Chapter 31

9.4K 395 132
                                    

Maurice

"Aray, Aidan Josh. Nasasakal ako." Naiinis ng sabi ko rito dahil nagpupumilit na kumarga sa likod ko.

Kakatahan lang nito, hinilamusan ko at ang sakit tingnan ng namamaga nyang muka at ilong. Pinag suot ko rin ng pajama para komportable sya. Maya maya lang ay dadating na si Luffine, dadamabahan na naman nito.

Ikakadena ko na talaga ito, damba ng damba, akala mo magaan.

"Dali naa, buhat mo 'ko! You made me cry kaya!" Pilit nito at talagang sumakay sa likod ko.

Parang puputok ang litid sa ulo ko habang buha buhat ito sa likod palabas ng kwarto. Halos masubsob ako sa sofa ng maibaba ko sya. Daig ko pa ang bumuhat ng sampung kabayo sa bilis ng paghangos ko.

Birthday ko ah? Dapat ako ang kinakarga.

Ikatin ka, Uryss.

Amputa, sumasagot na naman sya.

"Tagal naman ni Kangaroo, baka malamig na biko ko." Nakangusong sabi nito habang nakatanaw sa pintuan.

Alas sinco na ng hapon, nasa byahe na ang isang yun. Hindi kasi ito nagpahatid kina Tito Jonas dahil nasa trabaho ang mga ito. Traffic pa naman ngayon, baka naabutan sya ng rush hour.

"May beer na dala yun, baka nabibigatan." Sabi ko.

Tumabingi ang ulo nito. "'Nom ikaw mamaya?"

Wala namang masama sa sinabi nito pero biglang nag init ang buong muka ko. Mukang narealize nya rin ang sinabi dahilan upang ngumisi ito ng nakaka loko.

Tangina mo talaga, Aidan.

"Ay si Uryss, gusto ng kis--" Mang aasar pa sana ito kung hindi ko lang batuhin ng unan.

"Ayusin mo, rito ka matutulog sa sala." Banta ko.

Pagtatabihin ko sila ni Luffine. There's no way I'll let that guy go home after this. Sa dala nitong biko at beer ay paniguradong aabutin kami ng hating gabi. Parehong matakaw mag-inom at magkaraoke pa naman ang mga ito.

At mas lalong hindi ako tatabi kay Aidan sa pagtulog. Baka kung saan pa umabot.. pagsisihan pa nya dahil may gusto syang iba.

Hindi pa naman sya marunong magkontrol ng sarili pag lasing.

Tumunog ang doorbell maya maya lang. Hinayaan ko si Aidan ang magbukas na dali dali naman ang naging kilos dahil alam na si Luffine ang nasa labas.

"Biko ko!" Masaya nitong sabi at tumaas oa ang mga kamay.

Akala siguro ni Luffine na sya ang iniintay nito dahil ng agawin ni Aidan ang biko ay naiwan syang nakanganga sa may pintuan. Sumenyas ako na umupo na sya at hayaan ang bata na gawin ang gusto nito.

"Aidan, oorder na ba ako ng pagkain?" Tanong ko habang hawak ang phone.

"Yes po, please." Sagot nito habang abala na sa biko nya.

"Oh? Hindi pa kayo nakaka order?" Takang tanong ni Luffine.

"Mm, lalamig kasi. Ayaw nya non." Simpleng tugon ko, abala sa pag-order.

"Inaaway ka pa? Parang ang bait nya ngayon ah?" Bulong nito.

Ngayon lang, may biko e. Painomin mo't nagiging diablo.

"Hmm, gutom e." Sagot ko na lang.

Tumawa ito at nakipindot na sa pag-order. Inuna ko muna ang mga gusto ni Aidan bago nagpipindot ng kung ano ano. Halos puro pulutan naman ang pinindot ng katabi ko dahil sobrang dami pala nyang dalang beer.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon