Hindi mapakali si Michael habang kanina pa nagpapaikot-ikot sa sala ng bahay nila, hanggang ngayon kasi ay wala pa si Gaia, anong oras na.
Gusto man niyang tawagan ito para tanungin kung nasaan na ito pero hindi naman magawa dahil wala naman siya number nito. Hindi naman sa nag-aalala siya dito na baka may nangyari na ditong masama dahil kung sakali man ay mas mainam nga iyon dahil atleast iba na ang gumawa ng dapat ay misyon niya pero ang hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit? Bakit kaya ang lakas ng kaba ng dibdib niya at si Gaia ang naiisip niya.
Hindi kaya may nangyari nang masama dito? Ang planong pagtawag niya dito ay gusto lang niyang makumpirang kung buhay pa ba ito or patay na.
Nang biglang naputol ang pag-iisip niya nang may narinig siyang sasakyan na parang pumarada sa harap ng kanilang gate kaya agad siyang napasilip sa bintana na sakto naman sa pagsilip niya ay ang pagbaba ni Gaia mula sa isang kotse pero ang kinakunot ng noo niya ay ang lalaking kasama nito't umalalay pa sa kanya sa pagbaba.
Tinitigan niya ng maigi ang lalaki, hindi niya ito kilala at hindi rin ito ang lalaking kasama ni Gaia noong nakaraang araw kaya mas lalong lumalim pa ang pagkakakunot ng kanyang noo.
"Sino kaya ang lalaking iyon?" Mahinang tanong niya sa sarili na nananatili pa rin ang tingin sa mga ito.
Samantala ay mula naman sa labas ay nagpasalamat si Gaia kay Harris dahil sa paghatid nito sa kanya. Hindi na sana niya ito aabalahin kaso nga lang ay may nangtrip ng kanyang kotse at binutas ang apat na gulong ng sasakyan niya, e gabi na kaya wala na silang magpagpaayusan na bukas na car repair kaya nagdesesyon na lang siyang iwanan na lang ang sasakyan at mag taxi na lang sana pauwi pero nagpresenta naman itong si Harris na ihatid siya, kahit nakakahiya ay hindi na niya tinanggihan ang pagpresenta nito.
"Thank you sa paghatid ah, pasensya na sa abala." Aniya kay Harris na may pag-aalala sa mukha pero ngumiti ito ng malapad.
"Ano ka ba, okay lang 'yon." Sagot nito. "Anyway, I'll text you na lang tomorrow or the day after kapag nakapagfile na ako ng Vacation Leave ko para mafinalized na natin ang plano nito. Dugtong pa nito.
Tumango-tango siya. "Okay." Sagot niya sa gitna ng pagtango. "Bye." Saka paalam na niya dito.
"Bye." Ganting paalam naman ni Harris na kumaway pa bago muling umikot papunta sa driver side.
Nang makaalis na si Harris ay hindi agad pumasok si Gaia, hinintay muna niyang makaalis si Harris. Nang hindi na niya matanaw ang sasakyan nito ay saka lang siya naglakad papasok ng bahay.
Samantala sa loob naman ng bahay ay nang makita ni Michael na papasok na si Gaia ay mabilis siyang napatakbo paakyat papuntang kwarto niya dahil ayaw niyang maabutan siya nito na andito sa baba.
Pero dahil sa kakamadali niya sa pag-akyat ay muntikan pa siyang madulas buti na lang at nakahawak siya handrail . Pero nang nasa taas na siya at papasok na sana ng kwarto ay bigla siyang nakarinig ng malakas na putok ng baril kaya't mabilis siyang napahinto at napadapa. Nanlaki pa ang mga mata niya na naging malikot.
"Gaia." Bigla niyang nasambit ang pangalan ng asawa bago nagmamadaling tumayo't patakbong bumababa.
Pero nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan nang muling umalingawnga ang magkakasunod na putok ng baril kaya't mabilis siyang napadapat at mabilis ang kilos na napagapang paakyat at nagtago.
Kumabog ng mabilis ang kanyang dibidib.
Hindi niya alam kung sino ba ang namamaril pero ang sigurado lang siya ay malamang si Gaia ang target nito dahil kung siya ang target ay kanina pa ito kumilos at umatake.
Hindi niya tuloy maiwasan na ikonekta ang nararamdaman na kaba kanina. Malamang ito siguro ang nasesense niya na parang may mangyayaring masama.
Pero syempre embes na matakot at mag-alala para kay Gaia ay napangisi na lang siya dahil mukhang hindi lang siya ang gustong pumatay dito. Well, pabor na pabor sa part niya ang nangyayari ngayon dahil hindi na niya kailangan mag effort para mapatay ito. Mas lalo pang lumapad ang pagkakangisi niya nang biglang tumahimik at wala man lang nangyaring palitan ng putok dahil iisa lang ibig sabihin ng bagay na iyon, walang baril si Gaia at hindi ito nakalaban at malamang ngayon ay maaring patay na ito.
Mas lumapad pa ang pagkakangiti niya dahil mukhang natapos ang misyon niya na hindi man lang siya pinahirapan at natapos pa ito na hindi nabahiran ng dugo ang kanyang kamay.
Nasa gitna na sana siya ng pagbubunyi nang biglang nagulat siya dahil sa biglang pagsulpot ni Gaia na duguan. Hindi niya mawari kung saan ang tama nito pero halos maligo na ito sa sariling dugo.
Napalunok at nanlaki pa ang kanyang mga mata niya habang titig na titig dito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Base sa itsura nito ay mukhang napuruhan ito, gusto na niyang mapangisi habang nakatingin dito at pabayaan ito pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit parang there is something inside him wanting to help her.
Nakatingin ito sa kanya na parang nagmamakaawa pero siya naman ay nakatitig lang sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...