Isang malakas na alingaw-ngaw ng putok ng baril ang gumulantang sa buong compound ng mga Sandoval—agad na nataranta ang lahat dahil sa pag-aakalang nilusob nanaman sila nina Albert at Marcus kaya dali-dali ang mga itong nagsilabasan at hinanap kung saan nangaling ang putok. Maingat ang mga kilos ng mga ito lalong-lalo na si Maxine.
Habang naglalakad ito para hanapin kung may kalaban ay namataan niya si Gaia na tumatakbo nanggaling mula sa isang bakanteng silid.
"Gaia!" Malakas na tawag ni Maxine dito kaya napalingon naman ito pero tinitigan lang siya nito ng sandali saka muli na itong tumakbo palabas na ikinakunot niya ng noo kaya nabaling naman ang tingin sa pinangalingan nito.
"Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong niya sa sarili saka dali-daling pumunta sa pinanggalingan ni Gaia, pagkarating niya ay gulat na gulat nga siya ng makitang nakahandusay si Micahel at duguan.
Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan hanggang sa dumating na rin sina Miguel na gulat na gulat din sa nakitang sitwasyon ng anak.
Ang lakas ng kabog ng dibidib ni Miguel at nanginginig pa ang buo niyang katawan.
* * * *
Pagkalabas ni Gaia ay may nakaabang na sa kanyang sasakyan kaya agad na siyang sumakay doon.
"Kumusta?" Tanong ni Marcus ng makasakay na si Gaia.
Ngumisi muna si Gaia bago sumagot. "Sa mga oras na ito malamang nakita ni Miguel Sandoval na wala nang buhay ang kanyang anak!" Sagot niya. "At sa mga oras nito ay alam na niya kung ano ang koneksyon naming dalawa." Agad na dagdag pa nito.
Iniwan kasi niya ang litrato nila ng Mama niya na ibinigay sa kanya ni Michael at sinulatan niya ang likod.
'Pinatay mo ang Mama ko kaya pinatay ko rin ang anak mo kaya ngayon ay amados na tayo' – Ang nakasulat sa likod ng litrato.
"Good! Tama yan ginawa mo!" Ani Marcus kaya muling napangisi si Gaia pero deep inside ay gusto niyang umiyak dahil sa ginawa niya.
Ayaw niyang saktan si Michael pero kailangan—Mahal niya ito pero kailangan niya itong barilin para maisakatuparan niya ang paghihiganti sa pagkamatay ng kanyang Mama. Ito ang kabayaran sa kasalan ng kanyang ama.
"Congratulation little sister." Dagdag pang sabi ni Marcus na nakangiti pa ng malapad na ginantihan lang ni Gaia ng tipid na ngiti.
At sa buong byahe nga ay pareho nang walang imik ang magkapatid.
Inihahanda na rin kasi ni Gaia ang sarili sa muli nilang paghaharap ni Albert Aguas. Hindi niya alam paanong pakikitungo ang gagawin nito sa kanya pagkatapos niya itong traydurin. Medyo kinakabahan din siyang makaharap si Diane pero kailangan niyang gawin ito.
This is the only way!
* * * *
Pagdating na pagdating nina Marcus at Gaia ay nakaabang na si Albert.
"So totoo nga!" Nakangising reaksyon ni Albert nang makalapit na sina Gaia at Marcus dito.
"I told you." Sagot ni Marcus.
"Pero ang tanong totoo nga ba talagang pinatay niya si Michael o baka isa lang itong patibong." Nakataas ang kilay na pagdududa ni Albert sa ginawa ni Gaia.
Napangisi naman si Gaia. "Wag ho kayong mag-alala may nakahanda akong patunay incase na pagdudahan niyo ako." Anito saka kinuha ang cellphone na nasa bulsa at may kaunting kinalikot doon bago iniabot ang cellphone kay Albert.
Nakataas pa rin ang kilay na kinuha naman ni Albert ang cellphone at pinanood ang video na nakaready.
At napangiti si Albert habang pinapanood ang video.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...
