Gulat na gulat man sina Gaia at Harris sa pagkakita kay Michael ay isinantabi na muna nila iyon dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang makalayo muna sila.
At sa tulong nga ng isa't-isa ay matagumpay at ligtas na nakatakas sina Harris, Gaia at Michael mula sa mga naghahabol sa kanila.
Nang makalayo na sila ay sabay-sabay silang napahinto at sabay-sabay din silang nagkatutukan ng baril.
Sina Gaia at Harris ay nakatutok ang kani-kanilang baril kay Michael, samantalang si Michael naman ay palipat-lipat ang pagkakatutok ng baril niya kina Gaia at Harris.
Pareho-parehong matatalim ang tingin ng mga ito sa isa't-isa.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong ni Michael na nakatingin kay Gaia habang mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.
Mabilis naman na napalingon si Gaia kay Harris pero agad din naman bumalik kay Michael ang tingin nito.
"Anong ginagawa mo sa warehouse ng tatay mo!!!!" Ulit na tanong ni Michael dahil sa hindi pagtugon ni Gaia. "At bakit kayo binabaril ng mga tauhan niya?" Dagdag pa nito dahil naguguluhan siya sa mga nangyari kanina.
Huminga muna ng malalim si Gaia sabay kagat ng ibabang labi. "Hindi tayo magkalaban Michael." Mahinahon na saad ni Gaia na medyo lumuwag ang pagkakahawak sa baril tanda ng pagpapakita dito na wala silang balak na makipaglaban dito o saktan ito.
Since nahuli at nakita na ng mga tauhan ng kanyang tatay ang mukha niya ay siguradong makakarating iyon sa kanyang Ama kaya wala na rin naman dahilan para itago pa niya mula kay Michael ang totoo.
Oo alam nila may pagkukulang sila dahil hindi sila nagtakip ng mukha kaya nabunyag at nakita tuloy ang kanya— ang kanilang mukha.
Ngayon na nabunyag na ang lahat ay panigurong hindi ito papalampasin ng kanyang Tatay ay panigurong papatayin siya nito kaya kailangan na nila ng tulong ng iba dahil hindi nila kakayanin na sila lang ni Harris ang kikilos.
Noon ay okay lang dahil hindi pa naman nabubunyag ang totoo kaya nakakakilos pa siya ng malaya pero ngayon ay iba na ang sitwasyon.
"Michael pag-usapan natin 'to..." Sabi pa niya dito.
Pakikipagsapalaran man ang gagawin nilang pagkausap kay Michael at tulad nga ng unang dahilan niya noong isang araw kung bakit hindi niya dito inamin ang lahat dahil may posibilidad na hindi ito maniwala sa kanya pero wala na silang magagawa kundi ang makipasapalaran.
"Let's help each other." Sabi pa niya na naging dahilan ng pagkakunot ng noo ni Michael.
"Gaia..." Mahinang tawag mo Harris sa pangalan ng kaibigan dahil hindi niya inaasahan ang mga desesyon nito.
Napatingin si Gaia kay Harris sabay sabi na."It's okay Harris, we need their help." Saka muling bumalik ang tignin niya kay Michael. "Michael hindi tayo ang makakalaban dito." Sabi ulit niya sabay taas ng dalawang kamay at dahan-dahan na ibinababa ang baril.
Samantala si Harris naman ay titig na titig kay Gaia at hindi alam kung susundin ba ang gusto nitong mangyari. Wala siyang tiwala kay Michael, oo tinulungan sila nito kanina pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan nila ito dahil hindi nila alam kung ano ngayon ang tumatakbo sa isip nito.
"Gaia, hindi tayo dapat basta magtiwala sa kanya!" Matigas na tutol niya.
"Pero wala na tayo ibang choice. Nakita na nila ang mukha ko at sigurong sa mga oras na ito naibalita na nila kay Papa ang mga nangyari dito—they'll haunt me down, they'll kill me...us.. Kailangan nating ng tulong." Pagpapaliwanag ni Gaia kay Harris sa naging desesyon niya.
Si Michael naman ay mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo dahil hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa sa harap niya.
Muling ibinaling ni Gaia ang tingin kay Michael. "Michael please lumayo muna tayo dito at pag-usapan natin lahat na dapat pag-usapan." Pamimilit niya.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Michael kina Harris at Gaia at nag-iisip ng maigi kung ano ang gagawin niyang sunod na hakbang.
"Harris ibaba mo na ang baril mo, please." Pakiusap naman ni Gaia kay Harris habang naguguluhan pa't nag-iisip si Michael.
Napapikit pa muna si Harris sabay kagat ng ibabang labi bago ibinababa ang kanyang baril.
Dahil sa pagbaba ni Harris ng baril ay ilang minuto pang nag-isip si Michael at inobserbahan ang dalawa.
At maya-maya nga'y ibinababa na rin niya ang kanyang baril.
Dahil sa ginawa ni Michael ay nakahinga na ng maluwag si Gaia sabay sabi na. "Let's go!" Yakag na niya. "Just follow us." Baling na saad pa niya kay Michael bago sila sumakay na sa kanya-kanyang sasakyan.
* * * *
"So..." Agad na bungad na tanong ni Michael kina Gaia at Harris pagkababa nila ng kani-kanilang sasakyan.
Alam ni Gaia na risky ang desesyon niyang dalhin si Michael dito sa hideout nila ni Harris pero kailangan nilang gawin ito para paniwalaan sila nito dahil andito lahat ng mga ebidensya na nagpapatunay na iisa lang ang kalaban nila—si Albert Aguas.
"Doon tayo sa loob mag-usap." Sagot naman ni Gaia saka naglakad na papunta sa loob na kasunod nito si Harris samantalang si Michael naman ay nag-isip pa saglit bago sumunod na rin.
Pagkapasok sa loob ay gulat na gulat si Michael ng ang unang tumambad sa kanya ang isang board na puno ng mga litratong nakasabit. Dahan-dahan siyang lumapit doon.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong board.
Punong-puno ito ng mga litrato ng ilang mga kriminal na tinutugis din nila pero mas tumagal ang tingin niya sa litrato ni Albert Agua.
"Bakit?" Maya-maya'y usisa niya habang nakatitig pa rin sa litrato ni Albert Aguas. "Anong ibig sabihin nito?" Dagdag pa niya sa tanong.
"Tulad ninyo tinutugis din namin si Albert Aguas, nangangalap kami ng mga matitibay na ebidensya para pabagsakin sila at the same time ay sinasabutahe din namin ang mga transaksyon nila." Paliwanag ni Gaia.
Napalingon si Michael dito at tinitigan ito ng mariin. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Ang tatay nito iniimbestigahan ng mga ito at sinasabotahe ang mga transaksyon nito? Bakit?
"I know hindi kapani-kapaniwala ang sinasabi ko pero maniwala ka sana dahil totoo talaga ang lahat. Mga apat na taon na rin namin ginagawa ito." Pagbibigay alam pa ni Gaia.
Samatala si Harris naman ay tahimik at alerto lang na nakamasid lang kay Michael para kung sakaling maramdaman o makita niyang may balak itong bumunot ng baril ay handa siya.
"Bakit? Bakit ginagawa mo ito sa sarili mong ama?" Sa wakas ay nagawa ring itanong ni Michael ang tanong na kanina pa niya gustong itanong dito.
"To stop him." Maikling sagot ni Gaia na hindi pa alam kung sasabihin din ba niya kay Michael ang tungkol sa pagiging ampon lang niya.
"To stop him?" Ulit ni Michael na nakasalubong ang kilay. "Anak ka niya, bakit mo gagawin sa sarili mong Ama ito, dahil sa ginagawa mo e di parang ikaw na rin ang sumira sa pamilya niyo." Dagdag pa nito.
Hindi agad sumagot si Gaia at nakatitig lang kay Michael habang nag-iisip ng malalim.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
