong di umalis sa tabi ko noong mga panahong gusto ko nang mag-give up. Isa siya sa tumayong joker na nagpapatawa, nagpapasaya sa mga oras na ni ngiti ay hirap akong ibigay.

"Why? Di na ba ako pwedeng tumapak sa sarili kong bansa?" Sabay taas niya ng kilay.

Nahampas ko siya habang natatawa.

"Wala naman akong sinabi."

He shook his head.

"I'm here to take a vacation. Binisita ko din sina Mama. Alam mo naman iyon katagal nang inuungot na baka daw gusto ko naman siyang makita at makasama." Nakangiting wika nito.

Napangiti din ako. Sa ibang bansa siya nagtatrabaho pero nandito sa Pilipinas ang pamilya niya.

"Anong nakain mo at napilit ka ni Tita?" Ako sabay inom ng juice.

Napatingin siya sakin. Tinitigan niya ako at medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang. Di lingid sa kaalaman kong mayroon pa rin siyang pagtingin sa akin. Patuloy pa rin naman siya sa panliligaw, nitong mga nakaraang buwan lang nawala.

"Wala naman. It's just a fact na namiss ko sila mom and of course I missed you too." Then hinawakan niya ang kamay ko.

I sighed. Ilang beses ko nang sinabi sakanya na hanggang friendship lang ang kaya kong ibigay pero eto pa rin siya, di pa rin sumusuko.

"D, we already talk about this right?" Malumanay kong sabi.

Hinuli niya ang mga mata ko.

"I told you R, I can wait." He said. But I an sense something on his voice. Parang may nawala.

I sighed. "D.."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Yumuko siya at pinaglaruan ang daliri ko.

"D.."

Nagtaas siya ng tingin at nakita ko ang bahid ng sakit at lungkot sa gwapong mukha niya.

"You're married." Sabi niya.

Nagulat ako. Paano niya nalaman? At doon napatingin ako sa kamay kong hawak niya kung saan nakalagay yung wedding ring at engagement ring namin ni T.

I felt guilty.

"D, I'm s--"

"Are you happy?" He asked at hinuli yung mga mata ko.

I looked at him and I nodded.

"Yes." I answered then napayuko.

When Right Time Comes (UNEDITED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon