FOURTY

3 0 0
                                    

Hindi na nga nagpakita si Gaia kay Michael at umalis na lang ng wala nang paalam-alam ang dalaga.

"Saan ang punta mo niyan?" Tanong ni Harris kay Gaia habang inihahatid siya nito papunta sa Bus station.

"Hindi ko alam...kung saan na lang ako dalhin ng mga paa ko..." Malungkot na sagot ni Gaia.

"Sigurado ka na ba diyan sa desesyon mo?"

"Oo—"

"Paano si Michael?" Tanong ni Harris na kahit may lihim siyang pagtingin para kay Gaia ay alam naman niyang hindi masusuklian ng dalaga ang nararamdaman niya para dito kaya naman mas minabuti na lang niyang itago ang sariling damdamin.

Hindi naman nakakabawas sa pagkalalaki ang pagpaparaya at pagkikimkim ng nararamdaman kung sa ikakabuti naman ng lahat.

Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa labi ni Gaia. "Wala naman kami future na dalawa kaya mas mainam na ito."

"Pero—"

"Harris...ngayon naniniwala na ako sa kasabihan na pinagtagpo pero hindi tinadhana...dahil isa kami ni Michael doon."

"Mas pinili mo lang kasing lumayo."

"Dahil iyon ang dapat..."

Isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Harris dahil sa sagot na iyon ni Gaia.

Gusto pa niyang makipagtalo dito pero mas pinili na lang niyang manahimik dahil alam niyang kahit anong sabihin niya ay buo na ang desesyon nito na umalis kaya't alam niyang hindi na n'ya ito mapipigilan.

"May balak ka pa bang bumalik?" Usisa na pagbabago na lang na lang niya ng usapan.

"Hindi ko pa alam..." Tugon ni Gaia.

"Sana bumalik ka pa..."

"Sana..." Mahinang saad ni Gaia saka sabay tingin sa bintana ng sasakyan at tahimik na tinatanaw na lang ang dinadaanan.

Hindi niya alam kung makakabalik pa nga ba siya o kung ano ang mangyayari sa hinarap basta ang alam lang niya sa mga oras na ito ay kailangan muna niyang magpakalayo-layo...kailangan muna niyang umalis para sa ikakabuti ng lahat.

Maliban sa gusto niyang layuan na si Michael ay gusto din niyang hanapin muna ang kanyang sarili...vgusto muna niyang mamuhay na siya lang mag-isa, gusto niyang hanapin muna ang kalayaan na matagal na niyang minimithi.

Tulad nga ng sinabi niya dati na kung talagang silang dalawa ni Michael ang nakatadhana ay sila talaga. Magkikita at magkakasama pa rin sila kapag dumating na ang tamang panahon para sa kanilang dalawa at kung talagang hindi naman sila para sa isa't-isa ay wala na siyang magagawa kung 'di ang tangapin na lang ang kapalaran nilang dalawa.

* * * *

Kahapon pa hinihintay ni Michael na puntahan siya ni Gaia pero sa pagkadismaya niya ay hanggang ngayon ay wala pa rin na Gaia ang napapakita at laging si Diane ang nasa tabi niya na halos ayaw na siyang iwanan

Hindi rin talaga kasi niya maamin-amin kay Diane ang totoo na hindi na niya ito mahal dahil natatakot siya sa mangyayari, natatakot siya sa baka kung ano ang gawin nito—natatakot siya na baka saktan nito si Gaia kung sakaling malaman pa nito ang totoo.

"Michael, may hinihintay ka ba?" Tanong ni Diane sa kanya dahil kanina pa siya nakatingin sa pinto at nakaabang.

Agad naman natauhan si Michael at tumingin kay Diane at pilit na ngumuti. "Wala naman..." Sagot niya.

"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa pinto e, kaya akala ko may hinihintay kang bisita." Sabi pa ni Diane.

Mas lalong linaparan ni Michael ang ngiti niya. "Sino naman ang hihintayin ko?"

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon