Pagkalabas ni Michael ng silid ni Gaia ay gulat na gulat siya ng mamataan si Diane na nakaupo sa waiting area na malapit. Matalim ang mga tingin nito sa kanya.
Hindi niya tuloy alam kung nasaksihan ba nito ang halik na pinagsaluhan nila ni Gaia.
Muli siyang napakagat ng labi at muling huminga ng malamig saka naglakad na palapit kay Diane pero bigla itong tumayo at naglakad papunta sa elevator kaya mabilis naman siyang sumunod dito.
Dahil sa wala naman intensyon si Diane na hindi magpahabol kay Michael ay nagpang-abot sila nito sa elevator.
Nang nasa loob na sila ng elevator ay agad niyang pinindot ang rooftop.
Pareho silang tahimik hanggang sa makarating sa rooftop.
Pagdating nila doon ay agad na tumingin si Diane kay Michael at hinila ito palabas ng elevator.
"Diane, I can explain everything." Agad na sabi ni Michael dito.
"Explain?" Ulit naman ni Diane. "Explain what!? Kung bakit iniligtas mo ang babeng iyon samantalang nasa harapan mo na ang pagkakataon na madispasya na siya, para makawala ka na sa kasal niyo, para bumalik na sakin! Pero anong ginawa mo INILIGTAS mo siya!" Galit na galit na pangongompronta ni Diane na hindi na inisip ng mabuti ang pinasasabi dahil sa galit na nararamdaman.
Gulat na gulat naman si Michael na nakatitig kay Diane. Gulat hindi dahil akala niya galit ito dahil nakita nito ang paghahalikan ni Gaia. Gulat siya dahil sa pinasasabi nito, na dapat ay hinayaan na lang niyang mamatay si Gaia.
Hindi niya lubos maisip na may ganon palang iniisip si Diane, hindi niya lubos maisip na nag-iisip ito ng kamatayan ng iba which is ay hindi naman ganon ang pagkakakilala niya dito.
Oo siya kaya niyang pumatay ng tao at magplano ng masama sa iba pero hindi niya lubos maisip na si Diane—na ito makapag-iisip ng ganon.
"Diane, alam mo ba ang pinasasabi mo?" Reaksyon na tanong niya dito habang nakasalubong ang kilay.
Dahil sa sinabi ni Michael ay parang bigla naman na natauhan si Diane at napagtanto ang mga sinabi niya kanina. Napakagat tuloy siya ng labi.
"Sh*T! Sorry! Sorry!" Agad na paghingi niya ng tawad. "Sorry Babe nabigla lang ako, I mean—" Dagdag pa niya na nahihirapan tuloy siya kung paano malulusutan ang mga nasabi.
Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ni Michael dahil sa nakikitang nahihirapan si Diane na magpaliwanag ng sarili.
Maliban sa mga sinabi pa nito ay ang isa pang dahilan kung bakit mas lalong nagsalubong ang kilay niya ay dahil napagtanto niya at nagtataka siya kung paano nito nalaman ang nangyari kay Gaia, kung paano nito nalaman na nabaril si Gaia, kung paano nito nalaman na andito sila samantalang hindi naman niya dito sinasabi ang nangyari dahil hindi pa niya ito nakakausap ulit pagkatapos nilang magkita noong isang araw.
Ayaw man niyang pag-isipan ng masama si Diane dahil girlfriend niya ito at mahal niya ito pero hindi niya maiwasan na mapaisip ng masama na baka ito ang may utos sa pamamaril kay Gaia.
Okay lang na siya ang pumatay dahil talagang iyon naman ang trabaho niya pero si Diane?! Hindi niya lubos maisip na magagawa nito ang ganon na bagay! Well sana hindi totoo ang kanyang hinala.
Sana hindi nga kayang gawin ni Diane ang mga bagay na naiisip niya.
* * * *
"Sigurado ka ba?" Nakasalubong ang kilay na paniniguradong tanong ni Maxine kay Jacob ng ibalita nito sa kanya na muli nang lumantad si Marcus at kumikilos na.
"Oo... namataan siya ng mga kasamahan natin kausap niya ang isang kilalang Gun smuggler sa Cavite." Sagot ni Jacob na nakasalubong ang kilay.
Maxine at Jacob ang isa sa mga pangalan na kailan man ay hindi makakalimutan ng mga tao dahil sila lang naman ang isa sa mga naging dahilan ng pagkakapigil ng isang malaking transaksyon noon sa pagitan ng mga Gun smuggler na pinangunahan ni Senator Francisco Ferrer na ngayon ay patay na at nang isang malaking samahan ng makakaliwang grupo na kung nagkataon na nagtagumpay noon ang transaksyon ng mga ito ay magiging isang malaking bangongot ito sa pamahalaan at sa mga tao dahil maaring magbigay ito ng matinding takot sa lahat dahil magiging mas malakas ang mga ito dahil sa dagdag na armas sana na kukunin nito sa grupo noon nina Sen. Ferrer.
Pero pagkatapos ng misyon na iyon nina Maxine at Jacob ay pinaniwalaan na ng mga tao na patay na sila dahil sa pagkakabaril at pagkakahulog nila pareho sa dagat pero lingid sa kaalaman ng lahat ay buhay na buhay pa sila, hindi na lang nila inilatad ang kanilang sarili sa publiko dahil gusto nilang manatili ang paniniwala ng lahat lalong-lalo na si Marcus na patay na nga sila.
Gusto nilang paniwalaan ito na patay na sila para gulatin ito pagdating ng panahon na muli silang magkakaharap-harap at sa muli nilang paghaharap ay pananagutin nila ito sa lahat ng kasalanan nito.
Matagal-tagal na panahon na rin ang hinintay nila sa muli nitong paglabas, mahigit isang taon din ang hinintay nila.
At sa loob ng mahigit isang taon na iyon ay nakapag-buo na sila ng isang grupo na tumutugis sa mga kriminal—at ngayon na muli na lumitaw si Marcus ay ito naman ang sunod na misyon nila and this time ay sisiguraduhin na nila na kung hindi man ito mananagot sa batas ay sa sarili nilang mga kamay ito pananagutin.
"Kung ganon pala, abisuhan mo na ang iba na maghanada na para sa susunod nating misyon." Utos ni Maxine kay Jacob na nanlisik pa ang mga mata. "Mag memeeting din tayo mamaya para pag-usapan ang magiging plano natin." Dagdag pa niya kaya napatango-tango si Jacob.
BINABASA MO ANG
Love and War (EDITING)
Ação"Hindi lahat ng pagmamahal ay totoo." Saad ni Michael sa kausap habang nasa isang pagtitipun silang dinaluhan ng kanyang asawa na si Gaia. Totoo - hindi lahat ng pagmamahal ay totoo - dahil minsan may pagmamahal na magpagkunwari. Tulad ng sitwasyon...