THREE

7 0 0
                                    

Pagdating ni Gaia sa lugar kung saan nila ng informant niya na magkakaita ay bigla siyang napaatras ng makita ang isang hindi pamilyar na bulto ng lalaki na nakatalikod. Agad siyang naalarma.

Hindi iyon ang informant niya—pero bakit nakatayo ito sa lugar kung saan laging tumatayo ang informant niya sa tuwing nagkikita sila.

Mas ibinababa pa niya ang sumbrerong suot para mas maitago pa ang kanyang mukha. Oo, kahit naman ang informant niya ay hindi pa nito nakikita ang kanyang mukha dahil nag-iingat din siya na kapag nahuli ito sa loob ay baka ikanta pa siya nito, mahirap na, kailangan ng doble at triple na pag-iingat.

Pero sa paglitaw ang hindi kilalang lalaki na ito ngayon ay hindi siya aalis hangga't hindi niya nalalaman kung sino ito at kung ano ang ginagawa nito dito.

Mabilis at maingat ang bawat kilos na umikot siya sa pwesto kung saan ay mas makikita niya ng malinaw ang mukha ng lalaki.

Nang medyo natatanaw na niya ang mukha nito ay agad siyang nagtago muna sa poste na nasa may tabi niya para na rin pag-iingat na hindi siya nito mapapansin.

Dahan-dahan lang ang pagsilip niya para masigurong hindi ito nakatingin sa kanyang gawi.

Matalim ang tingin na dahan-dahan niyang sinipat ang lalaki.

Nang bigla siyang mabilis na muling napatago ng makilala ang lalaki na nakatayo at naghihintay.

"Ano ang ginagawa niya dito?" Pagtatakang pabulong na tanong niya sa kanyang sarili.

Nagsalubong pa ang kilay niya dahil sa pag-iisip kung bakit ito nandito at ang mas pinatataka niya ay kung ano ang koneksyon nito sa informant niya.

Naging malikot ang itim ng kanyang mata sa paligid dahil kailangan niyang maging alerto dahil hindi niya alam kung ano panganib na maaaring masagupa niya.

Samantala mula sa kinatatayuan ni Michael ay kanina pa siya naiinip, hindi naman niya balak na iwanan ang pagsunod kay Gaia pero tinawagan siya ng Dad niya para pumunta dito. Hindi nito sinabi ang dahilan kung bakit siya nito pinapapunta at ang sabi lang nito ay tumayo lang daw siya dito hanggang sa may dumating at mag-approach sa kanya pero ilang minuto na siyang nakatayo dito hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay niya, naiinip na talaga siya.

Embes na nakasunod siya ngayon kay Gaia at nag-uumpisang pagplanuhan kung paano ito patayin ay andito siya at nagsasayang ng oras sa hindi naman niya malaman na dahilan.

Nang bigla siyang nagulat dahil biglang may isang lalaki ang biglang lumapit sa kanya mula sa likod at muntikan na siyang matamaan ng kutsilyo mabuti na lang at malakas ang kanyang pakiramdam at mabilis ang reflexes niya kaya agad siyang nakailag.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng makalayo at habang nakatitig dito. Nanlaki pa ang mga mata niya pero hindi pa man din siya nakakabawi sa gulat ay mabilis na ulit itong kumilo at muling uundayan nanaman sana siya ng saksak pero mabilis ulit siyang nakailag at sa pagkakataon ito ay ginantihan na niya ito ng isang sipa na nailagan naman nito.

Mas lumayo pa siya dito para pumusesyon ng tama para kapag muli itong umatake ay agad siyang makakailag at makakaganti pero ang hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ng pangalawang lalaki mula sa kanan niya. May dala din itong kutsilyo at matatalim ang tingin sa kanya.

Pumuwesto na rin ito at handang-handa nang umatake anytime.

Mula naman sa kinatataguan ni Gaia ay hindi siya makapaniwala sa nakikita at hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Sino ang mga lalaking iyon na umaatake kay Michael at bakit siya inaatake ng mga ito? Ilan lang sa katanungan na tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito dahil sa nangyayari.

Napagkagat pa siya ng ibabang labi dahil sa nasasaksihan. Hindi niya maaring pabayaan si Michael at kailangan niyang tulungan ito.

He's not her enemy kaya't hangga't kaya niyang protektahan ito ay gagawin niya kahit alam niyang ang goal lang nito ay ang patayin siya.

Alam niya na sanay naman ito sa pakikipaglaban pero ang problema ay ang dalawa nitong kalaban na parehong may kutsilyo samantalang ito ay wala kaya pano ito makakalaban ng patas—walang kalaban-laban si Michael.

Mabilis ang kilos na inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang face mask saka inayos din niya ang kanyang sumbrero para siguraduhin na walang makakakilala sa kanya.

Nang masiguro nang nakatago na ng maayos ang kanyang mukha ay wala na siyang sinayang na oras at agad na siyang lumabas mula sa pinagtataguan saka mabilis na tumakbo papunta kay Michael.

Kitang-kita niya sa buo nitong mukha ang pagkagulat dahil sa biglang pasulpot niya, hindi rin nakalagpas sa atensyon niya ang pag-aalala sa mga mata nito marahil siguro ay iniisip nito na isa din siya sa gustong umatake sa kanya, samantala ang dalawang lalaki naman ay gulat na gulat din pagkakita sa kanya at nagkatinginan pa ang mga ito.

Pero hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon ang mga ito na makapag-isip pa at agad na siyang sumugod sa isang lalaki. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkunot ng noo ni Michael dahil sa ginawa niya pero agad din naman itong nakabawi dahil umatake na rin dito ang isang lalaki kaya nakipaglapan na rin ito dito.

Ilang beses nang muntik-muntikan nang matamaan si Michael ng kutsilyo mabuti na lang at sinuswerte siya at laging nakakailag kahit na medyo distracted siya dahil sa taong nakaitim at tumulong sa kanya. Maya't-maya din ang lingon niya dito dahil naninigurado siya na hindi ito kasamahan nitong dalawang lalaki at bigla na lang siyang atakihin.

Dahil na rin sa galing ng dalawa sa pakikipaglaban ay pareho nilang dalawa natamaan ang kani-kanilang kalaban.

Hingal na hingal na ang dalawa na nakabangaan pa ang mga likod habang umaatras para medyo makalayo sa mga kalaban nila at medyo makahinga.

Nagkatinginan pa ang dalawa dahil pagkakabangaan ng kanilang mga likod.

Mata lang ang nakikita ni Michael sa tumulong sa kanya pero pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang mga mata na iyon.

"Wag mo akong titigan, ang kalaban ang pagtuunan mo ng atensyon." Anito sa kanya na inalis na ang pagkakatingin sa kanya kaya agad din niyang inalis ang tingin dito at ibinalik sa kalaban.

Akala niya kanina ay lalaki ito pero dahil sa pagsalita nito ay nalaman niyang babae pala ito. Gusto sana niyang tanungin ito kung sino pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil sa biglang pag-atake ng lalaking kalaban niya.

Matapang na muli siyang lumaban dito.

Si Gaia naman ay habang hingal-hingal na nakatingin sa lalaking kalaban na hindi pa ulit kumikilos ay biglang aksidenteng natuon ang atensyon niya ikalawang palapag ng kinaroroonan nila at agad na napansin niya ang isang lalaki na nakatayo doon na may hawak na baril at kung hindi siya nagkakamali ay nakatutok iyon kay Michael dahil hindi naman sa kanya nakatutok ang baril.

Nanlaki ang mga mata niyang napalingon siya kay Michael na busying-busy na nakikipaglaban sa lalaking kalaban nito saka muling bumalik ang tingin niya sa lalaking may baril.

Si Michael nga ang inaasinta nito...

Nang biglang huminto sina Michael at ang lalaki sa paglaban. Ngayon ay nakatayo at magkatitigan na lang ang dalawa na pareho na hinihingal.

Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib at napalunok pa siya dahil alam na niya ang mangyayari. Ito ang pagkakataon na kailangan ng lalaki para barilin si Michael.

Isang huling sulyap sa lalaking nasa taas sabay bulong na "Bahala na!" Aniya saka mabilis ang kilos na tumakbo siya palapit kay Michael.

Kitang-kita pa niya ang panlalaki ng mata nito dahil sa ginawa niya pero hindi na niya pinansin iyon.

Kasabay ng malakas na putok ng baril ay ang pagsungab niya kay Michael para idapa ito, malakas na bumagsak silang dalawa. 

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon