NINE

82 4 0
                                        

DISCLAIMER: Ang nilalaman po ng chapter na ito tungkol sa landmine ay kathang-isip laman at hindi totoo. Salamat.


"What!!!!!" Gulat na gulat na bulaslas ni Albert ng makarating sa kanya ang balita na nagkaroon ng barilan sa bahay nina Gaia at Michael. "Sino ang may gawa?" Agad na dugtong na tanong pa niya.

"Wala pa boss suspect ang mga pulis dahil wala naman nakakita kung sino ang namaril." Sagot ng tauhan ni Albert na nagbalita ng nangyari sa bahay nina Gaia at Michael.

"Hindi ba si Michael ang may gawa?" Paninigurong tanong pa niya dahil ang hinala niya ay si Michael ang may gawa sa nangyari kay Gaia.

"Hindi boss."Mabilis na tugon nito. "Sa katunayan ng boss ay sabi sa akin ng koneksyon natin sa loob ng kapulisan ay si Michael pa nga daw ang nagdala kay Gaia sa Ospital." Dugtong pa nito kaya't biglang nahampas ni Albert ang kaharap na mesa. Namayani ang matagal na katahimikan bago muling nagsalita ito. "Sige na pwede ka nang lumabas." Utos niya sa mga tauhan.

Pagkalabas ng tauhan ay muling paulit-ulit na naihampas si Albert ang mesa sabay mura pa ng paulit-ulit din.

Hindi kasi niya inaasahan ang pangyayari na iyon. Oo marami silang kalaban na gustong pumatay sa kanilang pamilya kaya hindi na rin naman nakapagtataka at nakakagulat ang pangyayari na iyon pero talagang hindi lang niya inaasahan iyon ngayon kaya ganon na lang ang naging reaksyon niya.

Ang mas kinaiinisan niya at nagpapagulo pa sa isip niya ay ang tungkol sa sinabi ng tauhan na si Michael pa raw ang nagdala kay Gaia sa Ospital. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang tinatakbo ng isip ni Michael kung bakit iniligtas nito si Gaia samantalang kung tutuusin ay mas pabor pa nga dito ang nangyayari dahil pwedeng-pwede na nito tuluyan si Gaia.

Pwedeng-pwede na sana niya maidiin ito kung sakaling tinuluyan na nito si Gaia pero hindi e. He ruins his chance at iyon ang gusto niyang malaman kung bakit.

"What is his reason?" Matalim ang tingin na tanong niya sa kawalan.

* * * *

Mula sa ospital ay tahimik at malalim ang iniisip ni Michael habang nakaupo at naghihintay na lumabas ang doctor mula sa OR. It's been an hour na rin.

This is not a part of his plan. Hindi niya gustong tulungan si Gaia—hindi niya gustong iligtas ito but he had to.

Kailangan niyang iligtas ito dahil sa hindi niya inaasahan na nakita kaya kailangan niyang madiskubre ang katutuhanan hingil sa nakita niya.

Alam niyang kapag nalaman ng Dad niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagkaroon na siya ng pagkakataon na mapatay si Gaia pero pinakawalan pa niya.

"Mr. Sandoval?" Naputol ang pag-iisip niya ng marining na may tumawag sa kanya at paglingon niya ang Doctor pala na nagopera kay Gaia, dahil sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan na lumabas na pala ito mula sa OR.

"Yes Doc." Agad na tugon naman niya dito habang tumatayo. "How is sh... my wife?" Dugtong na tanong pa niya.

"She's okay, wala naman natamaan na mga vital organs and lahat naman ng tama niya ay daplis lang naman." Magandang balita ng Doctor.

Napatango-tango naman siya at ngumiti ng tipid. "That's.... good to hear." Aniya.

"Oh by the way may isang sugat pala ang asawa mo sa braso i think mga around 2-3 days pa lang ang sugat na iyon did you know kung saan niya nakuha iyon?" Usisa pa ng doctor at iyon din sana ang gusto niyang malaman dahil ang sugat na iyon ang nagpabago sa isip niya at iniligtas ito.

"Hindi Doc e, sa tingin mo po ano kaya ang cause ng sugat na iyon."

"It's from the gunshot." Mabilis na tugon ng Doctor na biglang nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.

"Gunshot?" Ulit pa niya.

"Yes. I think the police should know about this also, it might help their investigation. I think someone really wants to kill her." Sabi ng Doctor.

Napatango-tango naman siya. "Ok Doc ako na po ang bahala sa mga pulis, ako na ang ang magsasabi sa kanila." Sagot naman niya, pero ang totoo ay wala siyang balak na sabihin sa mga pulis ang tungkol doon dahil ayaw niyang malaman ni Gaia na alam niya ang tungkol sa sugat na iyon sa braso nito.

Nang makaalis na ang doctor ay muli siyang napaupo.

Ang sugat na iyon ni Gaia sa braso ang nagpabago sa desesyon niya kanina na pabayaan na lang sana ito para tuluyan ng mamatay. Nang makita niya ang sugat na iyon sa braso nito ay alam niyang hindi ito mula sa pagkakabaril ngayon at ang unang pumasok sa isip niya ay ang babaeng nagligtas sa kanya noong isang araw.

Tugmang-tugma kasi ang sugat nito sa tinamaan sa babae na nagligtas sa kanya kaya agad niyang naisip na baka ito ang babae na iyon pero kung ito nga ang babae na iyon ay bakit? Bakit siya nito iniligtas ng araw na iyon?

Gusto niyang malaman ang kasagutan sa tanong na iyon kaya kinailangan niya itong iligtas.

"How's Gaia?" Mula sa malalim na pag-iisip ay narinig niyang tanong ng isang lalaki kaya agad siyang napaangat ng tingin at ang lalaking kasama ni Gaia noong isang araw ang bumungad sa kanya.

Nakakunot ang noo nito at kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito. "How is she?" Ulit pa nito.

"Okay na siya stable na ang lagay niya, lahat daplis lang naman ang mga tama sa kanya. " Sagot niya dito kahit hindi naman niya kailangan ereport dito ang kalagayan ni ng asawa niya dahil in the first place ay hindi naman niya personal na kilala ito. "And who are you, by the way?"

"Louie—Gaia's friend." Mabilis na tugon ni Louie pero hindi maiwasan ni Michael na hindi mapangiwi dahil sa sinabi ni Louie na kaibigan lang ito ng asawa samantalang nakita niya ang mga ito na pumasok ng Motel. Friends lang ba ang tawag doon unless it's a friends with benefits.

Pero hindi na siya nagsalita pa dahil wala naman siya pakialam kung ano man ang totoong relasyon nito kay Gaia kaya tinungaan na lang niya ito.

"What happened bakit siya nabaril?" Pangungusisa pa ni Louie dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba ang mga nangyari. Habang papunta siya dito ay ang suspetsya siya niya ay si Michael lang naman ang may kagagawan ng nangyari kay Gaia pero syempre hindi naman siya pwedeng basta na lang mambintang.

"May bigla na lang namaril kay Gaia sa harap ng bahay namin... hindi pa namin kilala kung sino under investigation pa ng mga pulis."

"Hmmm....." Ani Louie na tumango-tango pa. "Wala ba kayong CCTV?"

"Wala." Agad na tugon ni Michael sabay tingin sa mga mata ni Louie dahil pakiramdam niya ay may alam din ito—pakiramdam niya ay pinahihinalaan siya nito.

Nang pareho biglang napalingon sina Louie at Michael sa biglang nagsalita mula sa hindi kalayuan mula sa kanila.

Si Albert Aguas at ang asawa nito na si Divina Aguas ang nalingunan ng dalawa. "How's my daugther?" Muling tanong ni Albert ng makalapit na sa kanila.

"Ok na po siya hindi naman siya napuruhan." Sagot ni Michael.

Napatango-tango na lang si Albert at Divina sa sagot ni Michael na ikinakunot naman ng noo ng huli dahil hindi niya makita sa mukha ng mag-asawa na totoong nag-aalala ang mga ito sa kalagayan ng anak.

Hindi niya maintindihan pero kahit anong titig niya ay wala talaga siyang nararamdaman na pag-aalaa mula sa mga ito.

Dumagdag pa tuloy sa iniisip niya ang ekpresyon na ito ng mga magulang ni Gaia.

Nararamdaman niya na parang may something—parang may isang malaking sekreto siyang na dapat madiskubre.

At sa mga oras na ito ay nagbago ang kanyang main plan. Mula sa kailangan mapatay niya si Gaia ay mas gusto niyang unahin madiskubre kung ang man ang sekreto na nakabalot sa pamilya Aguas lalong-lalo na sa pagkatao ni Gaia.

He needs to know if Gaia is really the girl who saved him at kailangan din niyang malaman kung bakit siya nito tinulungan?

Hindi naman sa aabandunahin na n'ya ang plano nilang pagpatay kay Gaia pero sa ngayon ay mas importante sa kanya ang madiskubre ang mga sikreto ng pamilya Aguas.   

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon