Tulala at hindi makapaniwala si Albert sa ibinalita sa kanya ng kanyang tauhan.
Hindi niya lubos maisip kung paanong nangyari ito. Paano!? Bakit!?
Si Gaia ang batang pinalaki niya ay ang taong tumatrabaho pala laban sa kanya.
Anong ibig sabihin niyon?
Ang ibig sabihin ba ng ginagawa ni Gaia ay dahil alam na nito at nadiskubre na nito ang tungkol sa totoo nitong pagkatao.
Alam na kaya nito ang lahat-lahat?
Kailan pa?
At sino ang nagsabi dito?
Paano nito nalaman?
Napakuyom pa siya ng kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Hindi niya maipalawag ang matingin galit na ito kay Gaia.
Matagal na pala silang niloloko ni Gaia pero hindi man lang niya natunugan iyon, hindi man lang nila naamoy ang pagtatraydor nito.
Masyado siyang nagpakakampanti kay Gaia at hindi niya naisip na maari pala nitong gawin ito sa kanila.
Sa mga nangyari ay hindi rin nito maiwasan na hindi isipin na baka nakikipagtulungan si Gaia sa mga Sandoval dahil hindi naman nito makakayang gawin ang lahat ng iyon laban sa kanila kung mag-isa lang ito, maliban na lang kung ang lakas lang talaga ng loob nito na kalabanin siya mag-isa.
Siguro kaya rin hindi ito tumutol sa plano niyang pagpapakasal nito kay Michael Sandoval dahil magkakasabwat na sila.
Pero gayon pa man ay hindi naman siya sigurado kung tama at totoo nga ba ang naiisip pero hindi malayo na totoo iyon.
Sa sobrang galit na nararamdaman niya ay hindi na niya napigilan ang sarili at lahat ng gamit na makita ay pinagtatapon niya.
No! Hindi! Hindi-hindi niya mapapatawad si Gaia sa ginawa nito.
Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito sa pinaplano nito laban sa kanila. Sisiguraduhin niya na pagbabayarin niya ito ng malaki.
"I will make you pay!" Matigas na sabi pa niya habang matalim ang tingin sa kawalan.
* * *
Kanina pa nakauwi si Michael pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari kanina.
Ang tungkol sa mga natuklasan niya tungkol kay Gaia at sa pagkalaban nito sa sariling Ama.
Naipaliwanag naman ng mga ito sa kanya ang lahat maging ang impormasyon tungkol sa nalalapit na transaksyon nina Albert Aguas ay sinabi ng mga ito sa kanya kaya't hinihiling ng mga ito na makipagtulungan siya—sila sa mga ito.
Pero sa kabila ng pagsasabi ni Gaia ng lahat ay malakas ang pakiramdam niya na may hindi pa rin ito sinasabi sa kanya kaya iyon ang gusto niyang malaman.
Ang isa pa na gumugulo sa isip niya ang pag-iisip na naiwan sina Gaia at Harris na magkasama. Hindi niya maiwasan na isipin na baka may relasyon ang dalawa, pero paano si Louie? Sino ba talaga sa dalawa na iyon ang may relasyon kay Gaia.
Alam naman niyang wala siyang karapatan panghimasukan ang personal na buhay ni Gaia dahil wala naman silang paki-alaman sa buhay ng isa't-isa pero gayon pa man ay hindi pa rin niya maiwasan na guluhin ang isipan niya ng bagay na iyon.
No! Kailangan niyang iwaksi sa isipan niya ang bagay na iyon dahil maging siya din naman ay hindi pa rin niya tinatapos ang realasyon niya kay Diane kaya sino ba naman siya para isipin kung ano man ang relasyon na namamagitan kina Gaia at Harris at Louie.
And speaking of Diane, kailangan din pala niya itong imbestigahan ito dahil sa mga nadiskubre niya. Hindi lang pa niya mapaglaanan ng oras iyon dahil inuna muna niya ang pinapagawa ng Dad niya pero ngayon na pumasok na sa eksena sina Gaia at hawak na rin naman ng mga ito ang impormasyon na kailangan niya ay pwede na muna niyang gawin ang pag-iimbestiga na binabalak.
Maliban kay Diane ay kailangan din niya ipagpatuloy ang pagiimbestiga kay Gaia dahil unti-unti na niyang nalalaman ang mga sekretong nakabalot sa pagkatao nito.
Alam niyang hindi siya dapat lubusan na magtiwala sa mga ito dahil hindi niya nasisigurado kung hanggang sa huli ay magiging kakampi ba niya o nila ito o magiging kalaban.
Oo maaring nasa iisang panig sila sa ngayon pero maraming pwedeng mangyari sa mga susunod na araw at maaring biglang bumaliktad ang mundo ay maging kaaway ulit nila ito.
Pero hindi man niya aminin ay deep inside ay hinihiling niya na sana...sana ay hindi na magbago ang lahat at maging kakampi nga nila si Gaia hanggang sa huli dahil... hindi niya maintindihan ang kanyang sarili pero parang hindi niya kayang patayin si Gaia.
"Bakit?" Mahinang pabulong na tanong niya sa kawalan sabay pabagsak na sumandal sa sandalan ng kinauupuan.
Bakit nga ba? Bakit nga ba bigang nagbago ang ihip ng hangin at ngayon ganito na ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...