THIRTY FOUR

2 0 0
                                    

Dahil sa mga sinabi ni Marcus kay Gaia ay hindi mapakali ang huli at ilang beses na itong nagtangkang komprontahin si Miguel Sandoval pero bandang huli ay lagi siyang umaatras.

Nakalabas na siya ng ospital at nafinalized na rin nila ang plano nila kaya ngayon tahimik at nakatulala lang si Gaia habang nakaupo sa kama sa loob ng kwarto niya dahil busy ang lahat sa paghahanda samantalang siya ay nagpapalakas pa lalo dahil two days from now ay isasagawa na nila ang kanilang plano.

"Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng Mama mo." Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip niya ang mga huling sinabi ni Marcus sa kanya bago ito umalis pagkatapos siyang kausapin nito.

Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin—gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mama niya na tulad nga ng sinabi ni Marcus ay pinatay ni Miguel Sandoval pero ang problema ay hindi niya alam kung paano at kung tama nga ba ang gagawin niya kung sakali at kung paniniwalaan ba niya ito.

Hindi siya dapat magpabigla-bigla ng desesyon at aksyon dahil hindi rin niya sigurado kung totoo nga ang mga sinabi sa kanya ni Marcus. Hindi niya alam kung brinabrainwash lang ba siya nito.

"Gaia..." Nang biglang naputol ang pag-iisip niya dahil sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Michael.

Napatitig siya dito at habang nakatingin dito ay hindi niya naiwasan na maimagine kung paanong pinatay ng tatay nito ang Mama niya. Sumikip bigla ang dibdib niya dahil sa naiisip at mas lalo siyang nanlomo dahil sa sitwasyon nila.

Dahil sa sekretong nalaman niya ay talagang wala nang pag-asa silang dalawa, talagang hindi sila pwedeng magmahalan at magsama.

"Bakit?" Takang tanong ni Michael dahil sa biglang pagtulo ng luha ni Gaia.

"Ah wala." Sagot ni Gaia sabay mabilis na pinunasan ang luha na hindi niya namalayan na tumulo na pala. "May kailangan ka ba?"

"May gusto sana akong ipakita sayo." Sagot ni Michael saka mabilis na may kinuha sa loob ng bulsa ng Jacket na suot niya at iniabot kay Gaia.

"Nagpapatuloy ako sa pagiimbestiga tungkol sa magulang mo at iyan ang nahanap ko." Sabi pa ni Michael.

At nang tingnan nga ni Gaia ang ibinigay sa kanya ni Michael na litrato ay katulad din iyon ng ipinakita sa kanya ni Marcus.

"Yan ang Mama mo at ang batang karga niya ay ikaw." Anito.

Muling namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Gaia.

"Pero sad to say patay na siya—dalawang buwan ka pa lang nang mamatay siya—nang may pumatay sa kanya. Hindi ko pa alam kung sino pero malapit ko nang malaman." Pagpapatuloy pa ni Michael.

At tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa mga mata ni Gaia at parang gusto niyang isumbat kay Michael na ang Tatay nito ang pumatay sa Mama niya—na ang tatay nito ang naging dahilan pagkamatay ng kanyang ina pero pinigilan niya ang sarili—pinigilan niya ang sarili dahil may pinaplano siya.

Plano na alam niyang magpapabago sa lahat. Magpapabago sa takbo ng sitwasyon.

* * * *

Tinawagan ni Gaia ang number na ibinigay sa kanya ni Marcus at nakipagkita siya dito.

"Nakapagdesesyon ka na ba?" Agad na tanong ni Marcus pagkarating nito sa lugar na usapan nila ni Gaia na magkikita.

"Oo." Tipid na tugon ni Gaia.

"So?"

"Gusto kong maipaghiganti ang pagkamatay ng Mama ko." Nanlilisik ang mga matang sagot ni Gaia. "Makikipagtulungan ako sainyo." Agad na dugtong nito.

Agad namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Marcus dahil naging desesyon ng kapatid.

"You made a right decision." Aniya pa sa kapatid. "Tayong dalawa na lang ang magkapamilya kaya dapat natutulungan tayo kaya tutulugan kitang maipaghiganti ang pagkamatay ng Mama mo."

Tumango-tango si Gaia sa sinabi ni Marcus. "May naiisip na akong plano kung paano ko maipaghihiganti ang pagkamatay ni Mama." Pagbibigay alam niya sa naiisip na plano.

"Anong plano?"

"I'll kill Michael!" Sagot ni Gaia habang nanlilisik ang mga mata. "Ipaparanas ko kay Miguel Sandoval ang pakiramdam na mawalan ng pamilya—nang anak." Dugtong pa nito.

Napangisi si Marcus dahil nagtagumpay ang plano niya—nakuha niya si Gaia at magagamit niya ito laban sa mga Sandoval at Maxine.

"Pero gusto ko lang siguraduhin na kapag napatay ko si Michael ay tatangapin niyo ba ako—ni Pa...ni Albert Aguas?"

"Oo kinausap ko na siya at okay lang sa kanya ang pagbabalik mo."

"Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya ay kamatayan pala ang naghihintay sa akin?"

"Wag kang mag-alala sagot kita at hindi ko hahayaan na magalaw ka niya—magkapatid tayo kaya ako ang bahala sayo."

"Aasahan ko iyan." Ani pa ni Gaia kaya napatango-tango si Marcus.

* * * *

All set, all good—maayos na ang plano ng grupo ng mga Sandoval at gayon din ang plano ni Gaia—nakahanda na.

Magkaharap sila ni Michael sa loob ng isang bakanteng silid sa compound ng mga Sandoval.

"Bakit tayo andito?" Takang tanong ni Michael kay Gaia dahil sa pagdala ng huli sa binata dito sa kinaroroonan nila.

"Nalaman mo na ba kung sino ang pumatay sa Mama ko?" Tanong ni Gaia embes na sagutin ang tanong ni Michael.

"Hindi pa pero mamaya malalaman ko ang resulta ng embestigasyon." Sagot ni Michael.

Isang mapaklang ngisi ang gumuhit sa labi ni Gaia. "Hindi mo na kailangan pa ang resulta ng embestigasyon mo dahil ngayon pa lang ay pwede ko nang sabihin sayo kung sino." Sabi ni Gaia na ikinagulat ni Michael.

"Anong ibig mong sabihin?" Usisa nito na na nakakunot ang noo.

"Alam ko na kung sino ang pumatay sa Mama ko."

Ang pagkakakunot ng noo ni Michael ay agad na napalita ng tuwa dahil sa narinig. "Talaga?"

"Oo—at hinding-hindi ko mapapatawad ang taong iyon!" Nanlilisik ang mga mata at napakuyom pa si Gaia.

"Sino?"

Hindi agad sumagot si Gaia at nakatitig lang kay Michael ng ilang minuto.

Malakas ang kabog ng dibdib niya at hindi niya alam kung tama nga ba talaga itong plano niya para makapaghiganti kay Miguel Sandoval pero—hindi niya kayang palagpasin ang pagpatay nito sa Mama niya at hindi niya kayang hayaan na hindi makakuha ng hustisya sa pagkamatay nito.

Ano man ang kahihinatnan ng gagawin niya ay bahala na basta ang mahalaga sa kanya ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mama niya.

Napalunok muna siya bago sumagot. "Ang Tatay mo!" Nanginginig ang boses na pagbubunyag ni Gaia na naging sanhi ng biglang pagkatulala ni Michael.

Hindi makakilos si Michael sa kinatatayuan habang nakatitig lang kay Gaia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa nalaman, hindi niya alam kung paano niya tatangapin ang nalaman at hindi niya alam kung ano ang iisip niya tungkol sa kanyang ama dahil sa binunyag ni Gaia. 

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon