FOUR

73 5 5
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Gaia na napaangat ng tingin kay Michael para siguruhin na hindi ito natamaan, sa kabutihang palad naman ay wala ito kahit anong tama o galos man lang kaya't nakahinga na siya ng maluwag saka mabilis nang tumayo dahil siguradong muling aatake ang kalaban nila.

Samantalang si Michael naman ay kahit na nagulat sa nangyari ay agad din naman nakabawi at agad din na nakatayo pero bago siya nakatayo ay hindi nakaligtas sa mata niya ang braso ng babae na duguan.

Hindi siya sigurado kung alam ba nito na may daplis ito sa braso. "Okay ka lang ba?" Nag-aaalang tanong niya dito kaya napalingon ito sa kanya na nakakunot ang noo.

Agad naman niyang inginuso ang braso nito na may dugo kaya mabilis din itong nakasunod ng tingin doon.

Mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo nito ng makitang tinamaan pala ito pero agad din naman nitong inalis ang tingin nito doon at bumalik ang tingin sa kanya.

"Malayo sa bituka." Pagbabaliwala sa sugat na sinabi nito saka muling balik ng atensyon sa mga kalaban. "Nasa taas ang may hawak ng baril." Sabi pa nito kaya mabilis din siyang napasunod ng tingin sa taas at nakita nga niya ang tinutukoy nito.

Natanaw nga niya ang isang lalaki na may hawak ng baril na masama ang tingin sa kanila marahil dahil sa hindi ito nagtagumpay sa balak nito.

Mabilis niyang hinawakan ang babae para itago ito sa likod niya.

"Sino ka?" Alam niyang hindi ito ang tamang oras para alamin ang pagkatao nito pero hindi niya napigilan ang sarili pero gayon pa man ay hindi niya ibinababa ang kanyang tingin at nakatuon pa rin ang atensyon sa lalaking may baril sa taas para bantayan kung muli itong magpapaputok.

Hindi na nakasagot ang babae dahil nakita niyang biglang umasinta nanaman ang lalaking may baril kaya mabilis niyang hinila ito patakbo para maghanap ng matataguan.

Mabilis naman na humabol ang dalawang lalaki na nasa baba.

Pero bago pa man sila nakatago ay magkakasunod nang putok ng baril ang umalingaw-ngaw. Sa kabutilang palad ay lahat salto naman at hindi sila tinamaan ng babae.

Nang makatago na sa medyo secured na lugar ay medyo nakahinga na ng maluwag ang dalawa pero hindi pa don natatapos dahil nakasunod pa rin ang dalawang lalaki na may kutsilyo. Alam nilang wala silang kalaban-laban dahil sa kasamahan ng dalawang lalaki na ito na may baril. Kapag pinili nilang labanan ang dalawang lalaki na humahabol sa kanila ay magkakaroon ulit ng pagkakataon ang lalaki na asintahin sila.

Kaya't naisip nila pareho na embes magtago ay mas maganda nilang gawin ay umatras na lang kesa magtapang-tapangan silang dalawa at mapatay pa ng wala sa oras.

"Wala tayong kalaban-laban sa kanila, mas maganda habang may pagkakataon pa tayo ay tumakas na tayo." Sabi ni Gaia kay Michael. "Mauna ka na." Dagdag pa niya.

Dahil sa tinuran niya ay napako ang tingin ni Michael sa kanya. "What!" Reaksyon pa nito na nakasalubong ang kilay.

"Mauna ka na, gusto mong bang sabay pa tayong mamatay dito." Sagot naman niya sa reaksyon nito dahil baka mamaya ay masundan pa siya nito kapag sabay silang lalabas.

"No!" Mariin na tanggi ni Michael sa suhesyon niya. "Sabay tayong aalis dito. Hindi naman ikaw ang pakay ng mga iyan kundi ako kaya bakit kita iiwanan dito." Matigas na dagdag na katwiran pa nito.

Gusto niya itong batukan dahil nagsasayang pa ito ng oras sa ginawa nitong pangangatwiran pero pinigilan niya ang sarili.

"Fine! Sige na nga!" Sagot na lang na pagsang-ayon niya dahil wala na silang oras na mag-argue pa saka sabay na silang tumakbo patakas.

Mabilis din naman muling humabol ang dalawang lalaki kaya mas lalo nilang binilas ang takbo hanggang sa mailigaw na nila ang mga ito.

Nang masigurong wala nang nakasunod sa kanila ay hingal na hingal silang dalawa na napasalmpak ng upo sa may damuhan.

Pareho nilang hinahabol ang kanilang hininga dahil sa sobrang pagod.

Lumipas din ang ilang minuto na wala ni isa man sa kanila ang umimik dahil sa paghahabol nila ng kani-kanilang mga hininga at dahil nagiipon din ulit sila ng lakas.

Nang medyo maayos na ang pakiramdam ni Gaia ay mabilis na siyang tumayo para sana mauna nang umalis pero mabilis naman na nahawakan ni Michael ang kamay niya kaya agad siyang napalingon dito.

"Thank you." Anito sa kanya pero hindi na niya iyon pinansin at ipinagpatuloy na ang pagtayo. "Wait!" Muling pigil nito sa kanya kaya muli siyang napalingon dito. "Sino ka ba talaga? Bakit mo ako tinulungan?" Usisa nito na punong-puno ng katanungan ang mukha.

Pinilit niya na hindi magpakita ng emosyon para hindi lumabas sa mata niya iyon. Tinitigan lang niya si Michael at pagkalipas ng mga dalawang minuto ay mabilis niyang hinila ang kanyang kamay na hawak nito para tuluyan na siyang makatayo.

Nang magtagumpay nang makatayo ang babae ay mabilis din na tumayo si Michael at agad na muling hinablot ito sa braso ngunit mabilis ang kilos nitong embes na braso nito ang mahawakan niya ay ang kamay niya ang nahawakan nito.

Hawak nito ang kanan kamay niya na itinaas nito sa may leeg niya samantalang ang kaliwa naman niya ay hawak din nito na pinigilan na hindi makagalaw saka mabilis siya nitong itinulak hanggang sa maramdaman niyang nakasandal na siya sa puno.

Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa mga mata niya.

Nakapako din ang mata niya na nakatingin sa mga mata nito na tanging nakalabas sa mukha nito. Hindi siya maaring magkamali kilala niya ang mga mata na iyon.

"Kung sino man ako ay wala ka nang pakialam don!" Matigas na saad nito. "At ito ang tandaan mo wag na wag kang magtangkang sundan ako dahil kapag naramdaman kong sinusundan mo ako ay pasensyahan tayo dahil ako mismo ang papatay sayo!" Dagdag pa nito na hindi naman niya na pinapansin dahil nakatulala lang siyang nakatingin pa rin sa mga mata nito.

Sa totoo lang ay kaya naman niyang makawala sa pagkakahawak nito dahil alam niyang mas malakas siya pero sa hindi niya malaman na kadahilanan ay nawalan siya ng lakas.

Hanggang sa binitawan na siya nito saka dahan-dahan itong lumayo sa kanya paatras, gusto niyang habulin ito pero hindi siya makagalaw na para ba siyang nahipnotismo.

Nakasunod lang siya ng tingin dito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya. 

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon