Chapter 2

9.9K 364 132
                                    

Maurice

"Mau, thank God you're here." Mabilis akong nilapitan ni Tito Adi ng mapansin.

Kakaalis lang ng mga pulis, naiwan kaming pito dito sa living room ng bahay nila. Ako, si Tito Adi, Josh, Ian, Pete, and the brat, Aidan. Sya lang ang nakaupo sa sofa habang nakatayo o nakasandal sa pader sina Tito na mukang mga problemado.

"Dad told me to come here, pauwi raw po sila ngayong gabi." Kaswal kong sagot.

Napabuntong hininga si Tito Josh. Nagtitigan sila ni Tito Adi na parang naguusap. Sa huli ay umiwas ng tingin si Tito Josh at walang salitang hinigit sa likod ng kwelyo si Aidan at kinaladkad pataas ng bahay. Hindi ko sya tinapunan ng tingin at tumingin na lang kay Tito Adi.

"Alam kong hindi naging maganda ang nangyari sa inyo ni Adi pero.." Hindi nya matapos ang sasabihin.

Naiirita na agad ako kahit hindi ko pa nalalaman ang buong pangyayari. Involve ang mga pulis kaya paniguradong hindi simpleng rambol ang sinalihan o sinimulan ng spoiled brat nilang anak.

"He need to get away from here for the mean time. Isasama sana namin sya sa ibang bansa pero finals na, hindi sya pwedeng umabsent." Problemado nyang pagpapatuloy.

"Habang on going ang case, hindi muna sya pwedeng maglalabas. Medyo malaki laki itong gulo na pinasok nya at kailangang seryosohin.. hindi namin sya maaasikaso dahil aalis kami ni Tito Josh mo.." Dagdag nya.

Nalukot ang muka ko. Parang alam ko na kung saan patungo 'to at kung bakit ako ang pinatawag nila. Nararamdaman ko na agad ang sakit ng ulo at pagod.

"Bagal mo naman 'tol. Ako na nga!" Naaasar na sabi ni Tito Ian at tiningnan ako.

"Kung papayag ka ay sa unit mo sana muna papatirahin si Aidan habang nasa States sila at habang on going ang kaso. Hindi kasi rin sya pwede samin dahil babalik kami ng Palawan. Mga isang buwan siguro o dalawa yung pag lakad ng kaso, ikaw lang pwedeng paghabilinan sa kanya kasi sumusunod naman sya sayo." Mahabang sabi ni Tito Ian.

The world dropped at me. Hindi ako agad makasagot kahit gustong gusto kong tumanggi. May pumipigil sakin na tumanggi, baka konsensya ko.

I grimaced when I recall his words "sumusunod naman sya sayo".

Gustong gusto kong ipaalala sa kanila kung bakit lagi kaming nagaaway ni Aidan noon. That guy is a freaking spoiled brat. Sa sobrang tigas ng ulo ay sinusukuan sya lahat ng sumusubok na kaibiganin sya.

"Nakausap ko na rin naman ang parents mo, pumayag naman sila dahil wala ka ring kasama sa unit mo. Nagaalala raw sila dahil lagi kang nagpupuyat at nagpapalipas ng gutom. Lagi namang gutom si Aidan, hindi ka na makakalimot kumain." Ngumiti pa si Tito Adi, nang uuto na.

I could only sigh dahil nakapag desisyon naman na pala ang mga magulang ko para sakin. Ano pa bang laban ko ron?

Napipilitang tumango lang ako at umismid.  So much for being nice.

Narinig ko ang tahimik na pagdidiwang ni Tito Adi bago nagmamadaling tumaas. Naiwan ako sa dalawang Tito ko, actually mga Ninong ko sila, lahat ng kaibigan ng parents ko ay godparents ko, at vice versa. Kaya magkakaibigan kaming mga anak nila.

"Hindi mo pa sya nakakasama pero parang pagod ka na." Natatawang kutya ni Ninong Pete sakin.

Umismid lang ako ulit at humalukipkip. Alam nilang lahat ang nangyari saming dalawa kaya ganyan sila kung mang asar. Nakakairita dahil mas pinapaboran pa rin sya hanggang ngayon, kahit ng mga magulang ko.

Hindi man lang ako pinaunang magdesisyon.

"Pagpasensyahan mo na, Ryss. Alam mo namang ikaw lang ang pwedeng pagkatiwalaan ngayon. Pasaway kasi, anak ng Gobernador pa ang binangga." Naiiling na sabi ni Ninong Ian.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon