Ngiting-ngiti si Albert ng matanaw ang isang pamilyar na bulot ng lalaki na naglalakad palapit sa kanya—si Marcus.
Marcus Ferrer anak ng namayapang dating Senator Francisco Ferrer. Dati nilang business partner si Sen Ferrer na sa kasamaang palad ay namatay dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Matino at maayos na kabusiness partner nila noon si Sen Ferrer, noong panahon na nag-uumpisa pa lang sila sa negosyo na ito kaya malaki ang panghihinayang nila sa maagang pagkawala nito.
Mula ng mamatay si Sen Ferrer ay hindi niya inaasahan na kokontakin siya ni Marcus dahil WANTED ito at matagal nang nawawala, akala nga niya ay lumabas na ito ng bansa at nawala na for good kaya laking gulat niya ng makatangap siya ng tawag mula dito at gustong makipagkita sa kanya.
Well kahit wanted ito ay since business ang pakay nito sa kanya ay sino ba naman siya para tumangi. Nakikipagtransakyon nga siya sa mga terorista kaya bakit hindi kay Marcus.
"Tito Albert." Masiglang bati nito sa kanya kaya napangiti siya ng malapad.
"Marcus." Ganti niya. "Kumusta?"
"Ito Gwapo pa rin and still kicking." Birong sagot nito na mas lalong kinalapad pa ng kanyang ngiti.
"Ikaw talaga." Aniya. "By the way how life, bakit ngayon ka lang nagparamdam?" Dugtong na usisa pa niya dito.
"Well.... After Dad died and all the others got arrested at naging MOST WANTED ako e, medyo kailangan magpalamig muna kaya I stayed muna sa isang tahimik na lugar." Sagot ni Marcus. "Pero ngayon I'm back at ready na ulit ipagpatuloy ang naumpisahan ni Dad."
"That's the spirit... I'm happy to hear that!" Sabi ni Albert na tinapik-tapik pa sa balikad si Marcus. "Upo ka—upo ka para maumpisahan na natin ang dapat pag-usapan tungkol sa negosyo." Anyaya na nito sa bisita para maumpisahan nila ang kanilang pag-uusapan.
* * * *
Dahil mas malapit ang Jollibee mula sa Ospital ay doon na lang siya bumili ng makakain, isang macaroni soup and rice and chicken ang binili niyang pagkain ni Gaia. Although kahit alam naman niyang may pagkain sa ospital pero gusto niyang ibili ito sa labas para medyo maging good shot siya dito.
Pagbalik ng opsital ay papasok na sana siya ng silid ni Gaia ng mapahinto siya dahil parang naririnig niyang nagsasalita ito.
Agad niyang ibinaba muna sa sahig ang mga pagkain na bitbit saka dali-daling idinikit ang tenga sa pinto para mas marinig at maintindihan ang kung ano man ang sinasabi ni Gaia.
"Ano ka ba—okay lang sige lang enjoy ka lang diyan. Bukas makakalabas na rin naman ako dito." Narinig niyang sabi ni Gaia na sa tingin niya ay hindi ito nagsasalita na mag-isa lamang dahil may kausap ito, well since wala naman siyang nariring na ibang tao sa loob ay sa tingin niya ay nasa kabilang linya ang kausap nito.
"Yeah... yeah... I know... I love you too." Narinig pa ni Michael na muling sabi ni Gaia sa kausap kaya hindi maiwasan na magsalubong ang kilay niya.
"Louie.." Bulong na hula niya sa kung sino man ang kausap ni Gaia sa telepono saka malalim ang buntong hininga na inilayo na niya ang tenga mula sa pinto at tumayo na ng tuwid.
Hindi pa niya agad kinuha ang mga pagkain na nakalapag sa sahig dahil bigla siyang natigilan habang nakapako ang tingin sa pinto.
Napakagat pa siya ng ibabang labi at saka biglang napailing-iling para tangaling sa isip ang ideyang biglang pumasok at saka mabilis na niyang dinampot ang pagkain na binili at dumeretso na sa pagpasok sa loob.
This time ay hindi na nagulat si Gaia ng makita siya at sulyap na lang ang ginawad nito sa kanya at agad nitong ibinalik ang atensyon sa cellphone kaya parang medyo nakaramdam siya ng inis.
"Andito na pagkain mo. Kumain ka na." Pahayag niya dito pero tumango lang ito at hindi man lang siya nito tinapunan ulit ng tingin.
Busy pa rin ito sa kakatipa ng cellphone at nakita pa niyang napapangiti pa ito habang nagtetext sa kung sino man ang katext nito kaya hindi niya maiwasan na mapataas ng kilay pero agad naman niyang nasaway ang sarili dahil bakit ba naman siya nakakaramdam ng inis samantalang wala naman siya pakialam sa personal na buhay nito.
Embes na pagtuunan ito ng pansin ay minabuti niyang ayusin na lang ang pagkain..
Nang maiayos na niya ay lumapit na siya sa asawa para ibigay dito ang pagkain nito para makakain na ito.
"Here's your food." Aniya habang inaabot dito ang pagkain.
Napaangat ito ng tingin sa kanya pero agad naman na lumipat ang tingin nito sa pagkain. Ibinaba na nito ang cellphone saka kinuha mula sa kanya ang pagkain nito.
"Kaya mo bang kumain mag-isa?" Tanong niya dito habang hawak-hawak nito ang pagkain dahil sa tingin niya ay hindi pa nito kayang masyadong epuwersa ang braso nito dahil sa sugat na natamo nito at syempre dahil na rin sa mga nakakabit dito.
"Oo naman hindi naman ako inutil." Sagot ni Gaia na nasa tono ng pagbibiro ang boses.
"Ok." Sagot lang ni Michael saka muli na siyang bumalik sa sofa para umupo.
Nang makaupo na ay inilabas niya ang cellphone at binuksan ang facebook para pangpalipas ng oras habang naghihintay.
Pero kahit na busy siya sa kakafacebook ay maya't-maya din ang pasimpleng sipat niya kay Gaia at kitang-kita niya na nahihirapan itong kumain pero hindi niya agad iyon pinansin hanggang sa makalipas ng ilang minuto na pag-oobserba dito ay sa wakas hindi na rin siya nakatiis at binababa niya ang cellphone at mabilis na tumayo at lumapit dito.
"Ako na magsusubo sayo." Pagprepresenta niya kaya napaangat ito ng tingin sa kanya.
"Hindi na, ano ka na kaya ko naman e." Pagtangi pa nito.
"Hay naku, pwede ba 'wag na matigas ang ulo mo."
"Pero—" Muling pagtangi pa sana ni Gaia pero hindi na niya ito pinatapos at agad nang kinuha dito ang kutsara.
Nang hawak na niya nag kutsara ay hinila niya ang upuan palapit para makaupo siya.
"Kaya ko naman kasi e." Pagproprotesta pa rin ni Gaia pero hindi na iyon pinansin ni Michael at tahimik lang na sumandok ng kanin at ulam sabay subo sa asawa.
Pero hindi agad tinangap ni Gaia ang pagkain na iyon na isinusubo ni Michael dahil naiilang siya at hindi siya komportable.
Ayaw niyang tangapin ang tulong nito dahil maliban sa wala siyang tiwala dito ay kaya naman niyang kumain mag-isa. Medyo talagang nahihirapan lang siya ng unti dahil sa daming nakakabit sa braso at kamay niya at idagdag pa ang sugat niya sa braso na laking pasasalamat niya na hindi naman masyadong inusisa at pinagtuunan ng pansin ni Michael ang tungkol doon.
"Bilis na nangangalay na ang kamay ko." Narinig niyang reklamo ni Michael kaya wala na siyang nagawa kundi tangapin na lang ang pagtulong nito sa kanya.
Tahimik lang ang dawala habang sinusubuan ni Michael si Gaia.
Pero kahit tahimik ang mga ito ay sarili-sarili namang mga bagay-bagay ang tumatakbo sa nila pareho.
Paghihinala, pagpaplano, at kung ano-ano pang mga katanungan na gumugulo sa isip nila pareho.
Paubos na ang pagkain na isinusubo ni Michael kay Gaia ng mapansin ni Michael na may kanin si Gaia sa gilid ng bibig nito kaya wala sa sariling pupunasan sana iyon ni Michael pero dahil sa pagiging alerto si Gaia ay agad na hinuli nito ang kamay ng asawa.
Dahil sa pagkahuli ni Gaia sa kamay ni Michael ay gulat pareho na nagtama ang mga mata ng mga ito.
Sa pagtama ng mga mata nina Gaia at Michael ay doon nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ng maigi ni Michael ang mata ng asawa.
Ilang segundo rin na magkalapat ang kanilang mga tingin na parang nagtatagisan at walang gustong magpatalo at maunang magbaba ng tingin.
Pero dahil sa nangyayari na iyon ngayon ay nakuha na ni Michael ang sagot sa isa sa mga katanungan na gumugulo sa kanyang isipan.
Kung si Gaia nga ba ang babaeng nagligtas sa kanya?
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Aksi"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...