NINETEEN

37 0 0
                                    

Nang makalayo na si Michael at Gaia at masigurong wala sa kanilang nakasunod ay huminto na muna ang mga ito sa pagtakbo. Pareho itong hingal na hingal.

Nagkatinginan pa ang dalawa—nagtama ang mga mata ng mga ito at sandaling nagkatitigan.

Parehong gustong mabasa ang iniisip ng isa't-isa pero pareho namang parang blankong papel ang kanilang mga mata na walang mabasa.

Ilang minuto din na nasa ganoon silang posisyon at hindi namalayan ng mga ito na unti-unti na palang nagkakalapit ang kanilang mga mukha.

Pero agad naman naputol ang eksena nilang iyon ng biglang pareho silang natauhan dahil sa malakas na busina na nagmula sa isang sasakyan.

Nang matauhan ay agad na napalayo at agad na tinalikuran ang isa't-isa at saka namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at parehong nag-iisip kung ano ang sasabihin.

Gusto na sanang tumakas at lumayo ni Gaia mula kay Michael pero naisip niya ano pa ang silbi kung tatakas siya samantalang nakita na nito ang mukha niya at alam na nito na siya ang nagligtas dito ngayon.

"So it was you..." Narinig niyang sabi ni Michael pero hindi siya lumingon dito. "Ang nagligtas sa akin hindi lang iisang beses kundi dalawa." Dagdag pa nito na naging dahilan na ng paglingon niya dito na sakto naman dahil nagkasabay sila at muli silang nagkatinginan at nagtagisan ng tingin.

"What!!!" Reaksyon ni Gaia habang patuloy ang pagtatagisan nila ng tingin.

Ngumisi naman si Michael sabay sagot. "Yes! Alam ko na ikaw ang nagligtas sa 'kin ng araw na iyon."

Hindi naman agad nakaimik si Gaia sa muling pinahayag ni Michael. Hindi niya alam kung paano nito nalaman at saan nito nakuha ang impormasyon na iyon na siya ang nagligtas dito dati.

"P-paano...ka-kailan... kailan mo pa nalaman?" Nakasalubong ang kilay na usisa niya na hindi alam kung anong tamang tanong ang itatanong sa asawa.

Hindi agad tumugon si Michael at nanatiling nakakatitig lang kay Gaia at inoobserbahan ito.

Pilit man ikubli ni Gaia pero pansin na pansin pa rin ang pagkalito nito.

Muli siyang ngumisi." Nang mabaril ka. I discovered everything!" Sagot niya na mas lalong nagpasalubong sa kilay ni Gaia.

Ngayon ay napagtanto na ni Gaia kung bakit hindi na ganon kagulat si Michael kanina ng makita nitong siya ang nasa likod ng maskara dahil may ideya na pala ito.

"Bakit!?" Dagdag pang tanong ni Michael ng hindi umimik si Gaia kaya muling napatuon ang atensyon ng huli sa asawa. "Bakit mo ako iniligtas?" Dagdag pa nito sabay dahan-dahan pang humakbang ito palapit kay Gaia. "What is the reason?" Pagpapatuloy nitong tanong ng makalapit na sa asawa at sabay hawak pa sa magkabilang balikat nito para hindi ito makaalis sa kinatatayuan.

Muling nagtama ang kanilang mga mata.

Alam ni Gaia na wala na siyang kawala sa pangonngompronta ni Michael pero hindi pa siya handang ibunyag dito ang totoo at hindi rin niya alam kung mapagkakatiwalaan ba ito kahit na sabihin pang iisa lang ang kanilang kalaban—ang tatay-tatayan niya.

Hindi niya alam kung paniniwalaan at tutulungan ba siya nito kung sakaling sabihin man niya dito ang totoo.

At isa pa ay she can't trust anyone ng ganon-ganon lang, lalo na ang isang SANDOVAL pa. They are still her enemy and vice versa.

"Bakit ha! Sabihin mo sa akin! Ano ba talaga ang munting sekreto ng pamilya niyo? Bakit mo ako iniligtas?" Muling matigas na tanong ni Michael dahil sa pananahimik ni Gaia at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ng asawa.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon