EIGHTEEN

38 1 0
                                    

"Anong ingay na iyan!?" Malakas na sigaw ni Diane na napalabas ng bahay dahil sa naring na magkakasunod na putok ng baril.

Dahil sa pagkarinig ng boses ni Diane ay napatigil sina Michael at Gaia sa pagtakbo at nagtago ulit sa likod ng puno para pakingan kung ano ang sasabihin ni Diane.

"May mga nakapasok po." Narinig nilang sagot ng lalaki kay Diane.

"Stupido! Eh bakit mo pinagbabaril, hindi mo ba naiisip na kapag may nakarinig ang mga kapitbahay na putok ng baril panigurong magtatawag ng pulis ang mga iyon!" Galit na galit na panenermon ni Diane dahil sa ginawa ng tauhan.

Naka silencer naman ang baril nito pero gayon pa man syempre malakas pa rin ang tunog niyon.

Mula naman sa kinatataguan nina Gaia at Michael ay nagulat ang huli sa kakaibang ugali at papanalita na nakita mula kay Diane. Hindi inaasahan ni Michael ang mga bagay na nasaksihan.

Dahil sa mga nasaksihan ay hindi na niya kailangan pa ng ibang patunay kung ito nga ang may utos sa pamamaril kay Gaia dahil sa pagkakaroon pa lang nito ng tauhan na armado ay patunay na.

Napakagat pa siya ng ibabang labi dahil sa pagpipigil ng galit. Galit dahil nalinlang pala siya ni Diane. Ang akala niyang mabuting tao ito pero hindi pala dahil iba pala ang pagkatao nito sa pagkakakilala niya dito.

Oo alam niya na hindi lang naman ito ang may sekreto sa kanilang dalawa dahil maging siya ay senekreto din naman niya ang totoong pagkatao niya dito pero—pero....

Ibang usapan naman ang ginawa nito kay Gaia sa mga ginagawa niya.

Yes, gusto din niyang patayin si Gaia dahil iyon ang utos ng Dad niya at iyon ang nararapat pero may valid reason sila kaya gusto nilang gawin iyon at iyon ay ang pigilan na ang paghahasik pa ng kasamaan ng mga Aguas.

Kapag napatay niya si Gaia ay wala nang magpapatuloy sa mga negosyo ng Tatay nito.

Pero si Diane—ano ang reason nito para ipapatay si Gaia? Selos?

Well then it's not a valid reason to kill someone. At iyon ang ayaw niyang ugali ng isang babae ang nagpapakain sa selos, saka isa pa dahil sa natuklasan niya ay hindi niya tuloy ngayon kilala kung sino nga ba si Diane o kung ano-ano pa nga ba ang kaya nitong gawin.

* * * *

Parehong walang imik ng matagumpay nang nakalabas sina Michael at Gaia sa bakuran ng bahay ni Diane.

Galit man si Michael dahil sa mga nasaksihan at nalaman ay hindi pa rin niya hinayaan na mawala sa paningin niya si Gaia dahil since andito na rin ito ay gusto na niyang magkaalamanan na silang dalawa.

Dalawang beses na nitong iniligtas ang buhay niya kaya hindi siya papayag na hindi sila magkakomprontahan ngayon.

Hindi siya papayag na hindi niya malaman ang dahilan nito kung bakit siya nito iniligtas.

Gusto niyang malaman kung ano ang sekretong mayron ito kaya mabilis ang kilos na lumapit siya dito. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso ng mahigpit para siguraduhin na hindi ito makakawala.

Kitang-kita niya ang panglalaki ng mata nito dahil sa ginawa niya pero hindi niya iyon pinansin at sinalubong lang niya ang tingin nito.

"Bitawan mo ako!" Matigas na utos nito pero hindi siya nagpatinag dito at nakipagtigasan pa siya dito ng tingin.

"Bi.ta.wa.n mo. ako!" Muling utos nito na idiniin pa bawat salita pero hindi pa rin siya nagpapatinag.

"Pano kung ayaw ko?" Tugon na tanong pa niya na wari'y nanghahamon.

Mas lalong tumalim ang tingin nito sa kanya na ginantihan niya rin.

Hindi siya magpapasindak dito.

Then tinanggal na niya ang pagkakahawak sa braso nitong may sugat dahil alam naman niyang hindi nito kayang ipwersa iyon kaya iyon ang mas safe na bitawan niya.

Pagkabitaw niya sa pagkakahawak sa braso nito ay dali-dali niyang inilipat ang kamay niya sa takip ng mukha nito.

Kitang-kita niya ang panglalaki pa ng mga mata nito marahil dahil may ideya na ito sa kung ano susunod niyang gagawin.

Pilit na nagpupumiglas si Gaia para makawala mula sa pagkakahawak sa kanya ni Michael. Pilit din niyang iniiwas ang kanyang mukha dito.

Hindi ito maaring magtagumpay sa binabalak nito dahil kapag nagkataon ay hindi niya alam kung paano dito ipapaliwanag ang lahat. Hindi niya alam kung ano sasabihin niya dito kung bakit niya iniligtas ang buhay nito at hindi rin niya alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman nito na siya ang nasa likod ng maskarang ito.

Pero ang problema ay hindi naman niya magamit ang isang kamay para pigilan ito dahil alam niyang kapag ipinuwersa niya ito ay muli nanamang itong dudugo at iyon ang hindi pwede dahil nasayang na ang ilang araw niya sa pagpapagaling ng mga sugat niya kaya hindi siya makakapayag na magsasayang pa siya ng araw dahil marami silang kailangan gawin ni Harris.

So ang lagay ngayon ay kahit ayaw niyang madiskubre ni Michael ang pagkatao niya ay wala na siyang magagawa kundi hayaan na lang ito.

Bumilis pa ang paghinga niya ng maramdaman na niya na unti-unti nang tinatangal ni Michael ang takip ng kanyang mukha.

Hindi niya maiwasan na mapakagat ng labi habang hinihintay na matanggal na nito ng buo ang takip ang kanyang mukha.

Samatala ay nanginginig naman ang mga kamay ni Michael habang tinatangal ang takip ng mukha ni Gaia. Bumilis din ang tibok ng puso niya ng malapit na niyang matangal hanggang sa tumambad na nga sa kanya ang mukha nito.

Nagsalubong ang kanilang mga mata—pareho silang walang imik parehong hindi alam kung ano ang sasabihin sa isa't-isa.

Kahit na inaasahan na ni Michael na si Gaia ang nasa likod ng maskara na iyon ay natigilan pa rin siya at wala sa sariling nahaplos pa niya ang mukha nito.

Nasa ganoon silang posisyon ng biglang makarinig sila ng isang sigaw.

"Ayon sila!!!" Narinig nilang sigaw. Hindi na nila kailangan pang alamin kung saan nangaling ang sigaw na iyon dahil siguradong mula sa bahay ni Diane iyon.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Michael at mabilis na niyang muling hinila si Gaia patakas.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon