Nang hindi na matanaw ni Gaia ang sasakyan ni Louie ay papasok na sana siya sa loob ng bahay ng mapalingon siya sa kotse ni Michael at napako ang tingin niya doon.
Namalayan na lang niya na naglalakad na siya palapit sa kotse ng kotse ng asawa.
Nang makalapit na kumunot pa ang noo niya habang nakatingin doon. Tinted ang kotse kaya hindi niya makita ang loob pero parang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya mula sa loob.
Di kaya nasa loob pa si Michael? Hindi niya maiwasan na maisip habang nakatitig sa kotse nito.
Mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya saka lumapit siya sa may driver seat sabay yumuko at pilit na sumilip.
Mula naman sa loob nanlaki ang mga mata ni Michael sa ginawang pagsilip ni Gaia saka mabilis na sinigurado niyang nakalock ang pinto sabay yuko at siksik ng sarili sa gilid para hindi siya nito makita.
Dahil sa pagsiksik niya sa gilid ay mas natitigan niya ng malapitan ang mukha ni Gaia.
Napatulala siya habang nakatingin dito. Ang cute kasi ng nunal nito sa ibabang bahagi ng kanang mata nito. Hindi niya alam na may nunal pala ito sa parte na iyon dahil maliban sa maliit lang naman ito ay hindi naman masyadong halata ay hindi rin naman siya tumitingin sa mukha nito.
Pagkatapos sa nunal ay hindi niya namalayan na bumababa ang tingin niya sa labi nito. Halatang wala itong lipstick pero natural na mamula-mula ang labi nito na may pagkahugis puso, hindi niya maiwasan na hindi mapalunok.
Naiimagine kasi niya ang sarili na hinahalikan ang mapupulang labi nito.
OH! SHIT! Mahinang naibulaslas niya ng agad na matauhan sa naiimagine saka mabilis na inalis ang tingin sa labi ni Gaia. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang na lang niya naimagine iyon.
Para maiwasan pa na may iba pang pumasok sa isip niya na hindi naman dapat ay iniiwas na niya ang tingin kay Gaia at mas siniksik pa niya ang sarili pababa.
Mula naman sa labas ay hindi masyadong maaninag ni Gaia ang loob dahil sa masyadong dark ang tint ng sasakyan ni Michael saka isa pa ay kung nasa loob pa si Michael ay malaman na lumabas na ito nang makita siya pero hindi e, kaya malamang baka guni-guni lang niya ang pakiramdam na parang may nakatingin sa kanya.
Napabuga na lang siya ng hangin sabay tumayo ng tuwid at napailing-iling na lang dahil sa kagagahan na ginawa niya. She even rolled her eyes sabay ngisi saka naglakad na siya papasok sa loob ng kanilang bahay.
Nakahinga naman na maluwag si Michael nang sa wakas ay pumasok na sa loob si Gaia pero hindi niya maiwasan na hindi mapasunod ng tingin dito at hindi niya namalayan na napangiti na pala siya.
Hindi kasi n'ya maiwasan matawa sa naging reaksyon nito kanina.
* * * *
Kinabukasan dahil masakit ang katawan at makirot ang sugat ay tinatamad si Gaia na lumabas ng kwarto.
Matagal na siyang gising pero wala talaga siyang kagana-ganang bumangon kaso nga lang ay nagrereklamo na ang tiyan niya dahil sa gutom kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumangon na lang.
Sakto naman pagbaba niya ng kusina ay andoon si Michael at nagluluto. Napahinto siya sa may pinto at lihim na pinagmasdan ito.
Habang nakatingin dito ay hindi niya maiwasan na mapangiti dahil sa nakikita. Marunong pala kasi ito magluto, hindi niya inaasahan iyon.
Samantala ay dahil sa maraming bagay na gumugulo sa isip ni Michael kagabi ay hindi siya masyadong nakatulog.
Hindi kasi mawala sa isip niya ang babaeng tumulong sa kanya, hindi siya mapapakali hanggang sa hindi niya nalalaman kung sino ito. Utang niya ang buhay niya dito.
At para medyo mawala ang gumugulo sa isip niya ay naisipan na lang niyang magluto ngayon.
Isa ang pagluluto sa hilig niyang gawin kapag marami siyang iniisip dahil ewan ba niya pero parang narerelax ang isip niya kapag nagluluto siya at bahagyang nawawala ang mga gumugulo sa isip niya.
Pero nang nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto ay bigla siyang napahinto dahil ang pag-aakala niyang medyo marerelax ang isip niya dahil sa pagluto ay hindi nangyari dahil hanggang ngayon ay talagang gulong-gulo pa rin ang isip niya, pinipilit lang talaga niya ang sarili kanina na medyo eclear ang isip pero hindi na talaga niya kaya dahil talagang pilit na sumisiksik sa isip niya ang babae kahapon. Ginulo ng husto nito ang kanyang isipan.
Isa pa sa gumugulo sa kanyang isip ay hindi niya alam kung paano hahatiin ang oras niya between sa pagdiskubre sa babae kahapon at sa misyon niyang pagpatay kay Gaia.
Nahihirapan talaga siya, hindi talaga siya mapapakali hangga't hindi niya nalalaman kung sino ang babaeng iyon pero hindi naman niya pwedeng pabayaan ang misyon niya dahil gusto na rin niya agad matapos ito dahil miss na miss na niya si Diane.
Mula naman sa kinatatayuan ni Gaia ay napataas ito ng kilay dahil sa nakikitang mga reaksyon ni Michael at maging sa biglang paghinto nito sa ginagawa.
Mukhang may malalim itong iniisip na halatang-halata naman dahil hindi nito napapansin na kumukulo na ang niluluto nito at umaapaw na kaya naman mabilis na siyang kumilos para patayin iyon dahil kundi baka kung ano pa ang mangyari.
Mabilis ang lakad na lumapit siya pero sakto naman na pagkahawak niya sa stove para ioff ay siya din ang biglang hawak doon ni Michael kaya kamay niya ang nahawakan nito, dahil sa pagkagulat sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay ay bigla niyang nahila ang kamay niya, hindi naman niya inaasahan na maoout balance siya dahil sa lakas ng pakakahila niya, gusto sana niyang pigilan ang pagbaksak niya pero dahil nga may sugat siya sa braso na hindi maaring madiskubre ni Michael ay wala na siyang ibang choice kundi hintayin na lang ang paglagapak ng kanyang katawan sa sahig.
Pero embes na sa matigas na sahig siya bumagsak, she ended up falling on Michael's arms na hindi niya inaasahan dahil ang akala niya ay pababayaan na siyang nito.
Nakakunot ang noo na napatingin siya dito kaya nagtama ang kanilang mga mata at kitang-kita niya ang paglaki ng itim ng mata nito pero ang pagtatama ng kanilang mga mata na iyon ay agad na naputol ng biglang kumirot ang sugat ni Gaia dahil doon mismo sa parte kung saan siya may sugat ang nahawakan ni Michael, napaigik pa siya dahil sa kirot ng sugat.
Pero dahil sa hindi dapat nito malaman ang tungkol sa sugat niya dahil kung makikita nito iyon ay malamang na madikubre din nito na siya ang babaeng tumulong dito kahapon kaya agad niyang pinigilan ang sariling mapadaing pa at saka mabilis na lang siyang tumayo.
Napalunok pa siya ng malaki dahil sa sobrang sakit ng kanyang sugat na pakiramdam niya ay dumugo pa. Hindi naman niya matingnan iyon dahil alam niyang ipagtataka iyon ni Michael.
"Okay ka lang?" Tanong pa sa kanya ni Michael dahil marahil napansin nito ang pag-iba ng timpla ng kanyang kanyang mukha.
"Yeah." Agad na tugon naman niya na napakagat pa siya ng ibabang labi dahil sa pagpipigil na mapadaing sa kirot na nararamdaman.
Napansin ni Michael ang pagpapawis ni Gaia ng butil-butil sa noo nito na indikasyon na may hindi itong nararamdaman na maganda.
Napako ang tingin niya sa mukha nito pero nginitian lang siya nito.
"Marunong ka pala magluto." Biglang saad ni Gaia na pilit binabasag ang mabigat na aura na namamayani sa kanilang dalawa.
"Yes, I love cooking." Sagot naman ni Michael na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa asawa kaya naman hindi maiwasan ni Gaia na makaramdam ng kaunting pagkailang dahil alam niyang napapansin na nito may kakaiba sa kanya.
"Uhmmm... Hmmmm... sige iwanan na muna kita ha – kukunin ko lang muna sa room ko ang cellphone ko." Pagpapaalam na niya dahil talagang kapag nagtagal pa siya ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili na mapadaing na sa kirot.
Mabagal naman na napatango-tango si Michael at talagang hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa asawa at nang maging ng maglakad na ito palayo ay nakasunod pa rin siya ng tingin dito.
Pakiramdam niya kasi ay may something dito, hindi lang niya mapagtanto kung ano pero alam niyang meron.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Acción"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...