THIRTY EIGHT

5 0 0
                                    

Hawak na namin ang mga ebidensya!" Pagbibigay alam ni Maxine kay Miguel gamit pa rin ang listening device ng maibigay na sa kanila ni Diane ang mga ebidensya na kailangan nila para mapabagsak si Albert Aguas at Marcus Ferrer.

"Ok good." Sagot naman ni Miguel na kasalukuyang nasa kalagitnaan ng pakipapagpalitan ng putok kina Albert at Marcus.

"Secure the evidence and call the police." Utos ni Miguel kay Maxine.

"Copy Sir." Sagot ni Maxine saka agad nang kinuha ang cellphone para tawagan na ang mga pulis na nakastand-by at naghihintay ng hudyat nila para sa pagsunod ng mga ito.

Kailangan lang kasi nila ng ebidensya bago pasunurin ang mga pulis dahil kailangan nilang masiguro na sila ang mananalo—na wala nang magiging kawala sina Albert Aguas.

"Ngayon na naibigay ko na sa inyo ang kailangan ko siguro naman marunong kayong tumupad sa napagusapan natin." Sabi ni Diane pagkatapos ni Maxine matawagan ang mga pulis.

"Wag kang mag-aalala mamaya pag natapos ang lahat ng ito dadalhin ka namin kay Michael." Sagot naman ni Maxine na naging dahilan ng malapad na ngiti ni Diane.

"Okay ka lang ba Gaia?" Baling na pabulong na tanong naman ni Maxine kay Gaia.

Pilit na ngumiti si Gaia. "Oo naman."

"Okay lang ba sayo na magkita sina Diane at Michael?"

"Oo, wala naman problema kung magkita man sila ni Michael."

"Pero paano kung—"

"Si Michael na ang bahalang magdesesyon sa nararamdaman niya." Sagot ni Gaia sabay iwas na ng tingin kay Maxine.

Natatakot man siya sa mangyayari kapag nagkita sina Diane at Michael pero nakapangako na sila kay Diane at isa pa ay wala naman siyang karapatan para hadlangan ang pagkikita ng dalawa—kung sakali man biglang magbago ang nararamdaman ni Michael at marealized nitong mahal pa pala nito si Diane ay wala na siyang magagawa.

Tatangapin na lang niya kung ano man ang mangyayari lalo na ngayon na mas pinili ni Diane si Michael kesa sa pamilya nito ay alam niyang hindi basta-basta papayag si Diane na siya ang pipiliin ni Michael kung sakali mang malaman nito ang tungkol sa kanilang dalawa.

* * * * *

GAME OVER

Nang dumating na ang mga pulis ay wala nang nagawa sina Albert, Marcus at mga natitirang mga tauhan pa ng mga ito kundi ang sumuko.

"Walang hiya ka talaga Miguel!" Galit na galit na singhal ni Albert kay Miguel habang bitbit ito ng mga pulis. "Kahit kailan ikaw ang tinik sa lalamunan ko!" Dagdag pa nito. "Hindi pa tayo tapos!"

Napangisi na lang si Miguel dahil sa mga sinabi ni Albert. "Tapos na tayo at sinisigurado kong hindi ka na makakalabas sa kulungan." Sagot ni Miguel.

Mas lalong nangalaiti sa galit si Albert. "Yan ang inaakala mo—"

"It's over Dad!" Nang biglang sumulpot si Diane mula sa kung saan habang nasa likod nito sina Maxine at Gaia. "I gave them all the evidence of your crimes." Dagdag pa nito.

"Diane?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Albert sa mga sinabi ng anak. "Gaia..." Sambit din nito sa pangalan ni Gaia ng mapansin ito. "How dare you both!"

"Dad, tama na, let's stop this. Muntikan nang mawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko—kaya please, tama na Dad."

Nagsalubong ang kilay ni Albert dahil sa narinig. "Anong ibig mong sabihin na muntikan nang mawala? ... Don't tell me na kasinungalingan lang pagpatay ni Gaia kay Michael!?"

"Oo." Si Miguel ang sumagot. "Kasinungalingan lang ang lahat." Dagdag pa nito.

Napakuyom ng kamao si Albert dahil sa sobrang galit na nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi niya matangap na naloko siya, hindi niya matangap na naloko ulit siya ni Gaia.

"Bullsh*t!!!!!" Sigaw na mura ni Albert dahil sa sobrang galit na nararamdaman at pilit na nagpapapalag mula sa pagkakahawak sa kanya ng mga pulis para sugurin si Gaia pero hindi siya nagtagumpay dahil maghigpit ang hawak sa kanya ng mga pulis.

"Gaia... paano mong nagawang traydurin ako—ang nag-iisa mong kapatid!" Galit din na reaksyon ni Marcus na hindi na rin napigilan ang galit at pakadismaya dahil sa pangloloko sa kanya ni Gaia.

"I am sorry pero tulad ng sinabi ko sayo noon—magkaibang landas ang tinatahak natin." Sagot ni Gaia na kahit papaano ay nakaramdam din ng guilt dahil sa panloloko sa kapatid pero ganon talaga kailangan niyang mamili.

Samantala si Maxine naman ay naninikip ang dibdib dahil sa galit habang nakatingin kina Albert t Marcus—ang mga taong dahilan sa pagkamatay ni Jacob.

Gustong-gusto niyang sugurin ang mga ito, gustong-gusto niyang pagtatadtarin ng bala ang mga ito pero pinipigilan niya ang sarili dahil naniniwala pa rin naman siya sa batas—sa sobrang bigat ng mga ebidensya na hawak nila ay paniguradong hindi na magagawan ng paraan ng mga taong kakampi nito sa loob ng gobyerno na mapalaya pa ang mga ito.

Napakuyom na lang siya ng kamao para pilit na pigilan na kumawala ang galit na nararamdaman.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon