Chapter 20

7.2K 322 85
                                    

Maurice

"Uuwi na tayo?" Tanong ni Aidan ng maka labas kami ng room nila.

Gaya ng sabi nya ay tatlo lang ang exam nila at magkaka sama na ang mga yun sa sinagutan nya kanina. Mahaba pa ang oras na meron kami bago ang presentation ko, wala pa ngang kalahating oras ng mag start ang examination nila.

Binasic basic lang ng isang ito, parang hindi man lang pinag isipan ang mga sinagot.

"No, may presentation ako mamaya." I replied while pulling him dahil ang bagal ng galaw nito.

"After lunch pa yun diba? We got a lot of time." Anito.

Alam ko, kaya nga lalim ng iniisip ko e. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa halos apat na oras.

"Yeah, let's just go to the Library." I told him while focusing on walking.

I don't know what got into me but I feel so weird right now. Parang ayoko munang naiwang mag isa sa kanya. Kung hindi lang ako naiirita sa proctor nila ay baka nagtahan na lang kami sa room nila.

"Ay, boring." Mahinang sabi nito, tunog malungkot na.

Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap sya. Huminto rin ito at naka ngusong tumingin sakin.

He's always like this. Even when we're just kids. Laging naka nguso. Laging parang bata. Madalas topakin. Minsan malambing. Hindi na dapat ako naninibago pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon?

Siguro nagsasawa na 'ko sa kanya. Ilang linggo na lang naman, iiwan na rin ako nito ulit, tiisin ko na lang.

"What?" He spatted.

"Saan mo naman gustong magpunta kung ganon?" Tanong ko.

Sumilip na ang ngiti sa labi nito. At di ko inaasahang kakalabog ng husto ang dibdib ko. Tangina naman. Pati ba naman sa pag ngiti nito nenerbyusin ako?

Ano bang nangyayari sayo, Maurice?

"Court. Nandon sila." Nakangiting sagot nya, tinutukoy ang mga teammates nya sa basketball.

Bukod kasi sa per department na basketball team ay may pang buong school din na varsities.

Pang intrams at Inter Department lang ang per department samantalang pang Inter University or District Competition ang main varsities, at isa sya ron.

If I'm not mistaken, he's the Captain of their department and the MVP of the school varsity.

Wala pang laro ang varsity nila at per department ang labanan. Yun din ang paghahandaan nila kaya pinipilit nya akong samahan sya sa practice nya dahil Pol Sci department ang makaka laban nila.

"Alright." Pagpayag ko agad dahil ayoko ng mahabang argumento.

Bantayan mo na lang, Uryss, tutal yun naman talaga ang purpose mo sa buhay nya.

"Which court?" Tanong ko at bumalik sa pinanggalingan namin.

Bawat department kasi ay may maliliit na court. Nasa gym ang main court at roon nagaganap ang mga sport competitions. Kahit nga canteen ay tig iisa ang bawat department kaya hindi nagkru-krus ang landas naming dalawa.

"Sa dep lang namin. Sarado gym ngayon." Masayang sagot nya, napagbigyan kasi.

Nasa likod lang ng building nila ang court nila kaya mabilis lang kaming nakapunta ron. Maririnig ang tunog ng mga spike ng sapatos at pagtalbog ng bola sa sahig. Pagpasok namin ay may naglalaro na.

Unang nakakuha ng atensyon ko ay ang blondeng buhok na medyo wavy ng isang parang kiti-kiti na sobrang likot sa court. Kung saan saan ito sumusuot at lumusot habang pinapatalbog ang bola hanggang sa mapunta sya sa may ring ishinoot yun.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon