FIVE

57 4 0
                                    

Galit na galit si Albert Aguas sa ibinalita sa kanya ng mga tauhan—hindi ng mga ito napatay ang ememeet sana ng traydor niyang tauhan na nagbibigay ng mga impormasyon sa kalaban nila.

Matinding galit ang naramdaman niya dahil sa nadiskubre kaya't ilang araw nilang sinundan-sundan ito para malaman kung saan nakikipagkita ito sa taong pinabibigyan nito ng impormasyon tungkol sa mga transaksyon nila.

Akala pa naman niya ay mga loyal ang kanyang mga tauhan dahil nakikinabang naman ang mga ito pero sadyang hindi talaga maiiwasan na magkakaroon ng isang ahas.

Pinatay na nila ang tauhan na ito kahapon pagkatapos malaman kung kailan ang muling pakikipagkita ng mga ito, pero ang hindi naman niya inaasahan ay madulas pala ang kausap nito at nakawala pa sa mga tauhan niya kanina.

Kapag nalaman talaga niya kung sino iyon ay siya mismo ang papatay dito.

Ilang taon—ilang taon din na naging tinik ito sa lalamunan nila—nang negosyo nila ang pananabutahe ng mga ito sa lahat ng kanilang mga transaksyones. Milyon-milyon na ang nawala at nalugi sa kanila kaya't hindi siya makakapayag na hindi ito mapapatay.

Sa ngayon ay maliban sa mga Sandoval ay isa ito sa matinding kalaban nila.

Pero may pakiramdam siya na isa ito sa mga tauhan ng mga Sandoval, wala lang talaga siyang mahanap na mabigat na ebidensya, pero kahit mapa-isa man ito sa mga tauhan ng mga Sandoval o hindi ay wala pa rin naman magbabago sa plano niya na pagpapapatay kay Michael Sandoval.

Ang kamatayan lang nito ang medyo magpapatamik sa kalooban niya dahil alam niyang wala nang susunod sa yapak ng ama nito na pakialamero.

Alam niyang hindi tanga si Miguel Sandoval para hindi nito malaman ang hidden agenda niya sa pakikipagkasundo niya dito sa pagpapakasal nang kanilang mga anak at alam niyang may plano din ang mga ito.

Kahit na galit dahil sa nangyari kanina ay hindi pa rin niya maiwasan ang mapangisi pa rin dahil ano't-ano man ang mangyari ay siya pa rin ang panalo.

Mapatay man ni Gaia si Michael Sandoval o si Gaia man ang mapatay ni Michael ay hindi siya talo dahil hindi naman niya totoong anak si Gaia, at kung mapatay nga ni Michael si Gaia magkakaroon pa siya ng pagkakataon na idiin ang mg Sandoval sa nangyari kay Gaia kaya kahit anong mangyari ay nasa kanya pa rin ang huling halakhak.

* * * *

Napamura si Miguel Sandoval ng tawagan siya ni Michael at ibalita sa kanya ang nangyaring pag-atake dito.

Nahampas pa siya sa mesa na nasa harap dahil sa galit.

Noong nakaraang araw ay nakausap niya ang isa sa mga tauhan ng mga Aguas at nakipagsundo ito na makikipagkita sa kanila at tutulungan silang mapatumba ang mga ito pero ang hindi niya inaasahan ay mukhang nahuli ata ito kaya embes na ito ang dumating ay mga ibang tauhan ng mg Aguas ang dumating para patayin ang kung sino man ang ememeet nito na nagkataon na anak niya.

Siguro kung sakaling napatay nga ng mga ito si Michael ay laking tuwa ng mga ito dahil alam naman niya na iyon naman talaga ang plano ng mga ito—ang patayin ang anak niya, kaya pinilit ng mga ito na makipagkasundo sa kanila at ipakasal ang kani-kanilang mga anak pero hindi niya mapapayagan na mapahamak si Michael.

Sisiguruduhin nila na sila ang magtatagumpay. Sisiguraduhin niya na ang anak ng mga Aguas ang paglalamayan hindi ang kanyang anak.

Ilang taon nang sakit sa lipunan ang mga ito –ang mga illegal na negosyo ng mga ito!

Ilang taon nang lason sa mga kakabayan nila ang negosyo ng mga itong illegal na droga kaya't hindi siya makakapayag na magpatuloy pa ang paghahari-harian ng mga Aguas.

Sisiguraduhin niyang walang nang mapapatatuloy pa ng sinumulan ng mga ito. Sisiguraduhin niya sa henerasyon ng mga ito na matatapos ang lahat.

* * * *

Kanina pa nasa tapat ng bahay nila si Michael pero hanggang ngayon ay nasa loob pa rin siya ng sasakyan at malalim ang iniisip.

Hindi kasi mawala sa isip niya ang babae na tumulong sa kanya – maliban sa pamilyar ang mga mata nito ay parang pamilyar din ang boses nito pero kahit anong isip niya ay hindi niya matandaan kung saan niya nakita ang katulad ng pares na mga mata na iyon at boses na iyon ng babae.

Nagkainterest siya sa babae na iyon dahil maliban sa mga pamilyar na mata nito at boses ay hindi niya alam kung bakit siya nito tinulungan? Kilala ba siya nito?

Hindi kaya isa sa mga tauhan ng Dad niya ito kaya pamilyar sa kanya ito, marami naman kasing mga babaeng tauhan ang Tatay niya at magagaling din sa pakikipaglaban kaya may posibilidad pero ayaw naman niyang tanungin ang Dad niya dahil paano kung hindi naman pala isa sa mga tauhan nito—magkakainterest din ito sa babae at hahanapin din nito.

Gusto niya kasi ay bago sabihin sa Dad niya ang tungkol sa babae na iyon ay gusto niyang malaman muna kung sino iyon.

Nang biglang naputol ang malalim na pag-iisip niya ng maagaw ang atensyon niya ng sasakyan na paparating. Pamilyar sa kanya ang sasakyan na ito—ito lang naman ang sasakyan ng boyfriend ni Gaia, yeah, he assumed na boyfriend ito ni Gaia dahil hindi naman ang mga ito pupunta ng Motel kung walang relasyon ang mga ito. Alangan naman kasi magpapatentero lang ang mga ito sa loob ng kwarto, diba?

Kitang-kita pa niya ang pag-alalay nito kay Gaia sa pagbaba ng sasakyan.

Samantala ay pilit naman na tinatapik ni Gaia ang kamay ni Louie dahil gusto siya nito alalayan.

"Kaya ko naman e, daplis lang naman ang sugat ko." Katwiran niya.

"Hay naku kahit na! Hay naku talaga! Nakakainis ka, you're always making me worry!" Anito pa na pilit pa rin siyang inaalalayan kaya wala na siyang nagawa kundi tangapin na lang ang tulong nito dahil naguguilty din = siya dahil tama nga naman ito she's always making him worry dahil sa pinaggagawa niya.

Gusto man niya itago din ang mga ginagawa niya pero wala na siyang magawa dahil parte na ito ng kanyang buhay at alam nito ang lahat kaya't kapag naglihim siya dito ay mas lalo lang itong magagalit na ayaw naman niyang mangyari dahil ito na nga lang ang nag-iisang kaibigan niya ay itataboy pa niya.

Nang hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa sasakyan na nakapark sa harap.

Sasakyan iyon ni Michael, hindi niya agad napansin iyon kanina, marahil siguro dahil wala naman ang atensyon niya doon, well since andito na pala ito so kailangan na niyang iwasan na masyadong pansinin ang sugat na dinaplisan ng bala kanina kundi naku baka mahalata nito.

"Sige na mauna ka na mukhang andito na rin si Michael." Pananaboy na niya kay Louie na inalis na rin ang tingin sa sasakyan ni Michael.

Hindi naman agad sumagot si Louie at nakatingin lang sa kanya na punong-puno pa rin ng pag-aalala ang mukha nito.

"Loiue wag kang mag-alala kaya ko na ang sarili ko malayo naman ito sa bituka e."

"E, pano kung bigla na lang maisipan ni Michael na isagawa na ang plano niyang pagpatay sayo? Makakalaban ka ba? Hindi, diba! So paano mo madedepensahan ang sarili mo niyan! Dapat kasi hindi mo na lang siya tinulungan kanina." Saad pa ni Louie na hindi naman niya masisisi kung bakit nasabi nito ang mga iyon dahil syempre nag-aalala ito sa kanya.

Hinawakan niya ito sa balikan. "Louie believe me hindi pa niya ngayon iyon isasagawa so may oras pa naman ako para magheal pa ang sugat ko."

Napailing-iling na lang ito. "Ewan ko sayo, bahala ka na." Anito pa na galit na saka padabog na naglakad papunta ng driver side at wala nang paalam-alam na sumakay na ito ng sasakyan at pinaharorot na ang kotse nito palayo.

Ganon naman talaga si Louie lalo na kapag sobrang nag-aalala ito sa kanya. Alam naman kasi nito na kahit anong sabihin nito sa kanya ay hindi siya makikinig kaya useless lang kaya sa ganon na paraan na lang nito ipinapakita ang inis.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon