THIRTY THREE

2 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang engwentro na naging sanhi ng pagkamatay ni Jacob pero hanggang ngayon ay parehong hindi pa kumikilos ang dalawang grupo dahil talagang inaayos nila ang pagpaplano laban sa bawat isa at kung sino man ang may pinakamagandang plano ay sila ang mas may malaking chances na magtatagumpay.

At ngayong araw na ring ito ang hinihintay ni Marcus ang araw na ibigay na sa kanya ang resulta ng imbestigasyon na pinagwa niya tungkol kay Gaia, talagang nagbayad siya ng malaki para mahalungkat ang impormasyon tungkol dito.

Ngayon nga ay nasa harap na niya ang folder na naglalaman ng mga impormasyon.

Ilang minuto na rin siyang nakatingin sa folder pero hindi niya alam kung bakit parang nag-aalangan siyang buksan ito at parang kinakabahan siya na hindi niya malaman ang dahilan kung bakit.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpasyang buksan na ang folder.

Pagkabukas ng folder ay gulat na gulat siya sa mga nilalaman na impormasyon. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya papunta kay Albert para kumpirmahin kung totoo ang nilalaman ng mga impormasyon na nakalap niya.

"Bakit?" Bulong na tanong niya sa kawalan saka ibinaba na niya sa mesa ang mga papel na hawak. "At ngayon ay siguradong sa'kin...sa'min ka na papanig Gaia." Aniya sa kawalan sabay ngisi.

Dahil sa impormasyon na nalaman niya ay siguradong-sigurado siya na papanig sa kanila si Gaia at ito mismo ang papatay sa mga Sandoval at nasisiguro niyang kaya na niyang kontrolin ito para ito na rin ang tatapos kay Maxine.

Ngayon na alam na niya ang buong kwento ng pagkatao ni Gaia pwede na siguro niyang komprontahin si Albert Aguas.

Mabilis ang bawat hakbang na naglalakad siya papunta sa opisina ni Albert.

"Totoo ba?" Agad na tanong niya pagkapasok niya ng opisina ni Albert na nagpakunot naman sa noo dahil sa tanong niya.

"Anong totoo?"

"Na si Miguel Sandoval ang pumatay na totoong Ina ni Gaia? Na magkapatid kami sa Ama ni Gaia?"

Biglang natigilan si Albert, hindi kasi nito inaasahan na malalaman ni Marcus ang tungkol sa sekreto na iyon tungkol sa totoong pagkatao ni Gaia.

"Totoo ba?" Ulit ni Marcus na mahinahon pa rin ang boses kahit atat na atat na siyang marinig ang kompirmasyon ni Albert.

"Oo totoo na magkapatid kayo ni Gaia at totoo ding si Miguel ang pumatay sa Nanay niya." Pagkokompirma ni Albert kaya agad na sumilay ang malapad na ngiti ni Marcus.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"

"Dahil hindi naman importante iyon."

"Hindi importante? Bakit hindi importante? E kapatid ko si Gaia, parehong dugo ang nananalantay sa mga ugat namin at ang pinakaimportanteng impormasyon ay kung sino ang inaakala niyang kakampi ay siya pala ang pumatay sa nanay niya—sa tingin mo hindi iyon importante."

"Oo dahil ipinangako ko sa Tatay niyo na hindi ko ibubunyag ang totong pagkatao ni Gaia at kung ano man ang koneksyon niya sa mga Sandoval."

"So mas mahalaga pa sayo ang pagtupad mo sa pangako mo kay Papa kesa mapasakamay natin ngayon ang malaking susi sa pagtatagumpay natin laban sa mga Sandoval."

"Oo, dahil marunong akong tumupad ng pangako at isa pa—"

"Pwes kung wala kang balak na sabihin sa kanya ang totoo, pwes ako mayron dahil hindi ko kayang palagpasin ang pagkakataon magandang oportonidad na mapasakamay nating ang malaking susi sa pagtatagumpay natin, magiging malaking tulong siya sa'tin para tayo ang manalo sa laban na ito."

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon