Hindi agad pumasok si Michael sa silid ni Gaia dahil sa pagsunod niya sa lalaking kausap nito.
Sinundan niya ang lalaki para picturan at para ipahanap sa mga tauhan ang impormasyon tungkol dito.
Alam niyang may something dito kaya kailangan niyang malaman kung sino ito at kung ano ang relasyon nito kay Gaia, at kailangan din niyang malaman ang tungkol sa pinag-uusapan ng mga ito kanina.
Pagkapicture niya sa lalaki ay agad na niyang pinadala sa mga tauhan ang litrato nito para maumpisahan na ng mga ito ang pakalap ng impormasyon.
"Makikilala din kita." Bulong na saad pa niya habang nakatitig sa picture ng lalaki saka agad nang ibinalik ang cellphone sa bulsa at naglakad na pabalik sa silid ni Gaia.
Pagdating niya at pagkapasok sa silid ng asawa ay gulat na gulat itong nakatitig sa kanya siguro dahil hindi nito inaasahan na darating siya kaya ganon na lang ang reaksyon nito.
"Good morning." Masiglang bati niya dito pero hindi ito agad tumugon at nanatiling nakatitig lang sa kanya.
Hindi maalis ni Gaia ang pagkakatitig kay Michael dahil nagtataka siya kung bakit andito ito. Hindi niya kasi inaasahan na dadalaw ito sa kanya lalo na ganitong kaaga pa.
"Kumain ka na ba?" Tanong na lang ni Michael dahil sa hindi pag ganti ng bati ni Gaia.
Pero hindi pa rin umiimik si Gaia at nanatiling nakapako ang tingin sa asawa.
This time ay ang iniisip naman niya ay ang tungkol sa sinabi ni Harris sa kanya na ito ang nagdala sa kanya dito sa ospital kagabi.
Hindi kasi niya mahulaan o lubos maisip kung bakit—bakit siya nito tinulungan?
Hind niya maintindihan kung bakit hindi pa siya nito tinuluyan kagabi samantalang nagkaroon na ito ng pagkakataon.
Malaking palaisipan sa kanya ang ginawa ni Michael. Ano kaya nag nasa isip nito? Ano kaya ang mga pinaplano nito? Iilan lang sa mga katanungan na tumatakbo sa isip niya.
"Gaia..." Narinig niyang tawag ni Michael sa pangalan niya kaya doon lang siya natauhan.
"Huh?" Reaksyon niya.
"Ang sabi ko kung kumain ka na ba para kung hindi pa maibili kita." Ulit ni Michael sa tanong kanina.
"Ahh... ano... uhmmm...hi-hindi...hindi pa." Sagot ni Gaia na medyo nag-aalangan.
"Gusto mo ba ibili kita ng makakain?" Tanong pa ni Michael na mas lalong nagpdagdag pa sa iniisip ni Gaia.
Oo umaakting naman talagang friendly si Michael sa kanya kahit noong umpisa pa lang pero mas kakaiba kasi ang kinikilos nito ngayon lalo na't pinakawalan nito ang pagkakataon na mapatay siya kaya hindi niya maiwasan na hindi mapaisip kung ano nga ba ang totoong dahilan nito at kung ano nga ba ang plano nito.
"Gaia..." Muling tawag ni Michael sa pangalan ng asawa dahil nawala nanaman ito sa sarili.
"Huh... Yeah.. yeah sige." Agad na sagot ni Gaia ng muling matauhan mula sa malalim na pag-iisip.
"Ok.. so ano ang gusto mong pagkain?"
"Anything."
"Are you sure?"
"Yeah." Sagot ni Gaia na may kasamang tango-tango pa.
* * * *
"P*ny*ta! Iisang tao na nga lang pinapatrabaho ko sayo hindi mo pa nagawa ng maayos!" Galit na galit na bulyaw ni Diane sa tauhan na inutusan niyang patayin si Gaia.
"Pasensya na po Ma'am ginawa ko naman po ang lahat, pinaulanan ko naman po siya ng bala pero mukhang may sa pusa ho ata ang pinaptrabaho niyo sa akin, madaming buhay e." Sagot na pagdadahilan pa ng lalaki.
"Bullsh*t! Tigilan mo ako diyang sa palusot mo at ang sabihin mo hindi mo lang talaga kayang gawin ng maayos ang pinapatrabaho ko." Muling sighal ni Diane dahil sa pagdadahilan ng tauhan.
Wala na lang din tuloy nagawa ang lalaki kundi ang mapayuko na lang dahil kahit gustuhin man niyang magdahilan o sumagot pa ay hindi na niya ginawa dahil baka siya pa ang mapatay ng Amo dahil sa sobrang badtrip nito. "Pasensya na po Ma'am, hayaan niyo po sa susunod sisiguraduhin ko na ho na hindi na mabubuhay ang babaeng iyon." Anito na lang para matapos na ang lahat.
"Aba! Dapat lang dahil kung hindi, ikaw na malilintikan sa akin at baka ikaw pa ang ipalibing ko ng buhay." Hindi pa rin nawawala ang galit na banta pa ni Diane. "Sige na lumayas ka na nga muna sa harapan ko at nahihibadbaran ako sa pagmumukha at baka tadtarin pa kita ng bala ngayon!" Dagdag na pagpapalayas niya sa tauhan.
Agad na tumalima naman ang lalaki at dali-daling umalis sa harap ni Diane.
Pagkaalis ng tauhan saka lang inilabas ni Diane ang matinding galit na nararamdaman dahil sa nangyari sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gamit na makita niya.
"Haaaaaahhhh!" Sigaw pa niya para mailabas ang galit at inis na nararamdaman dahil sa kapalpakan ng tauhan.
Akala pa naman niya ay matatapos na ang problema niya sa Gaia na iyon at makapagpapakasal na sila ni Michael pero hindi pa pala.
Pero hindi siya titigil hangga't hindi ito napapatay. Ayaw na niyang hintayin pa kung kailan ito papatayin ni Michael kaya't kumilos na siya.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...