Dahil alam ni Gaia na sinusundan siya ni Michael ng lumabas siya ng bahay ay kailangan pa niya munang iligaw ito at para maisagawa iyon ay kailangan niya ang tulong ni Louie, ang matalik niyang kaibigan, kaya't tinawagan niya ito at meneet sa isang restaurant.
"So kumusta naman ang pakiramdam ng bagong kasal?" Agad na birong tanong Louie sa kanya.
Dahil sa biro ng kaibigan ay agad niyang tinaasan ito ng kilay.
Si Louie ay kababata niya at matalik na kaibigan, ito lang ata ang kaibigan niya na tumagal sa kanya. Sa sobrang sama kasi minsan ng ugali niya lalo na kapag badtrip siya ay hindi nakakayang ihandle ng mga naging kaibigan niya kaya sa bandang huli ay inayawan siya ng mga ito pero good thing at itong si Louie ay hindi.
Mabait itong si Louie at alam nito ang lahat—as in lahat-lahat. Lahat ng sama ng loob niya lahat ng sekreto niya at maging ang totoong dahilan ng pagpapakasal niya kay Michael.
Sa umpisa ay tutol na tutol ito sa ginagawa niyang pagsasabotahe sa mga ilegal na mga transaksyon ng kanyang pamilya dahil natatakot itong mapahamak siya pero sa bandang huli ay wala na rin itong nagawa kaya sinuportahan na lang siya nito at tinutulungan kapag kailangan niya ng tulong.
Kung hindi lang sila lumaking parang magkapatid ay maiinlove siya dito pero dahil nga hanggang doon lang talaga limit nila ay ni minsan ay hindi nangyari sa buhay niya na nainlove siya sa kaibigan at maging ito rin sa kanya, actually may girlfriend na rin naman ito.
"Louie tigil-tigilan mo nga ako." Saway niya dito na inirapan pa.
Napangisi lang si Louie. "So ano pala ang maitutulong ko sayo mahal na prinsesa?" Pag-iiba na lang nito ng usapan.
Mabilis ang kilos na medyo inilapit ni Gaia ang kanyang mukha sa kaibigan para siguraduhin na walang ibang makakarinig ng sasabihin niya.
"Nakasunod sa akin si Michael pero may importante akong pupuntahan..." Aniya dito ng kanyang problema. "Kailangan ko ng kahit dalawang oras para iligaw siya o makatakas sa kanya." Pagpapatuloy pa niya.
Kumunot ang noo ni Louie. "So anong gusto mong gawin ko?"
"Let's go to the Motel."
"What!? Are you insane!" Biglang bulaslas nito sabay napatayo pa kaya agad na hinila ito ni Gaia paupo bago pa ito umagaw ng atensyon ng mga tao sa paligid.
Mula naman sa pwesto ni Michael ay nagulat siya ng biglang napatayo ang kausap na lalaki ni Gaia. Hindi niya ito kilala pero nakita niya ito sa kasal nila kaya sa tingin niya ay kaibigan ito ni Gaia.
Samantala ay nagsalubong naman ang kilay ni Louie habang nakatingin sa kaibigan. "Gaia naman bugbugin mo na lang ako, wag mo lang hilingin ang aking puri, para kay Bea lang ito." Anito sabay takip pa ng katawan gamit ang dalawang braso.
Nanlaki ang butas ni Gaia dahil sa tinuran ng kaibigan sabay singhal. "Sira ulo!!!" Sinamahan pa niya ng malakas na batok. "G*g* ka rin talaga ano! Bwesit!" Dagdag pa niya.
Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ni Louie dahil sa reaksyon ng kaibigan. "E, kasi naman bakit kailangan sa motel pa?" Reklamong tanong nito na medyo napalakas kaya napatingin tuloy sa kanila ang nasa kabilang table pero sinindak naman ni Gaia ang mga ito ng isang matalim na tiningin kaya agad din na napaiwas ng tingin ang mga ito sa kanila.
"Hinaan mo nga lang ang boses, agaw eksena ka talaga!" Saway na reklamo niya kay Louie. "Basta mas maganda sa Motel –"
"Hindi ba pwede sa Hotel na lang."
"E, pano ako makakatakas kung sa Hotel tayo pupunta e, siguradong maghihintay iyon sa may pinto ng kwarto natin – unlike sa Motel ay don tayo sa may mga garage – garage diba. Doon free akong makakatakas na hindi niya mahahalata at makakabalik din ng hindi pa rin niya mahahalata."
"Wow! So alam mo ang mga ganon-ganon sa motel ha! Aminin mo nga sino kasama mo pumunta don?" Panga-aasar ni Louie sa kanya.
"Louie naman, seryoso naman –"
"Seryoso din naman ako sa tanong ko ha, may hindi ka ba sinasabi sakin?"
"Tsk! Hay! Syempre may idea ako tungkol doon dahil minsan na akong nakipagmeet doon sa asset ko!" Walang nang nagawa ni Gaia kundi magexplain na lang kung bakit alam niya ang tungkol sa ganong set-up ng ilang Motel. Kapag hindi kasi siya nagpaliwanag ay siguradong mangungulit lang ito ng mangungulit.
"Are you sure?" Hindi pa rin kombinsido na paninigurado ni Louie.
"Oo nga."
Saglit na natahimik at nag-isip si Louie. "Ok sige –"
"Pumapayag ka na?" Kitang-kita sa mukha niya ang tuwa.
"Oo, naku basta 'wag lang ito dapat makakarating kay Bea kundi lagot ako don." Sagot ni Louie na ang tinutukoy ay ang girlfriend nito.
"Oo ako bahala don." Paniniguradong sagot naman ni Gaia. "So ano tara na, sa kotse ko na lang ipapaliwanag ang iba pang plano." Yakag na niya dahil naghahabol na rin siya ng oras.
Nang sumang-ayon si Louie ay mabilis na niya itong hinila papuntang kotse pero bago tuluyang lumabas ay pasimple muna siyang sumulyap sa pwesto ni Michael sabay ngisi.
Samantala ay hindi naman agad na sumunod si Michael kina Gaia at sa lalaking kasama nito para hindi siya ng mga ito mahalata. Pinalipas muna niya ang mga halos isang minuto bago lumabas, sakto naman paglabas niya ay pasakay na rin si Gaia ng kotse kaya dali-dali din siyang lumapit sa kanyang sasakyan at sumakay.
Pag-andar ng mga ito ay agad na rin siyang sumunod pero hindi siya masyadong tumutok sa pagkakasunod sa mga ito, nagbigay siya ng kaunting distance para hindi pa rin makahalata ang mga ito, lalong-lalo na si Gaia.
Pero hindi pa nga sila nagtatagal sa byahe ay bigla nang lumiko ang mga ito, nanlaki ang mga mata niya ng makitang sa Motel ang mga ito pumasok kaya't wala sa sariling naapakan niya ang break dahil sa gulat.
"What!" Nabulaslas na reaksyon pa niya. Hindi siya makapaniwala na pupunta ang dalawa na ito doon. "Are they lovers? Are they in a relationship?" Magkakasunod na tanong pa niya sa sarili.
Hindi din niya alam kung susunod nga ba siya sa mga ito o hindi na.
Mula naman sa loob ng kwarto ay nakaabang si Gaia kung susunod si Michael pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin ito kaya sa palagay niya ay hindi na ito sumunod kaya naman napangiti siya.
Pero dahil kailangan pa rin naman niyang maniguro ay nagpalit pa rin siya ng damit at nagsuot ng mask at sumbrero bago lumabas ng compound ng Motel para kung sakali man andoon lang si Michael sa labas ay hindi siya nito makilala.
Pero ng paglabas naman niya ay wala na ito kaya napangisi siya. Effective pala ang plano niya.
Pero alam niya na dahil sa ginawa niya na ito ay iba na ang iisipin nito tungkol sa kanila ni Louie but it's okay—it doesn't matter dahil ang importante naman sa kanya ngayon ay makausap ang taong imemeet niya dahil may mahalaga itong impormasyon na sasabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...