Chapter 25

9.9K 405 162
                                    

Maurice

"Aidan Josh, sabi ngang matulog ka na! Bukas ka na bumili, wala naman akong training bukas." Naiinis ng sabi ko rito.

Nagpupumilit kasing bumaba raw kami dahil gusto nyang bumili sa Convenience Store sa Lobby. Alas dyes na ng gabi pero kung ano ano na naman ang gustong kainin ng isang ito.

"Now ngaaa!" Pilit pa rin nito at hinihigit na ako sa braso.

Sinamaan ko sya ng tingin at akmang pipitikin sa noo pero nauna syang umiwas. Nagmatigasan pa kami ng tingin hanggang sa sya ang unang kumurap.

"Iiyak ako, sige!" At nagbanta pa nga ito.

Paiyakin kita dyan talaga e.

Sinamaan ko sya lalo ng tingin at inabot na lang ang nipples nya dahil yun ang malapit. Talagang pinaka kurot kurot ko ito maigi hanggang sa mamilipit sya at bumaluktot sa sahig.

"Araayyyyy! Tsakitt!!" Malakas na daing nito.

Napa ismid na lang ako at tumayo. Sinipa ko sya sa pwet kaya masama ako nitong tiningnan. Hawak hawak pa nya ang dibdib na akala mo ay malaki, napaka oa.

"Tayo na, bibili ka diba?" I sighed, defeated.

24/7 namang bukas ang Conve. Para talaga yun sa mga nakatira rito sa building. Don ako bumibili ng kanin pag nauubos ang supply ko at tinatamad akong mag punta ng Grocery.

He giggled and hurriedly stood up. Umawang ang labi ko ng makitang hawak na nya ang wallet ko, mukang planado nya talaga ito kanina pa ah. Ang kulit nya talaga kahit kailan.

Kapwa kaming naka pajama lang ng bumaba sa Lobby. Tuwang tuwa itong kasama ko na gumagawa na ng listahan sa utak nya ng mga gusto nyang bilhin. Kada banggit nya ng pagkain ay parang naririnig ko ang pagka wala ng pera ko.

"Good evening po mga Sir." Bati ng guard samin ng makadating kami sa store.

I greeted him back while Aidan only smiled at him. Dire-direcho kasi agad ito sa aisle ng mga pagkain na gusto nyang bilhin. Nakalimutan pa ngang kumuha ng basket kaya ako na ang kumuha at sumunod sa kanya na sobrang likot na naman.

"This one, and this one, this one too. And then this, this, this, and some of this." Lahat ng mahawakan nya ay kinukuha nya.

"Put them here." Inalok ko ang basket na kinuha.

Hindi man lang ito lumingon at nilagay na lang ang mga kinukuha nya. From big bag of chips, to biscuits, to chocolates, to candies, to cream breads, and different box of chocolate drinks, lahat ay nilalagay nya sa basket, halos di na nga magkasya.

"Uryss kuha mo 'ko coke ron, Uryss." Tinuro nito ang malaking fridge.

Tumango ako at binaba ang basket sa tabi nya at lumapit sa fridge para kumuha ng dalawang malaking bote ng coke at bumalik. Ilalagay ko sana sa basket ang mga bote pero wala ng espasyo na paglalagyan pa.

"Tama na yan, umaapaw na oh." Awat ko sa kanya at sapilitan syang hinila papunta sa counter.

Lumalaban pa ito at nagpipilit na kukuha pa ng konti. Pinektusan ko tuloy sa ulo at hinarap sa cashier. Iniwan ko sya ron para ibalik ang basket. Pagbalik ko ay may apat ng malalaking eco bag ang nakapatong sa counter na pagmamay ari nito.

"Let's go na!" Masiglang sabi nito at naunang lumabas.

Napaamang ako sa apat na eco bags. Nahiya ako sa cashier na nakatulala sa kasama ko kaya pilit kong binuhat ang apat na bag, dalawa sa mag kabilang kamay ko at sumunod sa kanya palabas.

Kahit pala bumait ito, hindi pa rin sya magkukusang tulungan ako samantalang pagkain nya lahat ng ito! Ako na nga ang nagbayad, ako pa ang nagdala.

Mabuti na lang at sya ang nagbukas ng elevator. Pangiti ngiti lang ito at sumisilip pa sa loob ng mga bag. Iaabot ko sana ang isa kaso tinalikuran ako at lumabas ng bumukas ang lift.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon