"Echeck ng mabuti ang mga kargamento! Naiintindihan niyo!" Matigas na utos ni Albert Aguas sa mga tauhan na ang tinutukoy ay ang mga kargamento na naglalaman ng mga baril na nakaplanong ebebenta nila sa mga teroristang kostumer.
Hindi dapat pumalpak ang transaksyon na ito dahil kung mangyayari iyon ay malaking pera nanaman ang mawawala sa kanila.
"Dad, nakilala niyo na ba ang taong dapat na ememeet ng traydor nating tauhan?" Tanong ni Diane Aguas – ang totoong anak nina Albert Aguas at Divina Aguas
Agad naman na napalingon si Albert sa anak na nasa likod.
Itinatago man nila sa mata ng publiko na si Diane ang totoong anak nila ay active naman ito sa mga negosyo nila, alam nito ang lahat at hindi nila itinago dito kung ano talaga ang bumubuhay at nagpapasok ng pera sa kanilang pamilya dahil pagdating ng panahon ay ito din naman ang magmamana ng lahat ng ito at magpapatakbo ng kanilang mga negosyo.
"Oo."Tugon naman niya habang naglalakad pa palapit dito.
"Talaga? Sino?"
"Basta, ako na bahala sa kanya, hindi mo na kailangan pang problemahin ang tungkol don." Sagot niya na hindi sinabi dito kung sino.
Maiban sa totoo naman ang sinabi niya na hindi na nito kailangan problemahin ang tungkol sa taong iyon ay isa pang rason niya ay ayaw niyang malaman nito na si Michael ang tao na iyon.
Akala kasi ni Diane ay hindi nila alam na may relasyon ito kay Michael Sandoval.
At isa din sa rason kung bakit nakipagsundo siya sa mga Sandoval na ipakasal si Gaia kay Michael ay para mailayo ito sa anak.
Hindi madali ang pakikipagsundo niya sa pamilyang iyon pero kinailangan niyang gawin para madispatsya niya sa buhay nila si Michael, kahit sa ano mang pamamaraan.
At kahit na anong kakahihinatnat ng misyon na ibinigay niya kay Gaia ay ang mas pinakamagpapasaya sa kanya ay ang mapatay si Michael dahil natatakot siya na sa bandang huli ay baka mas piliin ito ng anak kesa sa kanila.
* * * *
Mula sa warehouse kung saan nangaling si Diane ay dumeretso siya sa lugar kung saan ay napagkasunduan nilang magkita ni Michael.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matangap ang pagpapakasal nito at kahit alam naman niya siya ang totoong mahal nito ay nasasaktan pa rin siya.
Lalo na noong unang sabihin ni Michael sa kanya ang tungkol doon na kailangan nitong magpakasal sa iba at ang masama pa ay kay Gaia pa – sa ampon ng kanyang mga magulang, talagang matinding galit ang naramdaman niya sa mga oras na iyon pero pinaliwanag naman sa kanya ni Michael na kailangan lang nitong gawin iyon para sa pamilya at pinangako naman nito sa kanya na gagawin nito ang lahat para agad itong makawala pagkakatali doon which is sa tingin niya ay ang ibig nitong sabihin ay may misyon itong patayin si Gaia.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na ang pamilya nito ang isa sa mga mortal na kaaway ng pamilya nila kaya malamang iyon ang totoong rason kung bakit pinakasalan ni Michael si Gaia – pero malaking katanungan ay ano ang napagkasunduan talaga ng Papa niya at ni Miguel Sandoval para ipakasal ang dalawa.
At ang isa pang katanungan ay kung ano din ba ang totoong plano ng kanyang Ama at iniutos kay Gaia. Para ba patahimikin lang ang mga ito or baka para patayin si Michael? Kung ang huli ang plano ng kanyang Ama kung bakit ipinagkasundo nito si Gaia kay Michael ay hindi niya iyon mapapayagan.
Oo hindi alam ni Michael ang totoong pagkatao niya dahil ayaw niyang kamuhian siya nito o layuan dahil mahal na mahal niya ito at isa din sa rason niya ay ayaw din niyang ibunyag ang sekreto na iyon ng kanyang pamilya.

BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Action"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...