Mula sa OR ay inilipat na si Gaia sa regular room dahil stable na rin naman ang kalagayan nito. Si Michael naman ay umuwi na muna dahil wala pa rin naman malay si Gaia samantalang si Louie ay gayon din umuwi na rin muna.
Naiwan na lang sina Albert at Divina pero hindi rin naman nagtagal ang mga ito dahil wala na rin naman sila gagawin doon ibinilan na lang nila si Gaia sa mga nurse.
Nang wala nang naiwan na tao sa kwarto ni Gaia ay siya naman ang labas ni Harris mula sa pinagtataguan nito at pumasok na sa loob ng kwarto ng kaibigan.
Actually ay kanina pa siya andito sa Ospital hindi lang siya makapunta kay Gaia dahil maliban kina Louie at Michael ay andito din ang mga magulang ni Gaia. Hindi siya dapat makita ng mga ito at malaman na magkakilala sila ni Gaia dahil kapag nangyari iyon alam nila pareho na uusisahin ng mga ito ang pagkatao niya.
Pagkapasok niya sa loob ng silid ng kaibigan ay agad siyang lumapit sa may gilid ng kama ni Gaia at umupo sa upuan na nakalagay doon.
Tinitigan niya ito saka ngumiti. Palihim na niyang nakausap ang doctor at tinanong na niya dito kung kumusta na ang kalagayan ni Gaia kaya alam niyang hindi naman na delekado ang kalagayan nito.
Inusog-usog pa niya ang kinauupuan niya para maabot ng kamay niya ang buhok nito saka hinaplos-haplos iyon.
"I'm sorry hindi kita naprotektahan." Aniya dito na kahit alam niyang hindi naman siya nito naririnig.
Marami na rin silang pinagdaan na dalawa... mga misyon na buwis buhay kaya naman malalim na malalim na rin ang pinagsamahan nilang dalawa.
Kahit na minsan ay talagang matigas din ang ulo ni Gaia at madalas kumikilos ito mag-isa at laging muntik-muntikan nang mamatay kaya naman minsan hindi niya rin maiwasan na magtampo dito dahil partner sila pero iniiwan siya nito.
Pero kahit ganon na minsan ay hindi man sila magkasundo sa maraming bagay at hindi man sila showy ng affection para sa isa't-isa but they still care for each other very much kaya nasasaktan din siya na makita ito na nangyari ito kay Gaia.
Mula sa ulo nito ay kamay naman nito ang hinawakan niya pero bigla siyang nagulat dahil bigla itong gumalaw kaya nanlalaki ang mga mata na napatingin siya dito.
"Gaia..." Sambit niya sa pangalan nito.
"Wow! What a reaction! Akala mo siguro mamatay na ako ano!" Nanghihinga biro nito ng makita ang reaksyon niya kaya napailing-iling na lang siya at pasimpleng dahan-dahan na binitawan ang kamay nito. Nahihiya kasi siyang makita nito ang soft side niya.
"Nabaril ka na lahat-lahat ay may gana ka pa rin magbiro ng ganyan." Aniya.
"Sus Daplis lang naman ang mga ito malayo sa bituka." Sagot pa ni Gaia.
"Yan tayo e, ganyan lagi ang linya mo."
"E totoo naman kasi—wala na..."
"Hay naku! Ewan ko sayo!" Putol na sabi ni Harris sabay buntong hininga pa ng malalim. "So sa tingin ko ay ako na muna ang mag-isang kikilos para sa mga plano natin kung sakali hanggang sa maging okay ka na." Dagdag pa niya.
Napabuntong hininga tuloy si Gaia sabay mariin na napatango-tango. "Yeah I guess but don't worry hindi rin naman ako magtatagal dito at pagkalabas na pagkalabas ko I'll help you."
"Naku okay lang kaya ko naman iyon mag-isa mag magmamanman lang naman ako e, ang unahin mo muna ay mapagaling yang mga sugat mo. Naku hindi pa nga gumagaling yang sa braso mo nadagdagan pa. May ideya ka ba kung sino ang namaril sayo?"
Mariiin na napailing-iling si Gaia. "Wala." Bapabuntong hininga pa siya. "Hindi ko alam kung sino— si Michael?" Sagot nito na biglang pinaghinalaan si Michael dahil ito lang naman ang kilala niyang may balak na patayin siya.
Mabilis na napailing-iling si Harris. "I don't think so—he's the one who brought you here."
"Really?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Gaia dahil pagkatapos niya mabaril ay medyo blur pa sa ala-ala niya ang mga sumunod na nangayari.
"Yes..." Agad na tugon naman ni Harris kaya napatango-tango na lang si Gaia.
"Ohh... ok..." Anito pa na medyo pumipikit na ang mata dahil malamang sa epekto pa ng kung ano mang gamot na ininject dito kanina.
Napangiti pa si Gaia hanggang sa tuluyan na itong muling makatulog.
Napailing-iling na lang si Harris saka napangiti na lang din at hinayaan na lang muna na makapahinga ang kaibigan dahil kailangan pa nitong makabawi ng lakas.
* * * *
Kinabukasan ay maagang nag-gayak si Michael para pumunta sa Ospital para echeck si Gaia kung gising na ba ito. Hindi naman niya ito tatanungin tungkol sa lumang sugat nito sa braso dahil alam naman niyang hindi nito sasabihin sa kanya ang totoo ang gusto lang niya kaya maaga siyang pupunta ng Ospital dahil gusto lang niyang tingnan kung maayos na ang kalagayan nito.
Pagdating niya sa harap ng silid ng kwarto ni Gaia ay pabukas na sana siya ng pinto ng bigla siyang napatigil dahil may narinig siyang nag-uusap sa loob kaya dinahan-dahan lang niyang binuksan ang pinto para magkaroon ng maliit na uwang at para medyo marinig niya ng malinaw ang pinag-uusapan sa loob.
"Basta kapag nakalabas na ako magpapalitan tayo sa pagmamanman sa kanila, kailangan natin malaman ang mga plano nila dahil kapag nasira natin ang transaksyon na ito siguradong malaking kawalan sa kanila ito." Narinig ni Michael na sabi ni Gaia.
"Wag mo na munang isipin iyon, basta ako na ang bahala, trust me makakakuha ako ng impormasyon." Sagot naman ng lalaking kausap ni Gaia..
Napakunot naman ang noo ni Michael dahil sa pinag-uusapan nina Gaia at ng lalaki. Pero lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya maunawaan kung anong transaksyon ang pinag-uusapan ng mga ito at kung sino ang mamanmanan ng mga ito.
"Ok sige basta mag-ingat ka lang." Saad pa ni Gaia.
"Sige mauuna na ako at baka may dumating ka pang mga bisita, hindi nila dapat malaman na magkakilala tayo."
"Ok sige. Basta update mo ako lagi." Paalam na ni Gaia kaya mabilis na muling isinara ni Michael ng marahan ang pinto at mabilis na naghanap ng matataguan.
Nang makalabas na ang lalaking kausap ni Gaia ay napakunot ulit ng noo si Michael ng makilala ang lalaki—ito ang naghatid kay Gaia kagabi.
"Ano ang relasyon ng dalawang ito?" Mahinang tanong niya sa sarili.
Mas lalo pang nadagdagan ang mga gumugulo sa isip niya dahil sa mga bagay na nadidiskubre tungkol kay Gaia. Mga taong hindi niya alam kung ano koneksyon sa asawa.
Dumadami ang mga impormasyon sa listahan niya, ang mga bagay na gusto niyang malaman tungkol kay Gaia.
Nangunguna sa listahan niya ang tungkol sa pagtulong nito sa kanyA, kung ito man ang babae na iyon.
Pangalawa naman ay kung sino nga ba sa buhay nito sina Louie at itong lalaking kausap nito ngayon?
Pangatlo ay kung ano nga ba ang nababalot na sikreto sa pagkatao nito dahil sa nakita niyang reaksyon ng mga magulang nito kahapon.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...