Chapter 14

9.1K 379 72
                                    

Maurice

"Oh? Not going to school?" Inaantok pang tanong ni Aidan ng magising at makitang naka upo pa ako sa kama.

I glanced at him before nodding. "Mm. Tapos na 'ko mag exam e."

Dumapa sya at tumingin sakin, namumungay pa ang mga mata, halatang inaantok pa. Hindi naman nya kailangang gumising ng maaga dahil hindi naman ako papasok, mamayang 7:30 pa ako magluluto ng agahan para alas otso kami makakain.

"How come?" Tanong nya, di na napigilan ang pagpikit.

"Tinapos ko na lahat kahapon." Sabi ko at nilipat ang page ng libro na binabasa ko.

His book, para sa review namin mamaya para sa pangalawa nyang subject na may exam. It's about Business Law, walang solving pero maraming legal terms na hindi madaling maintindihan.

I'm trying to comprehend them so I can write an easy quiz for him again. Kaso hindi pala ganoon kadaling umintindi ng mga legal terms lalo na kung wala kang masyadong alam sa business o kahit sa batas mismo.

"Why? You got bored again?" He giggled, answering his own question.

"Yeah, I don't see any reason din naman para paabutin pa ng tatlong araw kung kaya ko namang tapusin ng dalawang araw lang." Kalmadong sabi ko.

He laughed. "Right, madali lang naman magsagot ng 900 items na exam. Oo, kayang kaya ng lahat yun sagutan ng wala pang kalahating araw. Oo, Uryss, kaya ng lahat yun."

Sinamaan ko sya ng tingin at himapas ng libro sa likod. Lumakas ang tawa nito at nagtago sa ilalim ng comforter ko. Sa sobrang likot nyang matulog ay magigising na lang ako na nasa kanya ang dalawang comforter at ako ang nilalamig.

"So buong araw tayong nandito lang sa unit?" Aniya ulit.

"Yeah, no choice." I shrugged.

"Tsk, that's boring." Ungot nito.

"Magre-review ka naman, hindi na magiging boring yun." Giit ko.

"Now you made it worst." He groaned.

"Studying is fun, Aidan Josh." Anang ko sa nangangaral na boses.

Inis syang lumabas sa comforter at sinamaan ako ng tingin. "Hindi lahat ay kasing boring mo, Jax Maurice!"

Sumama rin ang muka ko ng marinig ang buong pangalan. Iaangat ko pa lang ang libro ay gumulong na sya palayo hanggang sa mahulog na parang lumpiang binalot. Ngumawa ito agad kaya mabilis kong sinilip. I chuckled when I saw him struggling.

"Need a hand?" I teased.

Sumimangot ito. "Come on, it's not funny."

I laughed shortly and decided to help him, kawawa naman kasi, baka ginugutom na rin.

Hinigit ko ang kabilang dulo ng comforter kaya gumulong din ang katawan nya ulit. Panay ang mura nito sakin ng mauntog sa kama ng matapos sa kakagulong. Nginisihan ko lang sya at binato ng comforter.

"Maghilamos ka na, magluluto na 'ko ng agahan." Nakangisi pa ring sabi ko at iniwan sya sa kwarto.

"I hate you!" Sigaw pa nya bago ko narinig ang pabagsak na sara ng pinto sa banyo.

"Mama mo." Bulong ko habang nagsusuot ng apron nyang pink.

Kung nong nakaraan ay kumirot ang dibdib ko ng marinig yun mula sa kanya, ngayon ay di ko mapangalanan ang kiliti sa sikmura ko ng marinig yun.

Hindi tunog galit, kundi tunog nagma-maktol na bata. Hindi ko na yata kayang seryosohin ang galit nya kung ganyan sya umakto. Kahit sumalubong pa ang mga kilay nya o magdilim ang muka ay tatawanan ko lang yata sya.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon