Kanina pa nakahiga si Michael pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatulog, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang pag-uusap nila kanina ni Gaia.
Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan niya ng maalala ang gusto sana niyang sabihin tungkol sa kasal nila ni Gaia na pinutol naman nito.
Actually, ang gusto sana niyang sabihin dito ay sana subukan nilang ayusin ang kasal nila, na sana subukan nilang ayusin ang relasyon nila at sana ay subukan nilang mahalin ang isa't-isa—pero maging siya ay hindi rin naman niya alam kung bakit ganon ang gusto sana niyang mangyari sana pero iyon ang laman ng kanyang puso, iyon ang gusto ng puso niya.
Alam naman niyang imposible ang iniisip niya kung sakali mang nasabi niya iyon kanina kaya mas mabuti na rin siguro iyon na pinutol ni Gaia kanina ang sinasabi niya.
They are not meant for each other at isa pa ay sa tingin niya ay wala naman magandang kakahihinatnan kung sakaling subukan man nila na magpatuloy sa loob ng kasal na ito na hindi naman naging maganda ang umpisa, kahit anong pilit man nilang ayusin ang lahat ay panigurong hindi naman maaayos iyon kaya mas mabuti na ri siguro ito—mas mabuti nang pagkatapos ng kanilang misyon ay tapusin na rin nila ang kanilang ugnayan—na kalimutan na lang nila ang isa't-isa.
Isa pa ay wala rin naman silang magandang ala-ala na pinagsaluhan habang kasal sila dahil ang bilis ng mga pangyayari at ngayon nga ay nasa ganito na silang sitwasyon—parang kailan lang ng ikasal sila—parang kailan lang ng pinagpaplanuhan niyang patayin ito at parang kailan lang ng iligtas siya nito sa kapahamak at parang kailan lang nang...
Nang biglang mahinto siya sa pag-iisip ng makarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis siyang napabangon at kinuha ang baril niya na nakalagay sa drawer ng bedside table niya.
Mabilis ang hakbang na napalapit siya sa pinto—dahan-dahan niyang binuksan ito at sumilip muna bago lumabas.
Bawat hakbang niya ay maingat habang sinusundan niya ang tunog putok ng baril.
Nang biglang may bumulaga sa harapan niya mabuti na lang at mabilis siyang nakapag-isip at nakakilos kaya't agad siyang dumapa at gumulong saka agad na inasinta ang kalaban.
Dalawang magkasunod na putok at bumulagta na ang kalaban niya at nang masigurong patay na ito ay muli na siyang bumangon at napatuloy sa paglalakad.
Nang biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng makita niya si Gaia na nakahandusay—mabilis ang mga matang inilibot niya ang paningin para icheck ang paligid.
"Gaia..." Tawag niya sa pangalan nito pagkatapos macheck na walang kalaban sa paligid.
Agad naman itong napalingon sa kanya kaya nakahinga na siya ng maluwag na malaman na buhay pa naman pala ito. Akala kasi niya ay wala na itong buhay kaya talagang labis ang kaba niya.
Muli niyang inilibot ang mga mata para echeck ulit ang paligid at ng masiguro na wala pa rin kalaban sa paligid ay mabilis ang kilos niyang naglakad palapit kay Gaia nang biglang...
"Michael DAPA!!!" Narinig niyang malakas na sigaw ni Gaia kaya wala nang pagdadalawang isip na agad naman niyang sinunod ito at dumapa siya ng mabilis. Pagkadapa ay magkakasunod na putok ng baril ang umalingangaw.
Kitang-kita niya ang pagpapaputok ni Gaia ng baril sa likod niya. Nang tumahimik na ay nanlalaki ang mata na napalingon siya at kitang-kita nga niya ay dalawang lalaki na duguan at nakahandusay.
Muntikan na siya doon pero muli nanaman iniligtas ni Gaia ang buhay niya!
Muling napabalik ang tingin niya kay Gaia na ngayon ay wala nang malay.
Agad na siyang tumayo at mabilis na lumapit dito na lumakas at bumilis nanaman ang kabog ng dibdib niya dahil sa pagkakawala ng malay ni Gaia.
"Gaia...Gaia..."Pilit niyang pag gising dito habang dinidiinan niya ang sugat nito para mapigilan ang pagdugo. "Gaia...please wake up..." Hindi niya napansin ay tumutulo na pala ang luha niya pero wala itong tugon kaya naman lumingon-lingon siya ulit sa paligid nang biglang nanaman umalingawngaw ang putok ng baril kaya wala nang pagdadalawang isip na agad niyang niyakap si Gaia para protektahan ito para kung sakali man anong manyari ay naproprotektahan niya ito.
Mga ilang segundo din bago natapos ang magkakasunod na putok ng baril na iyon at nang masigurong ligtas na ay saka pa lang niya inalis ang pagkakayakap kay Gaia.
Wala na siyang dapat sayangin na oras, agad niyang binuhat si Gaia at saka mabilis na tumakbo—hindi na niya alintana kung may mga kalaban pa siyang makasalubong dahil ang nasa isip lang niya sa mga oras na ito ay ang iligtas si Gaia.
Habang tumatakbo siya ay marami siyang nakasalubong na mga nakahandusay na hindi niya mga kilala mayron din mga tauhan nila pero hindi na niya pinansin ang mga ito dahil si Gaia ang mahalaga ngayon—ang madala niya ito sa Ospital.
"Anong nangyari?" Pag-aalalang tanong ng kanyang Ama ng makasalubong niya ito. May dala din itong baril at pawisan na halatang napalaban din ito.
"Natamaan si Gaia." Sagot ni Michael na hindi niya alam kung narinig pa ng Ama dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi niya o mahina lang pagkarinig niya ng sariling boses dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
"NO!!!!! JACOB!!!!!" Narinig nilang sigaw ng isang babae mula sa kung saan na kung hindi sila nagkakamali ay boses iyon ni Maxine.
Nagkatinginan silang mag-ama at parehong napakunot ng noo.
"Tingnan mo muna Dad ang nangyari." Sabi ni Michael sa Ama na ang tinutukoy ay sina Maxine at Jacob.
"Sige ako na titingin sa kanila, dalhin mo na muna si Gaia sa Ospital." Sagot ni Miguel saka mabilis na itong tumakbo papunta sa kung saan nangagaling ang sigaw ni Maxine.
Samantala ay agad naman na itinakbo na ni Michael si Gaia papunta sa sasakyan para dalhin na ito sa ospital.
Samantala ay nanginginig ang buong katawan ni Maxine habang hawak-hawak si Jacob—ang duguan at wala nang buhay na si Jacob, patuloy din ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Maxi—" Nang biglang dumating si Miguel na natigilan din ng makita ang sitwasyon ni Jacob. Hindi nito naiwasan na mapamura at mapasabunot sa ulo dahil sa naabutan na nangyari.
"Sina—sinanga niya—" Patuloy sa pagluha na pagkukuwento ni Maxine kung ano ang nangyari, napalunok pa ito bago pinapatuloy ang sinasabi. "Sinanga niya ang bala na dapat sa 'kin—sinakripisyo niya ang buhay niya para sa akin. Namatay siya dahil sa akin!!!" At hindi na nga napigilan ni Maxine at napahagulgol na ito ng iyak sabay yakap kay Jacob ng mahigpit habang naguunahan nanaman umagos ang mga luha niya.
"Jacob!!! Bakit mo ako iniwan—hindi ko pa nasasabi sayo na mahal na mahal kita!!!!" Sabi niya habang humahagulgol at nakayakap pa rin sa binata. "I love you! Please wake up—handa na akong sumama sayo at magpapakalayo-layo tayong dalawa—handa na akong mamuhay na kasama ka—handa na akong mamuhay at bumuo ng pamilya kasama ka—please wake up! Don't do this to me! Don't leave me!" Pagpapatuloy pa niya garalgal na ang boses at hirap na hirap na rin magsalita.
Ilang sigundo pang yakap-yakap lang niya si Jacob bago siya kumalas sa pagkakayakap dito at at pilit na iniangat ang pa ulo nito at niyugyog pa ito ng paulit-ulit. "Wake up!!! Wake up!!! Please wake up!!! JACOB!!!" Punong-puno ng hinanakit—punong-puno ng sakit—punong-puno ng PAG-SISISI na sigaw ni Maxine
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
