Kinabukasan ay ang unang bumungad na balita kina Miguel at Michael ay ang balitang nakatakas ng kulungan si Albert Aguas
"What!?" Reaksyon ni Miguel ng makarating sa kanya ang balita. Marahas pa siyang napatayo mula sa upuan.
"Kailan pa?" Tanong naman ni Michael kay Harris na siyang nagdala sa kanila ng masamang balita.
"Kaninang madaling araw lang daw nadiskobre na nawawala siya." Sagot ni Harris na punong-puno ng pag-aalala ang mukha.
"Imposible!" Galit na galit na saad ni Miguel na nagpalakad-lakad pa ng paroo't parito. "Sigurado akong may tumulong sa kanyang makatakas." Dagdag pa nito na huminto sa harapan ni Harris.
"Sino naman ang posibleng tutulong sa kanya lahat ng mga kasabwat niya ay pawang mga nakakulong na?" Nagtatakang tanong ni Michael sa ama.
"Sino pa nga ba! Walang iba kundi ang anak niya." Maririnig sa boses ni Miguel ang matinding galit.
"Pero—" Protesta sana ni Michael dahil naniwala siya sa sinabi sa kanya ni Diane na magbabago na ito at kahit kailan ay hindi nito tutulungan ang ama pero— tama ang kanyang Ama na wala naman ibang pwedeng tumulong kay Albert Aguas na makatakas kundi ang anak lang nito.
Galit na galit na napakuyom ng kamao si Michael.
"Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon!!!" Ani pa ni Miguel.
"Kakausapin ko siya." Matigas na saad ni Michael saka mabilis nang lumabas para hanapin si Diane.
Hindi naman siya nahirapan na hanapin ito dahil nakita niya ito agad sa may swimming pool na nakaupo kaya agad niya itong nilapitan.
"Diane!" Tawag niya dito kaya agad naman itong napalingon sa kanya.
"Michael..." Ngumiti pa ito ng malapad pagkakita sa kanya.
"Ikaw ba!?" Agad na pangongomprontang tanong niya dito.
"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot pa ang noo na hindi maintindihan ni Diane ang tinutukoy ni Michael.
"Ang gumawa ng paraan para mapatakas ang Tatay mo!"
"Nagpatakas?... Nakatakas si Papa?" Gulat na gulat ito sa narinig na parang wala din kaide-ideya ito sa pagtakas ng ama.
"Sagutin mo ang tanong ko! Ikaw ba?"
"Hindi— Hindi... hindi ako! Hindi ko nga nakausap si Papa kahapon dahil ayaw niya akong makita. Promise hindi ako ang tumulong sa kanya." Sagot ni Diane na kitang-kita naman sa mga mata nito na wala talaga itong kaide-ideya sa nangyayari sa pagtakas ng ama nito.
"So sino? Sino ang tumulong sa kanya kung hindi ikaw, samantalang nakakulong na lahat ng mga kasabwat ng Tatay mo?"
Hindi agad nakasagot si Diane dahil nag-isip siya sandali. "Ang alam ko may iba pa na hindi nakakulong na wala sa listahan ni Papa." Maya-maya'y sagot ni Diane. "Pero hindi ko sila kilala—" Dugtong pa nito ng biglang nanlaki ang mga mata nito at natigilan sabay sambit na "Pa..."
Dahil doon ay agad na napasunod ng tingin si Michael sa tinitingan ni Diane at si Albert Aguas nga— nakasuot ito ng itim na damit, nakasumbrero at may dalang baril na nakatutok sa kanya.
"Michael!!!!" Galit na sigaw nito sa pangalan ni Michael.
"Pa anong ginagawa mo dito?" Takang tanong naman ni Diane na medyo natataranta dahil sa hawak ng ama na baril.
"Andito ako para pagbayarin ang lalaking iyan!" Sagot ni Albert na nanlilisik pa rin ang mga mata. "Siya ang dahilan ng lahat ng ito! Siya ang dahilan kung bakit tinalikuran mo kami ng Mama mo—ang sarili mong pamilya!"
"Papa please, ayaw mo ba akong maging masaya?" Mabilis siyang pum'westo sa harap ni Michael.
"Masaya? So ang gusto mo kayo lang ang masaya samantalang ako at ang Mama mo ay naghihirap sa loob ng kulungan!"
"Kasalanan niyo rin naman po 'yun diba. Pinagbabayaran niyo lang naman po ang mga kasalan na nagawa niyo."
"Bullsh*t!" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Albert sa baril at mas lalong nagalit dahil sa mga sinabi ng anak.
"Pa, tangapin niyo na ang kasalanan niyo, pagbayaran niyo at isang araw kapag narealized niyo ang mga maling nagawa niyo doon lang kayo lumbusang magiging masaya." Pakiusap ni Diane sa ama.
"No!" Matigas na sigaw na tangi ni Albert. "Babalik lang ako sa kulungan kapag napatay ko na ang lalaking iyan!"
"Pa!"
At mas lalong tumalim pa ang tinging ni Albert kay Michael na para bang wala na itong nakikitang ibang tao kundi ang binata lang at saka walang pasabi-sabi na kinalabit na nito ang gatilyo ng baril at parehong gumulat kina Michael at Diane kaya walang pagdadalawang isip na mabilis na niyakap ng dalaga si Michael.
At isang malakas na alingaw-ngaw ng baril ang sumakop sa kapaligiran.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...