THIRTY TWO

1 0 0
                                    

Kanina pa nag-iisip si Marcus kung kokomprontahin ba niya si Albert sa nalaman niya tungkol sa kapatid niyang si Gaia.

Pero kung itatanong niya dito ay magsasabi naman kaya ito ng totoo? Sasabihin kaya naman nito ang mga nalalaman nito? O baka magsinungaling lang ito at hindi niya makuha ang totoong kasagutan sa mga tanong niya kaya naman sa bandang huli ay napagdesesyunan niya na itutuloy na lang niya ang mga naunang plano na magsasagawa na lang siya ng mas malalim pang imbestigasyon tungkol sa katauhan ni Gaia para malaman niya muna ang lahat.

Mahirap magtiwala kay Albert Aguas.

"Marcus." Narinig niyang tawag sa kanya ni Diane kaya napalingon siya dito.

"Yes?" Tanong niya dito ng malingunan niya na seryosong nakatingin ito sa kanya.

"Pwede ka bang makausap?" Anito.

"Sige." Maikling tugon niya. "Ano ang pag-uusapan natin?"

"Tungkol sana kay Michael Sandoval."

"Michael Sandoval?" Nakakunot ang noo na ulit ni Marcus sa taong gusto niton pag-usapan kaya agad naman na napatango-tango si Diane. "Ano ang tungkol sa kanya?"

Hindi agad sumagot si Diane at inilinga-linga muna ang paningin sa paligid at nang masiguradong walang ibang tao ay muling ibinalik nito ang tingin kay Marcus.

"Hindi alam ni Dad pero boyfriend ko si Michael at mahal na mahal ko siya."

Nagulat si Marcus dahil sa ibinunyag ni Diane. Hindi siya makapaniwala sa nalaman.

Nakakatawa dahil sa mga nakaraang araw ay ang daming mga nangyari sa buhay niya—sa paligid niya. Pakiramdam niya tuloy ay nasa loob siya ng isang pelikula or isang libro dahil sa mga twist na mga naganap. He found out na meron pala siyang halfi-sister at ngayon naman ay malalaman niya na boyfriend ni Diane ang anak ng mortal na kaaway ng pamilya ng mga ito.

"Gusto ko sanang ipakiusap sayo na sana—sana ako na ang bahala kay Michael at wag niyo siyang sasaktan."

Ang amazement ay napalita ng pagsasalubong ng kilay ni Marcus. "Alam mo ba kung gaano kalaking pabor ang hinihingi mo?" Anito dahil sa pabor na hinihingi ng kausap. "Kahit pumayag man ako sa gusto mo kapag ang Tatay mo ang nakaharap ng Michael na iyon ay siguradong patay siya." Pagpapatuloy ng binata.

Hindi naman agad nakasagot si Diane dahil narealized nitong may ponto nga ang sinabi ni Marcus pero—

"So ano ang gusto mong gawin ko panoorin ko na lang na mamatay ang taong mahal ko?" Maya-mayang ani Diane dahil kahit totoo man ang mga sinabi ni Marcus ay hindi niya kayang tanggapin ang maaring mangyari kay Michael.

"Oo dahil wala ka nang choice dahil in the first place ay hindi naman talaga kayo pwedeng magmahalan dahil magkalaban ang pamilya niyo at walang magandang kahinatnan ang relasyon niyong dalawa." Matigas na sagot ni Marcus.

Muling natahimik si Diane at ilang segundong hindi nakaimik. "Then kung hindi mo ako matutulungan kay Michael baka naman sa susunod na pabor ko ay matutulungan mo na ako." Anito maya-maya na hindi na lang ipinilit ang tungkol sa kay Michael dahil siya na lang ang bahalang dumeskarte kung papaano niyang maproprotektahan ang kasintahan.

"Ano?" Tanong ni Marcus sa susunod na pabor na hinihingi ni Diane.

"Gusto ko sana na tulungan mo ako na masiguradong mamamatay si Gaia..." Sabi ni Diane na naging dahilan kung bakit biglang natigilan si Marcus.

Oo kanina ay desededo na si Marcus sa plano niya na kahit madamay ang kapatid basta lang mapatay niya si Maxine pero ngayon ay parang nagdadalawang-isip na siya—parang nagtatalo kasi ang isip at puso niya sa gagawin sa half-sister niya. Oo hindi man niya ito kilala o nakilala man lang pero ito na lang ang nag-iisang pamilya, kadugo niya kaya hahayaan ba niyang pati ito ay mawala sa kanya kung pwede naman niyang hikayatin itong pumanig sa kanya—kung pwede naman maging kakampi niya ito bakit pa niya hahayaan na maging magkalaban silang magkapatid.

"Marcus?" Tawag pansin ni Diane sa binata dahil sa hindi nito pag-imik.

"I'll try." Tipid na tugon na lang ni Michael dahil mukhang wala pa itong alam tungkol sa pagkatao ni Gaia at wala rin pa siyang balak sabihin ang tungkol doon.

"Aasahan ko iyan ah." Ani Diane na tinugunan na lang ng binata ng isang tipid na ngiti.

* * * *

Dahil sa pag-amin ni Michael sa nararamdaman niya at sa paghiling nito kay Gaia na wag nang sumama pa sa plano nilang pagpapabagsak kina Albert at Marcus ay pareho silang hindi makatingin sa isa't-isa at nagkakailangan pa ng ilang araw.

"May problema ba kayo ni Michael?" Usisa ni Maxine kay Gaia dahil sa napansin nitong iwasan ng dalawa.

"Wala naman, bakit?"

"Para kasing hindi kayo komportable na nakikita ang isa't-isa." Sagot ni Maxine na naging dahilan kung bakit biglang natigilan si Gaia.

Napaisip si Gaia kung sasabihin ba niya kay Maxine ang nangyari para baka sakaling mabigyan siya nito ng maganda suhesyon o payo kung ano ang dapat niyang gawin pero nagdadalawang isip siyang sabihin dito dahil hindi naman sila ganon kaclose ni Maxine.

"Pwede mo sa akin sabihin kung ano man ang gumugulo sa isip mo." Ani pa ni Maxine dahil sa patuloy na pananahimik ni Gaia.

Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Gaia. "Inamin niya sa akin na mahal niya ako." Napagdesesyunan na niyang sabihin kay Maxine ang nangyari dahil alam niyang kailangan niya ng opinyon at payo ng iba dahil hindi siya sigurado sa naging sagot niya noon kay Michael at parang gusto niyang sabihin rin dito ang nararamdaman niya.

Si Maxine naman ang natigilan at napatitig lang kay Gaia at hindi nito namalayan na may namuong luha na pala sa gilid ng kanyang mga mata dahil naalala niya bigla ang hindi nagkakalayong sitwasyon nila ni Jacob kina Gaia at Michael.

Hindi niya alam kung ano ang ipapayo niya kay Gaia dahil mahirap magbigay ng payo dahil siya nga ay hindi niya nagawa ang naiisip niya ipapayo dito.

"Mahal mo rin ba siya?" Tanong ni Maxine na kusang lumabas sa bibig niya.

Nag-alangan pang sumagot si Gaia pero tumango ito kaya napabuntong-hininga ng malalim si Maxine.

"Alam kong wala akong karapatan magbigay ng ganitong payo dahil kahit ako ay hindi ko nagawa—pero maiksi lang ang buhay, bukas makalawa hindi natin alam kung nasa tabi pa rin ba natin ang taong mahal natin kaya kung mahal mo rin siya bakit mo pipigilan ang sarili mo, sabihin mo sa kanya habang hindi pa huli ang lahat." Malungkot na payo ni Maxine na naramdaman din ni Gaia kaya nalungkot din ito para sa dalaga.

At ilang minuto ngang namayani ang katahimikan sa pagitang nina Maxine at Gaia dahil napaisip din ang huli.

"Si Jacob ba ang tinutukoy mo? Hindi mo ba sa kanya nasabi ang nararamdaman mo para sa kanya?" Maya-maya'y usisa ni Gaia dahil kahit walang sinasabi sina Jacob at Maxine ay ramdam niyang may something sa dalawa—ramdam niya na gusto ng mga ito ang isa't-isa.

Hindi agad tumugon si Maxine pero maya-maya'y tumango siya at ngumiti ng mapakla.

"Akala ko okay lang na hindi ko na sa kanya sabihin kung ano man ang nararamdaman ko dahil sa buhay na mayroon kami, akala ko handa na ako kung ano man ang mangyari pero hindi pala—biglang pinagsisihan ko ang lahat dahil sa sinayang ko ang pagkakataon at oras na magkasama kami, hindi ko sa kanya naipakita ang totoo kong nararamdaman—" Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ni Maxine.

"Ang hirap—maraming what if ganito... what if ganyan... pero pinaglagpas ko na ang pagkakataon—sinayang ko na ang oras kaya wala na akong magagawa kundi tangapin na lang ang nangyari at bigyan na lang ng hustisya ang pagkamatay niya." Pagpapatuloy pa ni Maxine. "Kaya ikaw habang nandyan pa at may pagkakataon ka pa ay wag mo nang palagpasin at sayangin."

Hindi agad nakakibo si Gaia dahil sa mga sinabi ni Maxine at napaisip siya muli ng malalim kung ano nga ba ang gagawin niya.

Susundin ba niya ang payo ni Maxine o gagayahin niya ito na mas piniling wag aminin ang nararamdaman hanggang sa nawalan na ito ng pagkakataon. 

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon