"I can't believe this!!!" Hindi alam kung matatawa o magagalit na reaksyon ni Marcus dahil sa nalaman.
Hindi niya inaasahan na buhay pa pala sina Maxine at Jacob—kung hindi pa nila naisipan na sumugod kina Miguel Sandoval ay hindi pa niya malalaman.
"Akala ko patay na sila pero sadyang mapaglaro ata ang tandhana at buhay na buhay pa pala silang dalawa!" Dagdag pa ni Marcus.
"At ang masama ay makakakampi pa sila nina Sandoval—" Saad ni Albert na hindi din makapaniwala.
Sinugod ng mga ito ang lugar ng mga Sandoval dahil gusto ni Marcus na subukan ang mga baril na nabili mula kay Albert Aguas kaya naman nagbigay ng suhesyon si Albert na sugurin nila ang mga Sandoval para masubukan ang mga barlil.
"So iisa lang ang ibig sabihin ng pagkakaisa nila, may malaki silang pinaplano!" Saad pa ni Marcus.
"Oo, malamang pinagpaplanuhan na nila na pabagsakin ako!"
"Hindi lang ikaw, dahil malamang sa pakikipagsanib pwersa nina Maxine at Jacob sa mga Sandoval ay siguradong alam na rin nila na bumalik na ako kaya dalawa tayong target nila." Ani Marcus. "At ngayon nga na napatay natin si Jacob panigurong mas mangagalaiti pa si Maxine na pabagsakin ako." Dagdag pa nito na ang tinutukoy ang pagkamatay ni Jacob sa ginawa nilang pagsugod na naging sanhi din ng pagkalagas ng marami nilang tauhan pero gayon pa man marami din naman silang napatay na mga tauhan ng mga Sandoval at ang highlight pa ng sagupaan na iyon ay ang pagkamatay nga ni Jacob.
Alam ni Marcus na sa pagkamatay na iyon ni Jacob ay para na rin napilayan niya si Maxine.
"So kailangan natin silang paghandan."
"Oo kaya ngayon pa lang kailangan na nating pagplanuhan ang paghihiganti nila." Sang-ayon ni Marcus. "Kailangan natin silang maunahan." Dagdag pa nito.
"Sige ihahanda ko na ang iba ko pang tauhan para makaplano at makapaghanda na tayo para masiguro nating na mauunahan natin sila sa kung ano mang binabalak nila." Saad ni Albert.
* * * *
Walang gustong umimik, walang gustong magsalita at pare-parehong nakatulala sina Maxine, Miguel, Harris at Michael habang nakaupo sa labas ng Operation Room.
Kasalukuyan kasing inooperahan si Gaia para tangaling ang bala na tumama dito.
Samantalang si Jacob naman ay nasa loob na ng Morgue.
Pare-parehong iisa lang din ang pinaghihinalaan nila o mas tamang sabihin na sigurado sila kung sino ang sumugod sa kanila—walang iba kundi ang nag-iisang mortal na kaaway nila—ang grupo nina Albert Aguas at Marcus Ferrer.
Samantala ay hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Maxine ang gagawin at parang natuyo na din ang luha niya sa kakaiyak dahil halos wala nang lumalabas na luha sa kanyang mga mata.
Punong-puno rin ng imahe ng paghihiganti ang isip niya laban sa mga taong may kakagawan ng pagkamatay ni Jacob.
Hindi siya titigil hangga't hindi niya napapaghiganti ang pagkamatay nito, hindi siya titigil hangga't hindi niya napagbabayad ang mga demonyong naging sanhi ng pagkamatay ni Jacob.
Ngayon ay pinagsisihan niya ang lahat—pinagsisihan niya kung bakit itinago at hindi niya pinakita dito ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito.
Ngayon din niya napag tanto-tanto na totoo nga ang kasabihan na ang pagsisisi ay laging nasa huli—nagsisisi siya kung bakit hindi niya pinahayag o pinakita ang pagmamahal niya para kay Jacob at ngayon nga na huli na ang lahat ay wala na siyang ibang magawa kundi ang magsisi at tangapin na lang ang naging kapalaran niya—nilang dalawa ni Jacob.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...