Nanlilisik ang mga mata habang naka silip si Diane mula sa pintuan ng silid ni Gaia sa Ospital. Hindi niya inaasahan ang maabutan kaya't bilang babaeng totoong mahal ni Michael ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng matinding selos.
Andito siya para makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang kalagayan ni Gaia at ang isang dahilan pa ay gusto rin niyang makausap si Michael tungkol sa pagligtas nito kay Gaia.
Alam niyang magtataka ito pero gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan.
Naikuyom pa niya ang mga kamao dahil sa sobrang inis na nararamdaman nang bigla siyang nagulat dahil biglang may tumapik sa likod niya, agad naman siyang napalingon dito.
Isang lalaki na nakasumbrero, nakasuot ng camouflage na pang-ibaba at hapit na white t-shirt ang bumungad sa kanya. Hindi niya ito kilala.
"Yes bakit?" Mataray na tanong niya dito.
Hindi agad nakasagot ang lalaki at nakatitig lang ito sa kanya.
"May kailangan ka ba!?" Muling tanong niya na medyo tumaas na ang tono ng kanyang boses dahil sa hindi nito pagsagot.
"Ah! Wala sorry, napagkamalan lang kita na yong kaibigan ko." Sa wakas sagot nito na ngumiti pa ng tipid.
She just rolled her eyes at napabuga pa ng hangin sabay mahinang sabi na. "Hay! Tatanga-tanga." Aniya saka sabay talikod dito at muling ibinalik ang tingin kina Michael at Gaia.
Pero nararamdaman pa rin niyang hindi pa rin umaalis ang lalaki at parang nakatingin pa rin sa kanya kaya muli siyang lumingon dito.
"May kailangan ka pa ba?" Mataray na muling tanong niya dito. Agad naman itong napailing-iling sabay mabilis nang naglakad palayo.
"Stupid!" Muling komento niya dito dahil sa ginawa nito.
* * * *
Buong maghapon na binatayan ni Michael si Gaia dahil ngayon na nakompirma na niya na ito talaga ang babaeng nagligtas sa kanya ay gusto niyang subukan na mapalapit dito dahil mas naging interesado siyang malaman ang dahilan nito kung bakit siya nito iniligtas.
Gusto niyang malaman ang mga sekretong itinatago nito. Oo alam niyang imposible na magkalapit sila pero walang imposible sa deteminado. Ika nga sa kasabihan kung gusto ay maraming paraan kaya lahat ng paraan ay gagawin niya mapagtagumpayan lang niya ang binabalak.
This time ay talagang kailangan na niyang isangtabi na muna ang pagpatay dito at kailangan niyang kausapin muna ang Dad niya para sa pagbabago ng plano nila, and he's sure na maiintindihan naman nito ang gusto niyang mangyari lalo na kapag sinabi niya dito ang mga ilang bagay na nadiskubre niya tungkol sa mga Aguas.
Samantala ay kahit na gustong-gusto nang magpahinga ni Gaia ay hindi niya magawa dahil kailangan niyang maging alerto hindi na niya kasi alam kung ano na ang plano ni Michael, kung ano na ang pagbabago sa takbo ng plano nito.
Alam niya na nag-iba na ito ng plano dahil sa pagligtas nito sa kanya kaya iyon ang kailangan niyang malaman ngayon kung ano na nga ba ang bagong plano nito.
Nakatitig lang siya kay Michael na busy sa pagbabasa ng libro. Tahimik niyang pinagmamasdan ito, nang mapabuntong hininga siya bigla dahil kahit anong subok niya ay hindi talaga niya maisip o mahulaan ang tinatakbo ng isip ng asawa.
Kung titingan kasi ito ay parang simpeng asawa lang ito na nagbabantay sa asawang may sakit at hindi mo makikitaan na may masama itong binabalak hindi katulad noong mga nakaraang araw kung saan alam pa niya kung ano balak nito at iyon ay ang patayin siya pero ngayon as in wala siyang kaide-ideya kung ano na ba talaga ang pinaplano nito.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...