"Sino?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Michael ng makausap niya ang Ama at sinabi nito ang tungkol sa mga taong gustong makipagtulungan sa kanila. "Sina Maxine at Jacob?" Ulit pa niya sa mga pangalan ng mga ito.
Napatango-tango naman si Miguel sa anak.
"Pero akala ko ba patay na sila." Kunot na kunot ang noo ni Michael.
"Well, 'yon ang akala nating lahat pero... buhay na buhay sila."
Ilang minutong hindi nakaimik si Michael habang pinaprocess sa utak niya ang mga sinabi ng Ama.
"So bakit gusto nilang makipagtulungan sa atin?" Maya-maya'y usisa ni Michael.
"Dahil sa kanya." Sagot ni Miguel sabay abot sa anak ng litrato ni Marcus.
"Marcus Ferrer?" Nakakunot ang noo na sambit ni Michael ng makilala ang nasa larawan.
"Oo at mukhang may pinaplanong transaksyon siya kina Albert."
"So ibig sabihin gusto nilang makipagtulungan sa atin dahil kay Marcus?"
"Oo dahil sa kanya. Hanggang ngayon tinutugis pa rin pala nila si Marcus." Sagot ni Miguel na hindi lingid sa kanila ang kwento ng engkwentro nina Marcus Maxine at Jacob. "Gusto nilang tapusin ang trabahong hindi nila natapos." Dagdag pa nito.
Napatango-tango naman si Michael habang nakatitig pa rin sa litrato ni Marcus.
"So ano ang sagot mo sa kanila, Dad?" Tanong pa ni Michael habang isinauli na sa Ama ang litrato.
"Pumayag ako syempre, malay ba naman natin sila lang pala ang hinihintay natin para tuluyan nang mapabagsak sina Albert."
Muling napatango-tango si Michael.
"Oo nga pala anong balita kay Gaia? Wala? Hindi mo magagawang patayin siya?" Biglang pag-iiba ni Miguel ng usapan.
Hindi agad nakaimik si Michael.
"Actually iyan sana Dad ang dahilan kaya ako andito."
Kumunot bigla ang noo ni Miguel. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya sa tinuran ng anak.
"Here." Abot ni Michael ng folder embes na saguting ang pangungusisa ng Ama.
Ang folder na iyon ay naglalaman ng mga impormasyon at mga ebidensya na nakalap nina Gaia at Harris.
Ibinigay iyon ng dalawa kay Michael para maniwala ito na totoo ang sinasabi ng mga ito.
Pagka kuha ni Miguel ng folder ay mabilis niya iyong binuklat.
Pagkabuklat pa lang niya agad nang kumunot ang noo niya dahil sa nakita.
Inisa-isa pa niyang tingnan ang iba pang pahina ang mga litratong kasama.
"Anong ibig sabihin nito?" Maya-maya'y tanong ni Miguel pagkatapos makita ang laman ng folder. "Saan galing ito?" Dugtong na tanong pa niya. "Sino nagbigay sayo ng mga ito?"
"Kay Gaia." Maikling sagot ni Miguel.
"Gaia?"
"Yes Dad."
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi maintindihan na tanong pa ni Miguel.
At ikinuwento nga ni Michael ang lahat sa Ama.
Hindi naman makapaniwala si Miguel sa mga narinig at parang ayaw niyang maniwala pero nasa harapan niya ang ilang mga ebidensya at mga impormasyon na wala sila na maaaring makatulong para pabagsakin sina Albert Aguas.
"Bakit?" Natanong bigla ni Miguel. "Bakit ginagawa ni Gaia ito?" Dugtong pa niya.
"Yan din ang tanong na gusto kong masagot, Dad." Saad naman ni Michael.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Aksi"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...