Chapter 24

8.1K 365 203
                                    

Maurice

[Ryss, sorry ha? Hindi kami makaka uwi this time. Hindi pa kasi kami tapos sa ginagawa namin e.]

I received a call early this morning from my Daddy. Akala ko ay sasabihin nito na pauwi na sila, na tapos na sila, pero kabaliktaran non ang nadinig ko.

[Babawi kami pag-uwi namin promise, nak. Kayo muna ni Aidan ha? Tatawag naman kami kung may pagkakataon.] Pahabol pa nito.

Hindi ko na nagawang mag reklamo o umapila man lang dahil bigla nyang binaba ang tawag. Ni hindi ko man lang naka usap ng maayos, kahit si Dada ay wala rin. Mukang abalang abala rin ang mga ito dahil maikli lang ang naging tawag.

Walang kamustahan. Walang tanungan. Basta na lang binalita na hindi sila makakauwi dahil sa schedule nila. Walang explanations. Walang pagpapa intindi sakin na ganito ang sitwasyon nila.

Ni hindi man lang ako hinayaang sumagot. Para bang voice message ang ginawa nya at tanging pagsasalita lang ang pwedeng gawin.

"Ayos lang, Uryss. Ngayon lang naman 'to nangyari." Bulong ko sa sarili at binitawan na ang cellphone.

Kanina ko pa pinipigilan ang sariling tawagan ulit ang mga magulang ko para humingi ng magandang rason kung bakit hindi sila makakauwi. Gusto kong mag matigas at pilitin silang umuwi kasi mahalaga ang araw na yun para sakin.

Pero mas pinili kong intindihin na lang kaysa maging makasarili. Umaasa akong may magandang rason at mas importante ang ginagawa nila ron kaya hindi nila kayang ipagpaliban di gaya ng iba nilang gawain noon.

"Hoy, nakikinig ka ba?" Naramdaman ko ang pagsundot ni Aidan sa pisngi ko.

"H-Ha?" Wala sariling hinarap ko ito.

Irita syang tumingin sakin. "Magluto ka na kako ng agahan. Nagugutom na 'ko."

"A-Ahh, s-sige." Kumilos ang katawan ko para magluto ng agahan namin.

Hindi ko man lang namalayan na kanina pa ako parang wala sa sarili. Masyado ko namang pinaka-isip isip ang nalaman ko. Nakalimutan ko tuloy pakainin ang alaga kong aso na nagiging dragon na.

"Ano yan? Mabubusog ako nyan?" Mas iritable na ito ng ihain ko ang agahan.

Napatingin ako sa niluto. Itlog na hindi ko masabi kung sunny side up ba o scrambled. Hotdog na sunog, at hilaw na fried rice.

"S-Sorry, makakapag intay ka pa ba ulit? M-Magluluto ako ulit." Garalgal ang boses na sabi ko.

Itatapon ko na sana ang niluto ko ng bawiin nya ang pinggan at nagsign of the cross pa muna bago nagsimulang kumain. Panay ang kunot ng noo nito sa bawat pagnguya nya.

"B-Baka sumakit ang tyan mo, Aidan Josh." Akmang pipigilan ko ito kaya inilayo nya ang pinggan.

"Magcereal ka na lang dyan, sakin na 'to. Mag gatas ka, muka kang wala sa sarili." Seryosong sabi pa nito.

"C-Can I just rest instead? Hindi maganda ang pakiramdam ko." Pilit ang ngiting sabi ko.

Nanliit ang mga mata nito sakin tsaka ako pinasadahan ng tingin. Napa iwas ito ng tingin at pilit na tumango.

"Matulog ka na ron. Wag ka ng magluto ng lunch mamaya, kaya ko na yun." Utos nya ulit.

Tumango na lang ako at mabigat ang katawan na pumasok ng kwarto. Papahiga pa lang sana ako ng may humablot sa cellphone ko. Nilingon ko si Aidan Josh na matamang nakatingin sakin.

"Akin na muna 'to para makatulog ka ng maayos. Gigisingin na lang kita kung may importanteng tawag o text." Sabi pa nya.

Tumango lang ako ulit at tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama. Naramdaman ko pang hininaan nya ang AC at itinabi ang malaki nyang penguin sakin.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon