Hindi ka ba napapagod?" Out of the blue ay biglang tanong na lang ni Jacob kay Maxine habang nakaupo sila sa maliit na kubo at nanonood sa ibang mga kasamahan nila na nagsasanay.
Agad naman na napalingn si Maxine sa kanya.
"Napapagod saan?" Kunot ang noo na balik na tanong ni Maxine dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Jacob.
"Napapagod sa ganitong buhay?" Paglilinaw ni Jacob sa tanong niya.
Bigla naman natigilan si Maxine dahil sa tanong na iyon ni Jacob. Napaisip din kasi siya ng malalim dahil ang totoo'y nakakapagod naman talaga kasi ang ginagawa nila at buhay na pinili nila, na laging nasa bingit ng kamatay ang buhay nila pero—
Pero...ito ang gusto niya. Ang magbigay ng hustisya sa mga taong naaapi, ang pagbayarin ang mga taong nang-aapi at nangnanamantala ng kahinaan ng iba at ang pigilan ang mga illegal na gawain na nagiging cause ng kaguluhan at pagkasira ng buhay ng ibang mga tao.
Naniniwala kasi siya kung walang ibang kikilos at kung iaasa lang nila ang lahat sa gobyerno ay malaman walang mangyayari at mananatili ang paghahari-harian ng mga kriminal. Sa sobrang dami ba namang kasi ng mga buwaya sa loob ng gobyerno ano pa nga ba ang aasahan nila.
Kung hindi sila magkukusang kumilos sino pa.
Oo may batas na dapat sinusunod sa pagpapataw ng parusa para sa mga kriminal pero kahit ang batas ay hindi fair dahil kung sino lang ang mahihirap ay sila ang napaparusan samantalang ang mga mayayaman na mga kriminal ay nakakawala at patuloy na nakakalaya—kaya anong use ng batas, diba.
"Nakakapagod." Maikling sagot ni Gaia sabay dumeretso ang tingin. "Pero.. kailangan natin magsakripisyo.. kailangan natin isantabi ang pansariling kaligayahan natin para sa ikakabuti ng nakakararami." Dagdag pa niya sabay hinga ng malalim na sinundan din si Jacob ng dalawang magkasunod na buntong hininga.
"Hindi natin obligasyon na tugisin ang mga kriminal pero magbubulag-bulagan na lang ba tayo kahit kitang-kita na ng dalawa nating mga mata ang masamang gawain na ginagawa nila na pinapalampas lang ng mga taong nasa puwesto sa gobyerno." Muling dugtong pa ni Maxine.
"I know." Mahinang sang-ayon naman ni Jacob at muling napabuntong hininga.
Para sa kanya ay totoo naman ang sinabi ni Maxine at pareho sila ng pinaniniwalaan kaya nga andito sila pareho nakikipaglaban sa mga masamang gawain ng iba pero...
"Pero paano tayo?" Mahinang tanong niya. Mahina pero sapat na para marinig ng malinaw ni Maxine.
Sa loob ng isang taon na lagi silang magkasama ni Maxine, sa loob ng isang taon na sila ang magkasanga at sa loob ng isang taon na ang isa't-isa lang ang mayroon sila ay hindi niya naiwasan na mahulog ang loob niya dito at alam niya na ganoon din ito sa kanya at ngayon nga na muli nang bumalik si Marcus ay bigla siyang nakaramdam ng takot—takot na baka this time ay may isa na sa kanila ang hindi swertehin at mamatay dahil kay Marcus.
Agad na bumalik ang tingin ni Maxine kay Jacob at napalunok pa ito ng makita ang mga mata ng binata na wari'y nangungusap at kitang-kita niya dito ang takot.
Napakagat pa siya ng ibang labi para pigilan ang sarili.
Pigilan ang sarili na yakapin ito.
Muli siyang napalunok.
"Anong tayo—walang tayo...." Labag man sa kaloob at masakit man para sa kanya na sabihin iyon ay wala siyang ibang choice.
Oo may espesyal na lugar ito sa puso niya pero sa buhay na mayron sila, sa landas na tinatahak nila ay mahirap—mahirap na paganahin ang emosyon dahil iyon ang papatay sa kanila pag nagkataon.
Hindi na niya hinintay pang muling magsalita at sumagot si Jacob mabilis na siyang tumayo at naglakad palayo. Kapag hinintay pa kasi niya ang sasabihin ni Jacob ay baka hindi na rin niya mapigilan ang sariling nararamdaman.
Samantala ay naiwan naman si Jacob na malungkot habang nakasunod ng tingin kay Maxine.
She made a choice at ang pinipili nito ang misyon nila para sa kapakanan ng kanilang mga kababayad kaya't nererespeto niya ang desesyon nito.
* * * *
Dalawang araw pa ang lumipas na nanatili si Gaia sa Ospital at sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala pa rin na Michael ang muling dumalaw sa kanya kaya naman embes na sayangin niya ang oras niya kakaisip dito—which kahit ayaw man niyang isipin ito ay wala siyang magawa dahil nagsusumiksik talaga ito sa isip niya.
Isa pang dahilan kung bakit naiisip niya si Michael ay dahil sa nalaman niyang relasyon pala nito kay Diane pero hindi naman ito masyadong importante dahil ang importanteng kailangan niyang malaman ay kung ano ang dahil ni Diane ay kung ano ang dahilan nito sa pagpapatay sa kanya kaya naman ginugol niya ang dalawang araw niya sa pagpaplano kung ano ang magiging susunod na hakbang niya.
Hindi siya papayag na hindi malaman kung ano ang dahilan nito at kung ano pa ang susunod nitong mga plano para mapaghandaan niya.
Bukas ay palabas na rin siya na sakto dahil medyo nakarekober na rin siya, although hindi pa naman humihilom ang mga sugat niya pero kaya na niyang mga gawin ang mga light activities tulad ng pagiimbestiga at iyon ang una niyan gagawin pagkadischarge sa kanya.
Iimbestigahan niya si Diane.
* * * *
Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula ng hindi na muling pumunta si Michael sa Ospital at sa tatlong araw na iyon ay trinabaho niya ang pang-iimbestiga kay Harris at ang pagkausap sa Tatay niya sa pag babago ng kanilang plano.
Sa umpisa ay hindi ito pumapayag pero ng sabihin naman niya dito ang dahilan at mga nadiskubre niya ay pumayag na rin ito.
Kaya ng matapos na ang problema niya sa Dad niya ay sa loob ng tatlong araw na iyon ay nag concentrate lang siya sa pagiimbestiga kay Harris pero sa kasamaang palad ay wala siyang maraming nalaman tungkol dito dahil wala siyang ibang nahalungkat na ibang impormasyon.
Limited na limited ang mga impormasyon na tungkol dito, walang mga magulang, lumaki sa ampunan at maliban doon ay wala nang iba. Sinubukan din niyang puntahan ito sa address na nakalagay sa files nito pero hindi totoo na nakatatira ito doon kaya sa bandang huli ay wala din siyang masyadong nalaman.
Kaya mas lalo siyang naging interesado kay Harris dahil sa pagiging misteryoso ng pagkatao nito ay panigurong mayroong malaking sikretong natatago.
Pero sa ngayon ay dahil wala pa siyang mahagilap ay papabayaan muna siya saglit at itutuon muna niya ang atensyon niya sa isang problema pa niya.
Hindi lang naman kasi sumentro ang atensyon niya kay Harris dahil ginugol din niya ang tatlong araw na iyon sa pag-iisip kung ano ang gagawin niya tungkol sa hinala niya kay Diane at ang naging desesyon niya ay gusto niyang malaman kung totoo nga ang hinala niya para na rin sa ikakapanatag ng kanyang kalooban—iimbestigahan niya si Diane.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Azione"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
