Tulalang-tulala si Marcus habang nakatingin sa mga papel na hawak na kakabasa pa lang niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nabasa at hindi siya makapaniwala sa nalaman. Nanginginig pa ang mga kamay niya o mas tamang sabihin na ang buo niyang katawan ang nanginginig.
"Paano nangyari ito?" Maging ang boses niya ay nanginginig din. "Paano???"
Hindi niya lubos akalain na kahit patay na ang kanyang Ama ay may madidiskubre pa siyang matinding sekreto nito—sekreto na hindi niya inaasahan, sekreto na hindi niya alam kung paanong tatangapin.
"Paanong nangyari na kapatid ko si Gaia Aguas?" Pabulong na naguguluhan na tanong niya sa sarili. "Alam kaya ni Albert ang totoong pagkatao ni Gaia?" Patuloy na pagkausap niya sa sarili.
"Pero tinatanong pa ba iyon? Malamang alam iyon ni Albert!" Maya-maya'y sagot din niya sa sariling tanong. "Pero bakit hindi niya sa akin sinasabi?" Dagdag pa sa mga katanungan niya.
Hindi pa nga siya nakakamove-on sa pagkakadiskubre na buhay pa sina Maxine at Jacob (na ngayon ay patay na ang huli) tapos dumagdag pa itong nadiskubre niya.
Ang hawak kasi niyang mga papel ang resulta ng imbestigasyon na pinagawa niya para sa pamilya Aguas dahil nga sa pakiramdam niya na madami pang mga sekreto ang mga itong nakatago pero ang hindi niya inasahan ay damay pala siya—ang pamilya niya sa tinatagong sekreto ng mga ito.
Ngayon na may nadiskubre nga siyang sekreto ng mga ito na kahit na may kaugnayan siya ay hindi ng mga ito sinabi ay iisa lang ang ibig sabihin niyon, hindi niya dapat ibigay ang buong tiwala niya kay Albert Aguas nasisiguro niyang may malaking posibilidad na baka sa bandang huli ay baka traydurin siya nito.
Kaya naman kailangan pa niya masusing pagiimbestiga pa sa mga ito.
Hindi sa kanya okay ang ginawa nitong pagtatago sa totoong katauhan ni Gaia na kapatid pala niya. Kahit na sabihin kasi na hindi man sila lumaking magkasama o magkakilala ni Gaia ay hindi maiialis ang katotohanan na magkapatid sila, iisang dugo lang ang nanalantay sa kanilang mga ugat.
Kailangan din pa niyang paimbestigahan si Gaia para malaman pa niya kung kaninong babae anak ito ng Dad niya at gusto din niyang malaman kung alam na rin kaya nito ang katotohanan na magkapatid sila?
Pero gayon pa man sa kabila ng nalaman niya tungkol sa kapatid niya ay hindi nagbabago ang desesyon niya tungkol sa pagpatay kay Maxine, madamay man ang kapatid ay wala sa kanya makakapigil dahil ang pinaka agenda niya ay ang mapatay si Maxine at mawala ito sa buhay niya—mawala ang isang malaking tinik sa buhay niya.
* * * *
Brainstorming ng ilang oras para makapagplano ng maayos ang ginawa nina Gaia at ng iba pa. Kailangan nilang magplano ng maigi para masiguradong magtatagumpay sila na mapabagsak sina Albert Aguas at Marcus Ferrrer.
Kailangan nilang mapagtagumpayan ang kanilang plano para matigil na ang paghahasik ng kasamaan ng mga ito.
"I am sorry hindi kita naprotektahan." Sabi ni Michael kay Gaia ng maiwan silang dalawa sa loob ng silid ng huli sa ospital.
Nakasalubong ang kilay na napatingin naman si Gaia kay Michael. "Bakit ka humihingi ng sorry wala ka naman obligasyon na protektahan ako e." Sagot nito.
"Mayron dahil asawa mo ako." Sagot ni Michael na hindi na mapigilan ang kung ano man ang nararamdaman niya para sa asawa.
"Sa papel lang naman tayo mag-asawa kaya wag kang mag-alala, hindi mo obligasyon na protektahan ako at saka isa pa kaya ko rin naman protektahan ang sarili ko." Giit pa ni Gaia sabay iwas ng tingin kay Michael.
"Pero—pero—" Nag-aalangan si Michael kung sasabihin na ba niya ang nararamdaman niya para dito.
Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyayari kinabukas o sa mga susunod na araw pa lalo na sa sitwasyon nila kaya naman ang bawat oras sa kanila ngayon ay mahalaga, hindi dapat sinasayang.
"Mahal na kita." Sa wakas ay pag-amin ni Michael sa nararamdaman.
Natigilan si Gaia dahil sa sinabi ng asawa. Nakatitig lang siya dito dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon at kung ano ang sasabihin o isasagot.
"Alam kong hindi naging maganda ang umpisa natin kaya hindi ko rin alam kung paano—kung kailan nangyari na minahal na kita at ngayon ay hindi ko kaya—hindi ko kaya na makitang nasasaktan o nasa sitwasyon ka na ganito—nadudurog ang puso ko." Dagdag pa ni Michael.
"Hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ako o paniwalaan mo ang mga sinabi ko pero isa lang ang gusto kong hilingin sayo ngayon—na sana ay wag ka nang sumama sa plano para kina Albert at Marcus—" Pagpapatuloy ni Michael. "Ayaw kong masaktan ka o may mangyari ulit sayong masama."
Hanggang ngayon ay nakatitig lang si Gaia kay Michael at hindi pa rin alam kung ano ang sasabihin o magiging reaksyon.
Hindi niya kasi inaasahan ang inamin nito. Nagulat siya dahil sa inamin nito at lalong-lalo na sa gusto nitong mangyari na huwag na siyang sumama sa paglaban kina Albert at Marcus.
Hindi niya kasi kayang gawin ang gusto nito dahil unang-una sa lahat ay matagal na niyang gustong pabagsakin ang kinikilala niyang Ama dahil sa dami nang kasamaan na nagawa nito, sa dami nang mga buhay ang nasira nito, sa dami nang mga inosenteng tao ang napatay nito—gusto niyang mabigyan ng hustisya ang mga ito—gusto niya na matigil na ang kasamaan nito at gusto niya na kasama siya at makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang pagbagsak nito, hindi niya makakaya na nakahilata at naghihintay na lang ng balita kung ano ang kakahinatnan ng lahat—kung ano ang magiging resulta ng kanilang laban.
"Gaia..." Sambit ni Michael sa pangalan niya dahil matagal niyang pananahimik.
"I am sorry Michael" Sagot ni Gaia na biglang ikinalungkot ni Michael at kinatulala habang nakatitig dito.
Kaya din naman sanang tangapin ni Gaia ang pagmamahal ni Michael pero hindi pa ngayon at hindi pa ito ang tamang oras—actually nga ay hindi nga niya alam kung darating pa nga ba ang tamang oras na iyon.
May nararamdaman na rin naman siya para kay Michael pero iba ang sitwasyon nila kaya walang puwang pa sa buhay nila ang mga ganitong bagay—wala pa sa plano niya ito dahil mas mahalaga siyang dapat unahin.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Aksi"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
