FOURTY TWO

12 1 0
                                    

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang tuluyan nang nakulong at nahatulan si Albert Aguas ay tuluyan na ngang naging tahimik ang buhay nina Miguel at Michael maging ang mga tao sa probinsya ng Cavite dahil sa pagkawala ng grupo nina Aguas.

Maraming mga biktima ng kasamaan ng mga ito ang nabigyang ng hustisya at maraming buhay nang mga kabataan naman ang naisalba laban sa impluwensya ng droga.

"Dad?" Sagot ni Michael sa tawag ng Ama na nasa kabilang linya.

"Kailan ka ba babalik ha?" Agad na tanong nito sa kanya.

"Dad naman sinabi ko naman sayo hindi ako babalik ng Pilipinas na hindi ko kasama si Gaia... kung kailangan ko mang libutin ang buong mundo ay gagawin ko mahanap ko lang siya." Determinandong sagot ni Michael.

Actually, ilang beses na niyang sinabi iyon sa Ama everytime na tatawag ito sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito tinitigilan sa pangungulit nito na umuuwi na siya.

Pagkatapos mapatay ni Albert Aguas noon ang sariling anak dahil sa pagsanga ni Diane ng katawan nito sa balang dapat sa kanya ay umalis na siya ng bansa.

Nalungkot din naman siya dahil sa nangyari kay Diane at laking pasasalamat niya sa ginawa nitong pagsasakripisyo ng sarili nitong buhay para sa kanya at kahit kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan iyon, pero gayon pa man ay kailangan niyang ituloy ang kanyang buhay kaya naman pagkatapos ng panyayari na iyon ay nagdesesyon na siyang hanapin si Gaia.

Makailang beses nang laging muntik-muntikan na silang magkita pero lagi naman nauunsyame na para bang ayaw silang pagtagpuin ng tadhana pero—

Pero hindi siya susuko, hindi siya magpapatalo sa tadhana na yan... kahit ilang bansa pa ang kailangan niyang puntahan, ilang bundok pa ang kailangan niyang akyatin at ilang taon pa ang kailangan niyang gugulin ay kakayanin niya basta makita lang niya si Gaia.

Hindi-hindi siya susuko dahil naniniwala siya na walang makakatalo sa determinasyon ng isang tao.

"Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin kayo nagkikita ni Gaia—hindi pa ba sapat ang taon na iyon na ginugol mo at sinayang sa paghahanap sa kanya—it's about time na para bumalik ka na sa dati mong buhay—sa obligasyon mo dito sa Pilipinas." Giit ni Miguel sa anak.

"Dad kahit kailan ay hindi ko susukuan ang babaeng mahal ko. Naniniwala ako na isang araw ay magkikita at magkikita din kaming dalaw."

"Maraming babae sa mundo Michael!"

"Pero iisa lang Dad ang tinitibok at ititibok ng puso ko...at iisang babae lang ang mamahalin nito nang pang-habang buhay!"

"Damn it Michael...diba mula sa pagmamahal mo kay Diane ay nainlove ka kay Gaia then magagawa mo rin ulit iyon—"

"Dad ilan beses ko bang kailangan ulitin sa inyo na ibang pagmamahal ang naramdaman ko noon para kay Diane kumpara sa pagmamahal ko ngayon kay Gaia."

"Parehong pagmamahal pa rin iyon!"

"No! is it not Dad!" Matigas na salungat ni Michael. "Ang pagmamahal ko kay Gaia ay ang pagmamahal na kahit sino ay walang makakapaliwanag—ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi magbabago at maglalaho, it is pure!" Patuloy na pakikipagtalo ni Michael sa ama saka pinatay na niya ang tawag.

Oo hindi magandang ugali ang patayan niya ang Ama pero mas hahaba lang kasi ang magiging deskusyon nilang dalawa dahil hindi siya maiintindihan ng Ama kahit ilang beses siyang magpaliwanag dito dahil hindi nito alam ang nararamdaman niya!

* * * *

Samantala ay nagpakalayo-layo na rin si Maxine at namuhay na ng tahimik dahil iyon ang pinangako niya kay Jacob—ang lumayo sa kapahamakan at mamuhay na lang ng normal.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon