PART 1 (THE UNTOLD SECRET)
Unang araw bilang mag-asawa nina Michael at Gaia, pareho ang mga itong walang imik habang nakatingin sa isa't-isa nagpapakiramdaman.
"So..." Sa wakas ay si Gaia na ang unang bumasag sa katahimikan.
"So?"
"Anong gagawin natin dito magtititigan na lang ba?" Pagpapatuloy ni Gaia sa sinasabi na tumaas pa ang kilay.
"Ikaw kung gusto mo ba na may gawin tayo willing naman ako." Sagot naman ni Michael sabay ngisi na parang aso. Hindi naman siya seryoso sa kanyang sagot binibiro lang niya ito at saka isa pa loyal siya kay Diane.
Si Diane—ang babaeng totoong mahal niya at papakasal sana kung hindi nangyari ang kasalan na ito sa pagitan nila ni Gaia, pero no worries naman dahil matutuloy pa rin naman ang kasal nilang dalawa pagkatapos niyang mapatay si Gaia.
Irap at ismid ang agad na naging reaksyon ni Gaia kaya't hindi naiwasan ni Michael na mapatawa ng malakas.
Actually ay hindi naman gusto ni Michael na makipagbiruan kay Gaia but this is part of his plan—ang makipagkaibigan dito kunwari para mas madali niyang makuha ang loob nito at malaya siyang maobserbahan ang dalaga na ngayo'y asawa na niya at para na rin maisagawa niya agad ang kanyang plano laban dito.
"I'm just kidding! 'Wag ka nga masyadong seryoso diyan." Natatawang turan ni Michael dahil sa itsura ng asawa.
Palihim naman na napangisi si Gaia dahil sa pinapakita ni Michael. Akala siguro nito ay wala siyang alam sa plano ng pamilya nito well—ang pamilya lang niya ang walang alam pero siya—she knows everything.
Pumasok siya sa kasunduan na nito na hindi clueless, pumasok siya sa sitwasyon na ito na handa—hindi siya pinanganak kahapon para pumasok sa isang gyera na hindi handa, of course she's ready.
Akala ng kanyang pamilya na ang dating Gaia pa rin siya, na walang alam, na walang kamuwang-muwang na laging sunod-sunuran lang sa mga kagustuhan nila—pero ang hindi alam ng mga ito ay matagal na siyang namulat, matagal na siyang namulat sa katotohanan and this marriage becomes part of her plan.
She's not the real heiress ng pamilya Aguas. Cover lang siya ng mga ito para protektahan ang totoong anak ng mga ito na matagal nang nagtatago. Masakit malaman ang katutuhan, masakit na ang mga taong tinurin niyang pamilya at minahal ay ginagamit lang pala siya sa loob ng twenty three years.
Four years ago ng malaman niya ang lahat—nang hindi sinasadyang madiskubre niya ang lahat. Tungkol sa pagkatao niya at tungkol sa totoong anak ng pamilya Aguas na tinuring niyang pamilya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na naramdaman niya ng mga oras na iyon, para siyang binagsakan ng langit at lupa.
Kaya pala kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal sa mga ito. Kaya pala ang lahat ng ginagawa niya ay hindi sapat dahil kahit kailan ay hindi naman talaga magiging sapat iyon dahil hindi naman siya totoong Aguas.
Ilang araw din niyang dinamdam ang bagay na iyon pero isang araw ay nagising na lang siya at natauhan, bakit nga ba niya masyadong dadamdamin iyon. Ang kailangan niya ngayon ay ang makapaghiganti, kailangan niyang ipalasap sa mga ito ang balik ng mga ginawa nito sa kany, kailangan niyang iparamdam sa mga ito ang kanyang galit.
Apat na taon—apat na taon na rin mula nang umpisahan niya ang kanyang misyon laban sa pamilya Aguas.
Sa loob ng apat na taon na iyon ay naging isang malaking tinik siya sa mga transaksyon ng mga ito sa likod ng isang itim na maskara, kung nasaan ang mga transaksyon ng mga ito ay nadodoon siya lagi para pigilan at sirain ang mga iyon. Kaya't sa loob ng apat na taon ay unti-unting humina ang negosyo ng mga Aguas.
Hindi madali ang kanyang ginagawa dahil nakatira siya sa iisang bubong na kasama ang mga ito kaya mahirap ang kumilos pero dahil determinado siya ay lagi naman niyang nagagawan ng paraan ang lahat.
Makailang ulit na rin siyang muntik-muntikan ng mahuli but good thing dahil lagi niyang nalulusutan.
At dahil nga sa pagsira niya ng mga transaksyon ng mga ito ay ang pinagsuspitsyahan ng mga Aguas na may gawa ng mga bagay na iyon ay ang pamilya Sandoval na matagal nang tutol sa mga illegal na gawin ng mga ito.
Mabuting pamilya ang mga Sandoval—matulungin sa mga taong nangangailangan pero ang hindi alam ng lahat is they are vigilante. Inilalagay nila sa kanilang mga kamay ang hustisya at isa nga sa mga matinding kalaban ng mga ito ay ang pamilya kinalakihan niya—ang pamilyang minsan minahal niya't handang ibuwis ang sariling buhay pero ngayo'y ang pamilyang ito ang matinding kinamumuhian na n'ya.
Kaya nga hindi rin niya maintindihan kung paanong nagkasundo ang mga ito para ipakasal silang dalawa ni Michael, hindi niya alam kung ano ang ipinangako ng mga ito sa isa't-isa. Yes, alam niya na may mga kanya-kanyang hidden agenda naman ang mga ito na nakapaloob sa kasalan na ito.
Siya para patayin si Michael at si Michael para patayin siya, but the real question is ano nga ba ang nagpaksunduan ng mga ito at iyon ang gusto niyang malaman.
"Hey!" Biglang naputol mula sa malalim na pag-iisip ni Gaia dahil sa pantapik ni Michael sa kanyang balikat at dahil na rin sa pagkagulat ay bigla niyang nahila ang kamay ng asawa't mabilis na ipinilipit.
"Ouch!" Malakas na daing ni Michael at doon lang siya natauhan at napagtanto na wala naman palang pilegrong nakambang kaya agad niyang binitawan ang kamay nito.
Masyado lang siyang naging maingat ngayon dahil hindi niya alam kung kailan aatake si Michael para patayin siya kaya't kaunting maling galaw lang nito ay pasensyahan sila subalit gayon pa ma'y kailangan pa rin niyang magdahan-dahan.
In her case wala naman siyang balak talagang patayin ito at kaya lang siya nagkunwari na sumang-ayon sa plano ng mga Aguas ay para makalayo sa mga ito, para rin makakilos siya ng malaya at maayos at higit sa lahat para na rin malaman pa ang ibang mga sekretong tinatago ng pamilya Aguas.
Alam niya na maraming pang sekreto na natatago sa mga ito at sigurado siyang maging ang pamilya Sandoval at iyon din ang isa pang gusto niyang malaman.
"Sorry." Agad na paghingi niya ng paumanhin kay Michael.
Palihim na tumalim ang tingin ni Michael kay Gaia dahil sa kinilos nito. "She knows how to fight. Mabilis ang reflexes niya." Aniya sa kanyang isip.
Kaya tama din ang naging desesyon niya na wag munang isagawa agad ang pagpatay dito dahil hindi pa niya alam ang mga kaya nitong gawin, kung gaano ito kaalam sa pakikipaglaban. He needs time para malaman niya kung ano ang kahinaan nito at kung kailan ang tamang oras ng kanyang pag-atake.
"It's okay..." Sagot ni Michael sabay kunwaring ngiti pa.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...