TWENTY ONE

72 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga pa lang ay nakaabang na sina Harris at Gaia sa Warehouse. Napagpasyahan nilang doon na lang silang maghintay na magdilim dahil baka sakaling kapag maaga sila ay mas maaga din silang makakapagkalap ng impormasyon.

"Basta ang lagi mong tatandaan Gaia, wag na wag kang hihiwalay sa tabi ko." Habilin ni Harris kay Gaia dahil alam na niya ang ugali nito. "Tandaan mo may sugat ka pa at hindi pa magaling kaya bawal ka pang makipaglaban kaya please lang makinig ka sa akin." Dagdag pa niya.

Agad naman na napatango-tango si Gaia, naiintindihan naman ni Harris, concern lang ito sa kanya at ayaw nitong mapahamak siya kaya naman sa ngayon nga na hindi pa hilom ang mga sugat niya ay susundin muna niya ang mga habilin nito.

Nakatago lang sila sa likod ng mga puno sa may malapit sa warehouse kaya maingat sila sa galaw nila dahil baka mapansin sila ng mga nag-lilibot na tauhan.

At kapag nagdilim na ay papasok na sila mismo sa loob ng Warehouse dahil mas malaki ang tyansa nilang makahanap ng impormasyon doon kesa dito sa labas na nag-aabang lang sila ng mga tauhan na pag-uusapan ang nalalapit na transaksyon ng mga ito.

Halos isang oras din ang hinintay nina Gaia at Harris bago tuluyang magdilim, at nang dumilim na isinagawa na nila ang plano na pagpasok sa loob ng warehouse at tinayming nila sa mismong break ng mga nagbabantay sa labas.

Maingat ang bawat galaw nila, bawat hakbang nila ay sinisigurado nilang hindi maglilikha ng ingay.

Matagumpay silang nakapasok sa loob na walang nakapansin na mga tauhan.

Pagkapasok sa loob ay agad silang nagtago sa isang kumpol ng mga wooden boxes. Nagkatinginan sina Gaia at Harris dahil sa iniisip nilang laman ng mga ito.

"Buksan natin." Pabulong na suhesyon ni Gaia pero agad na napailing-iling si Harris.

"Wag na, maglilikha lang yan ng ingay at baka iyan pa ang ipahamak natin." Bulong na sagot naman ni Harris. "Pareho naman natin alam na siguradong mga baril ang laman ng boxes na yan." Dagdag pa nito.

Dahil sa hindi pagpayag ni Harris ay napanguso na lang tuloy si Gaia dahil gusto talaga niyang tingnan at siguraduhin kung tama nga ang hula nila na mga baril nga ang laman ng mga ito.

Pero since tama nga naman si Harris kaya hindi na lang siya nagpumilit sa gusto niyang mangyari.

Tahimik na nagtambay lang muna sina Gaia at Harris, nang mamataan ni Gaia ang isang lalaki na lumabas mula sa isang kwarto kaya naintriga siya kung ano iyon.

Napatingin siya kay Harris na nasa kabilang gilid, gusto sana niyang lapitan ito para sabihin na puntahan ang linabasan ng lalaki pero naisip niya na kung pareho pa silang pupunta doon ay baka may mamiss silang ibang impormasyon sa bandang dito dahil sa hindi lang kalayuan ang ay naguusap-usap ang isang kumpol ng mga lalaki na parang nagpaplano.

Kaya naman napagpasyahan na lang siya na siya na lang ang pupunta sa silid na iyon, mag-iingat na lang siya.

Maingat na nga siyang naglakad papunta doon, tingin sa kaliwa't kanan ang ginawa niya para masigurong walang makakakita sa kanya.

Nang makarating na siya sa silid na pakay niya ay sumilip muna siya para tingnan kung may tao at kung ano ang nasa loob. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng malaman na isang maliit na opisina pala ito.

Mukhang dito na niya ata makukuha ang impormasyon tungkol sa nalalapit na transaksyon ng kanyang Ama.

Dali-dali siyang pumasok sa loob ng masigurong walang tao doon at habang hindi pa bumabalik ang lalaking lumabas mula dito.

Ang agad na hinalungkat niya ay ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa. Inisa-isa niyang tingnan ang mga iyon pero wala siyang makitang kahit anong makapagbigay sa kanila ng impormasyon kaya naman ang sinunod naman niya ay ang drawer. Hindi iyon nakalock kaya madali lang niyang natingnan ang mga papel doon.

Inisa-isa din niya ang lahat ng laman drawer na iyon ng bigla siyang natigilan dahil sa isang file na umagaw sa atensyon niya.

Agad niyang binuklat iyon then BINGO iyon na nga ang hinahanap niya.

Agad niyang kinuha ang cellphone para picturan ang mga papeles na iyon.

Hindi nagtagal ay napicturan na niya lahat kaya muli na niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng drawer at nagpasya na siyang lumabas dahil nakuha na rin naman niya ang kailangan niya kaya wala nang dahilan para magtagal pa siya doon.

Bago siya lumabas ay sinilip niya muna kung may tao sa labas ng masigurong wala ay dali-dali na siyang lumabas at bumalik sa pwesto ni Harris.

Gulat na gulat pa ito ng makita siya. "Saan ka nanaman ba galing?" Bulong na tanong ni Harris sa kanya na nanlalaki pa ang mga mata.

"Hindi na mahalaga yun ang mahala ay nakuha ko ang mga impormasyon na kailangan natin." Pagbabalita niya.

"Huh?" Reaksyon lang ni Harris.

"A, basta tara na hindi na natin kailangan magsayang ng oras dito." Sagot ni Gaia sabay hila na kay Harris na hindi sinasadyang natamaan nila ang isang box na naging dahilan ng paglikha ng ingay.

Pareho silang natigilan ni Harris at nagkatinginan pa. Nang marinig ang mga yabag ng paa na papalapit ay mabilis na silang tumakbo palabas. Buti na lang at malapit lang ang pinto sa may pwesto nila.

Pero pagtakbo nila palabas ay mga nakaabang na palang mga lalaki.

Mabilis silang sinugod ng mga ito at akmang babarilin pero mabilis naman silang dalawa nakailag.

Nagdive sila pareho padapa papunta sa kanan kung saan ay may nakatambak na mga hollowblocks. Nagtago sila doon at agad na inilibas ang kanilang mga baril.

Pinaulanan sila ng bala ng mga kalaban nila.

Parehong bumilis ang tibok ng puso nina Gaia at Harris dahil dalawa lang sila at ang dami nilang kalaban. Hindi nila alam pareho kung mabubuhay pa ba sila pero hindi sila mamamatay na hindi lumalaban.

Huminga muna sila pareho ng malalim sabay mabilis na gumanti ng putok sa mga kalaban.

Ang mga ito naman ang nagsitago, pero may dalawang hindi pinalad at natamaan nila.

Nang maubos na ang bala ng baril nila ya muli silang nagtago at ang mga kalaban naman ulit ang namaril sa kanila.

Mabilis na nagpalit ng magazined sina Gaia at Harris ng kani-kanilang baril.

Nang biglang makarinig sila ng putok ng baril mula sa may kakahuyan na inaasinta ang mga kalaban nila kaya sabay na napatingin doon sina Gaia at Harris at nagtataka kung sino ang tumtulong sa kanila.

Pero agad nilang inalis muna ang atensyon doon dahil kailangan muna nilang iligtas ang kanilang mga sarili at mamaya na lang nila aalamin kung sino man ang tumutulong sa kanila.

Nang mapalitan na ng magazine ang kanilang mga baril ay muli na silang gumanti ng putok sa mga kalaban.

Habang nagpapatok sila sa mga kalaban ay unti-unti na rin silang tumatakbo papunta sa may kakahuyan at nang makarating na sila doon ay laking gulat nila ng makita doon si Michael.

Parehong hindi inaasahan nina Harris at Gaia iyon kaya natulala silang nakatingin lang sila dito.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon