TWENTY

46 0 0
                                    

Tulad nga ng naging plano nina Gaia at Harris ay sa bahay nga muna ng huli nagstay si Gaia.

Kasalukuyang magkaharap sila at nagpapalitan ng mga ideya kung ano ang gagawin nila para bukas.

Alam ni Gaia na mahina pa siya pero kailangan na niyang tulungan si Harris sa pangangalap ng mga impormasyon dahil nauubusan na sila ng oras, mula sa nakalap kasi ni Harris na impormasyon ay isang linggo na lang mula ngayon ay magkakaroon ng isang malaking transaksyon ang grupo ng Papa niya kaso ang problema ay wala pa silang impormasyon kung saan ang lokasyon at kung sino ang mga katransaksyon ng mga ito at iyon ang kailangan nilang malaman as soon as possible para mapaghandaan pa nila ng maigi ang gagawin nilang pananabutahe sa transaksyon na iyon.

"Sigurado ka bang kaya mo na?" Singit na pag-aalang tanong ni Harris sa gitna ng pagplaplano nila ni Gaia.

"Oo, magmamatyag lang naman tayo e, kaya wala naman problema." Mabilis na tugon ni Gaia.

Hindi naman agad sumagot si Harris dahil kung siya ang tatanungin ay ayaw pa sana niyang sumama si Gaia sa pag-iimbistiga pero sigurado naman kahit anong pigil niya dito ay hindi ito papaawat kaya mas maigi nag pumayag na lang siya.

"Ok sige ikaw bahala pero hindi pwedeng lalabas ka mag-isa dapat lagi akong kasama ha." Kondisyon na sabi niya dito .

Agad naman na napatango-tango si Gaia.

* * * *

Kanina pa hindi mapakali si Michael at ilang minuto na rin siyang paikot-ikot sa loob ng kanyang silid.

Hindi kasi mawala sa isip niya ang encounter nila ni Gaia sa bahay ni Diane. Hindi rin mawala sa isip niya ang pangalawang beses na pagligtas nito sa kanya.

Mas lalong dumagdag pa ng dumagdag ang mga bagay bagay na gumugulo sa isip niya tungkol kay Gaia, hindi na niya tuloy alam kung ano ang uunahin.

Hindi tuloy niya maiwasan na mapahilamos ng palad dahil sa sobrang sakit ng ulo niya kakaisip.

Ilang minuto din siya na nasa ganoon na posisyon nang tumunog ang kanyang cellphone kaya siyang napatingin doon ng makita ang kanyang Ama ang tumatawag ay agad niyang dinapot ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Dad."

"Maghanda ka may papatrabaho ako sayo." Agad na sabi sa kanya ng Ama.

Kumunot naman ang noo niya sabay tanong na. "Ano po?"

"May nabalitaan kaming malaking transaksyon nina Albert Aguas kaya kailangan natin makakalap ng impormasyon kung saan gagawin." Sagot ni Miguel sa tanong ng anak.

"Sige Dad kailan ba?"

"Bukas, pupunta ka sa bodega nila para magmanman dahil siguradong may malalam ka doon."

"Sige Dad, tratrabahuin ko yan bukas." Sagot ni Michael sa ama.

* * * *

"Good morning Sir." Masiglang bati ni Maxine kay Miguel Sandoval pagkapasok nila ni Jacob sa opisina nito.

Nakilala nila si Miguel Sandoval mula sa isa nilang kasamahan. Nabangit nito sa kanila na isa ito sa namumuno ng grupo na tumutugis din sa mga kriminal na tulad nila kaya naisipan nilang makikipagtulungan dito para mas mapabilis ang pagtugis nila kay Marcus.

"Good morning." Ganting bati naman ni Miguel. "Upo kayo."

Agad naman na tumalima sina Maxine at Jacob at naupo.

"So ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ni Miguel sa dalawa ng makaupo na ang mga ito.

"Well Sir hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Gusto namin makipagtulungan sa inyo." Sagot ni Maxine.

"Makipagtulungan?"

"Yes Sir." Si Jacob naman ang sumagot.

"Para saan?" Kunwari'y tanong ni Miguel.

"Sa pagtugis ng mga kriminal and—this particular person." Si Maxine sabay abot ng litrato ni Marcus.

Agad naman kinuha iyon ni Miguel at tiningnan. "Marcus Ferrer." Sambit niya ng makita ang litrato.

"Yes Sir, at nabalitan namin na he's back into business at mukhang makikipagtransaksyon siya sa isa sa malaking grupo dito sa Cavite—kina Albert Aguas." Si Jacob naman ang nagpaliwanag.

Napaangat ng tingin si Miguel ng marining ang pangalan ni Albert. "Si Albert?"

"Opo sir, at alam namin na matagal niyo nang tinatrabaho ang grupo nina Albert Aguas kaya po gusto namin makipag-tulungan sa inyo para mas maging malakas ang pwersa natin laban sa kanila at mapabagsak natin sila." Sabi ni Maxine.

Hindi agad sumagot si Miguel at tahimik na pinagmasdan ang dalawa at pinag-aralan. "Diba kayo sina Maxine Mendez at Jacob Zamora ang isa sa mga taong nasa likod ng pagbaksak ni Francisco Ferrer. Akala ko patay na kayo." Nakasalubong ang kilay na sabi ni Miguel ng mamukhaan ang dalawa.

"Opo sir kami nga po iyon pero pagkatapos po namin makaligtas mula sa pagkakabaril sa amin ni Marcus ay napasya kaming wag na munang lumantad dahil hindi pa tapos ang misyon namin." Paliwanang ni Jacob.

"Kailangan pa namin pabagsakin si Marcus at ang iba pang mga kriminal. Pare-pareho lang tayo Sir ng ipinaglalaban—ang kapakanan ng mga mamayanan kaya sana pumayag kayo sa offer naming pakikipagtulungan." Pakiusap ni Maxine.

Muling nanahimik at mariin na nag-isip si Michael kung ano kayang desesyon sa inooffer ng dalawang ito.

Kung tutuusin ay maganda naman ang inooffer ng mga ito ngunit medyo nag-aalangan siya, hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga ito pero ang iniisip lang niya ay kung makakatulong ba ito sa misyon nila o baka makagulo lang.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon