FIFTEEN

35 1 3
                                    

Mula ng mangyari ang halik sa pagitan nina Gaia at Michael ay hindi na ulit pumasok si Michael sa silid ng asawa.

Actually ay hindi na rin siya pumunta ng Ospital at nagkulong lang muna sa kwarto niya sa kanilang bahay dahil hindi pa niya alam kung paano haharapin si Gaia. Hindi pa niya alam kung ano ang pareho nilang magiging reaksyon pag nagkita ulit sila saka isa pa ay kailangan din niyang mapag-isa at mag-isip dahil sa mga pangyayaring naganap sa buhay niya.

Maliban kasi sa nangyari sa pagitan nila Gaia ay iniisip din niya si Diane, ang tungkol sa hinala niya dito. Hindi niya alam kung pasekreto ba niyang susundan ito at iimbestigahan kung totoo nga ang hinala niya o kakalimutan na lang ang paghihinala niya dito at isipin na lang na hindi naman ganong tao si Diane base sa pagkakakilala niya dito kaya malabong gawin nito ang ganon na bagay.

Pero ang totoo ay natatakot kasi siya—pero hindi naman niya alam kung ano ang kinatatakot niya. Kung natatakot ba siyang baka kapag nalaman ni Diane na pinaghihinalaan niya ito at inembestigahan ay magalit ito? O kung natatakot ba siya na mapatunayan na totoo ang kanyang hinala tungkol dito?

Gulong-gulo na talaga ang isip niya!

Gulong-gulo na siya sa mga bagong nangaganap sa takbo ng buhay niya.

Hindi na niya alam ang gagawin lalong-lalo na ngayon na maging ang puso niya ay naguguluhan na rin.

Nang bigla siyang napatigil sa pag-iisip dahil sa pag ring ng kanyang cellphone, dali-dali niyang tiningnan kung sino ang tumatawag at nang makita na ang tauhan niya ang tumatawag ay agad niyang sinagot iyon.

"Hello, may magandand balita na ba?" Agad na tanong niya sa tauhan pagkasagot ng tawag nito.

"Oo Boss, kilala na namin ang lalaking pinapahanap niyo." Mabilis na sagot ng tauhan sa kabilang linya.

"Talaga?"

"Yes Boss, pina email ko sayo ang mga impormasyon na nakalap namin." Sagot pa nito kaya napatango-tango si Michael.

"Ok sige. Titingnan ko na." Aniya dito saka tinapos na ang pag-uusap nila at dali-daling kinuha ang laptop para tingnan ang sinend sa kanyang email.

Masinsinan niyang tiningnan ang files na pinadala sa kanya ng tauhan.

"Harris Paul Bernando?" Basa niya sa pangalan ng lalaki. "SPO2? .... Pulis ang lalaking iyon!?" Kumunot pa ang kanyang noong aniya saka pinagpatuloy pa ang pagbabasa ng iba pang impormasyon.

"Ano ang relasyon ni Gaia sa pulis na iyon?" Maya-maya'y tanong niya sa sarili pagkatapos mabasa ang lahat na nakalagay na impormasyon tungkol kay Harris.

Actually ay hindi naman nakakapagtaka ang pagkakaroon ng mga Aguas ng kakilalang pulis dahil ang mga ito ang tumutulong sa kanila sa mga illegal na negosyo ng mga ito pero sa hindi niya malaman na dahil ay iba ang pakiramdam niya sa koneksyon ng lalaking ito kay Gaia at iyon ang gusto niyang malaman.

* * * *

Kahit na madami ang iniisip si Gaia ay talagang nagsusumiksik pa rin sa utak niya ang naganap kahapon sa pagitan nila ni Michael. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya matahimik sa nangyari sa kanila ng asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip kung ano ang dahilan ng paghalik nito sa kanya at ang masama pa ay kung ano nangyari sa kanya at gumanti naman siya ng halik.

Isang malalim na buntong hininga na lang tuloy ang pinakawalan niya bago biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa siya nang si Harris ang bumungad.

"O bakit?" Pag-aalalang agad na tanong niya dito dahil reaksyon ng mukha nito.

Hindi agad sumagot si Harris dahil saglit itong sumilip sa labas at mabilis na luminga-linga para siguraduhin na safe ang paligid. Nang masiguro nang wala naman na taong maairing dumalaw kay Gaia ay agad na nitong sinara at inilock ang pinto at mabilis ang lakad na lumapit kay Gaia sabay abot dito ang mga larawan na hawak.

"Ano ito?" Nakakunot naman ang noo na tanong ni Gaia habang kinukuha kay Harris ang mga larawan na iniaabot nito sa kanya.

Pero hindi sumagot si Harris at hinayaan na lang nito na si Gaia mismo ang makakita kung ano ang nilalaman ng mga litrato.

Mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Gaia habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan. "Anong ibig sabihin nito?" Muling tanong niya kay Harris na itinaas pa sa ere ang mga litratong hawak pagkatapos matingnan ang mga ito.

"Alam ko na kung sino ang nag-utos na barilin ka." Seryoso na sagot ni Harris.

Hindi naman agad nakaimik si Gaia dahil sa narinig. "Sino?" Maya-maya'y tanong niya.

"Si Diane!" Sagot ni Harris sabay itinuro pa ang litrato na kung saan ay sina Diane ang mga tauhan nito ang andoon.

"Wh-what!? Si Diane?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Gaia dahil sa sinabi ni Harris.

Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naman ipaguutos ni Diane na patayin siya samantalang kailangan pa siya ng mga ito dahil sigurado siyang hindi pa tapos ang silbi niya sa pamilya ng mga ito.

"Alam ba ni Dad ang ginawa ni Diane?" Usisa pa niya na hindi pa rin mawala ang pagkakakunot ng noo.

Agad na napailing-iling si Harris. "I don't think so na alam ito ng Dad niyo, dahil sa tingin ko mag-isa niyang pinagplanuhan iyon."

"So then ano naman ang reason niya para ipapatay ako!?" Nakasalubong ang kilay na pagtataka niya.

Dalawang magkasunod na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Harris bago sumagot. "I saw Diane and Michael yesterday... habang inoobserbahan at hinihintay ko si Diane kung ano ang gagawin at pakay niya kung bakit siya andito ay nakita ko sila ni Michael na pumunta sa rooftop kaya sinundan ko sila." Pag-uumpisa niya sa pagkukuwento ng naganap kahapon kung paano niya nadiskubre at kung ano ang nagbigay sa kanya ng rason para imbestigahan si Diane tungkol sa pamamaril kay Gaia.

Tahimik naman si Gaia nakikinig sa pagkukuwento ni Harris na medyo bumilis pa ang tibok ng kanyang puso.

"Narinig ko ang pinag-uusapan nila then I discovered na may relasyon pala sina Michael at Diane." Pagpapatuloy ni Harris na gumimbal kay Gaia at mas nagpabilis sa tibok ng puso niya.

Natulala at hindi makagalaw si Gaia dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung paano o kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya nakatulalang nakatitig lang siya kay Harris.

Tahimik naman na nakatitig lang din si Harris kay Gaia at hinihintay niya kung ano ang sasabihin nang kaibigan sa mga sinabi niya.

"So ang ibig mo bang sabihin silang dalawa ang may plano ng pamamaril sa akin na ang pagligtas ni Michael sa akin ay kunwarian lang!?" Sa wakas ay muling usisa ni Gaia na kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata.

"No! Michael doesn't know what Diane did at sa tingin ko ay hindi rin niya alam ang tungkol sa totoong pagkatao ni Diane na siya ang totoong Aguas." Paglilinaw ni Harris sa pagkakasangot ni Michael.

Ayaw man ni Harris kay Michael pero ayaw naman niyang magsinungaling kay Gaia kaya sinabi pa rin niya ang totoo na wala naman kinalaman si Michael sa ginawa ni Diane.

Muling natahimik si Gaia at napaisip.

"So ang ibig mong sabihin, walang kaideya-ideya si Michael tungkol sa ginawa ni Diane?" Maya-maya'y pangongompirmang tanong pa ni Gaia na parang medyo natuwa dahil sa pagkakaclear ng pangalan ni Michael.

Tatlong magkakasunod na tango naman ang agad na isinagot ni Harris.

"So ano pala ang matinding dahilan ni Diane para ipapatay ako?" Muling usisa pa ni Gaia na hindi nito alam kung kay Harris ba itinatanong ang tanong na iyon o sa sarili niya.

Kibit-balikat lang ang isinagot ni Harris dahil maging siya ay hindi niya alam ang sagot.

Samantalang napakagat naman si Gaia ng ibabang labi at muling napaisip ng malalim.

Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ni Diane at iyon ang unang aalamin niya pag labas niya.

Love and War (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon