DISCLAIMER: Ang nilalaman po ng chapter na ito tungkol sa landmine ay kathang-isip laman at hindi totoo. Salamat.
Pagkagaling sa Ospital embes na dumeretso si Gaia pauwi ay hindi niya ginawa dahil ngayon na niya gagawin ang ipinaplano. Iimbestigahan niya si Diane, ilang araw din ang hinintay niya kaya wala na siyang sasayanigin na oras. Ayaw niyang hintayin pa kung kailan ulit ito aatake.
Ika nga nila ay now or never.
Hinihintay muna niyang dumilim/mag-gabi bago siyang pumasok sa bahay ni Diane.
Para masiguro na hindi siya makikilala ay nagtakip pa siya ng mukha bago tuluyang pumasok.
Mula sa labas ay parang ordinaryong bahay lang ang bahay ni Diane pero ng makapasok na siya ay nagulat siya dahil ang laki pa pala ng bandang likod. Mula sa pinakabahay nito ay may natanaw siyang isa pang bahay na maliit sa may unahan kaya maingat siyang naglakad papunta doon.
Pakiramdam niya kasi ay dapat doon siya mag-umpisa.
Patago-tago siya sa likod ng mga puno para pasiguro na hindi siya makita kung sakali man.
Madilim naman sa paligid pero mas maganda pa rin na nag-iingat.
Bawat hakbang niya ay ingat na ingat din dahil hindi niya alam na baka may mga patibong sa paligid, mahirap na. Hindi naman niya alam ang takbo ng utak ni Diane pero baka tulad ng Tatay nito (their Dad) ay kakaiba din ang takbo ng utak nito kaya walang masama kung mag-iingat siya.
Nang bigla siyang mabilis na napatago sa likod ng puno dahil parang may narinig siyang yabag ng mga paa na papalapit mula sa kanyang likod.
Pagkatago sa likod ng puno ay saka lang niya sinipat kung sino man ang taong may ari ng mga yabag na iyon at gulat na gulat siya ng makita ang isang pamilyar na bulto ng tao.
Oo madilim pero sa tindig at pangangatawan pa lang nito ay kilalang-kilala na niya ang pigura na iyon—Si Michaelkung hindi siya nagkakamali.
Hindi niya inaasahan na makikita ito dito kaya hindi niya maiwasan na maisip na baka nga may kinalaman din ito sa mga plano ni Diane kaya ito andito.
Dahil sa naisip ay tumalim ang tingin niya dito.
Nakapako lang ang mata na sinusundan niya ang bawat galaw nito, madilim sa pinagtataguan niya kaya siguradong hindi siya nito makikita. Nang maya-maya ay nagtaka siya bigla dahil parang nagtatago din ito at maingat din ang bawat galaw kaya biglang nagbago ang naiisip niya tungkol dito.
Hindi kaya pumunta din si Michael dito para magimbestiga din?—Tanong niya sa sarili dahil sa nakitang kakaibang kinikilos ni Michael.
Nang bigla siyang nagulat ng biglang narinig niya na napamura ito kaya muling napatuon ang atensyon niya dito.
Nakatayo lang ito na nasa harap ang kanang paa at parang hindi ito makagalaw mula sa kinatatayuan kaya napakunot siya ng noo.
"Shit! Shit! Shit!" Narinig pa niyang sunod-sunod na pagmumura nito kaya mas lalo pang lumalim ang pagkakanunot ng kanyang noo.
"Trap?" Mahinang bulong niya sa sarili habang nakapako pa rin ang tingin kay Michael at inoobserbahan ito.
So tama nga ang hula niya may mga trap nga sa paligid.
Ilang minuto pa ang lumipas at nanatiling nakapako lang si Michael sa kinatatayuan at nag-iisip ng malalim.
"Landmine!" Biglang bulalas naman na hula ni Gaia sa kung ano man trap na naapakan ni Michael na medyo napalakas pa ang pagkakasabi niya na naging dahilan ng pagdako ng tingin ni Michael sa gawi niya. Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito. Medyo maliwanag na kasi sa kinatatayuan ni Michael dahil sa buwan kaya kita niya ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Ação"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...