Chapter 17

8.5K 369 137
                                    

Maurice

"Mama mo." Ismid ko, naka sanayan ng sabihin pag walang maisagot.

Pero natigilan ako ng may maalala. Mukang narealized nya rin ito at nakipag titigan sakin.

Fuck shit, Uryss.

"Mama na ng iba." He joked.

Parang tinakasan ako ng lakas ng humalakhak pa ito.

"Siraulo." Mahina kong sabi bago dali daling pumasok ng banyo.

Baka kung ano pa ang masabi ko, balat sibuyas pa naman ang isang ito.

"H-Hoy! Saglit! Ulitin mo! Marami akong pang-entry!" Patawa tawa nyang sabi.

Napa simangot na lang ako. Hindi talaga sya marunong mag seryoso, napaka siraulo.

Nagpalit na lang ako ng damit pambahay. Naghilamos din ako dahil parang ang lagkit na ng muka ko, mamaya na lang ako maliligo ulit pag nakapag luto na ng Jabi nya: spag, cheese fries, pizza pie at coke lang yun.

Lumabas ako ng banyo na naka puting sweater at grey na sweatpants. Nadatnan ko si Aidan na nagi-iPad na, naka dapa pa sa malaki nyang penguin. Napansin ko rin na parang mas lumamig sa kwarto kumpara kanina.

18 degrees? Tangina, nasa freezer ba kami?

"Magbihis ka nga, Aidan Josh. Sobrang lamig." Pagalit na utos ko ng mapansing comforter lang ang nakapatong sa kanya, nag-alis pala ito ng damit.

Lumingon ito sakin at pinakita ang nasa iPad. Video ng mga penguin, nakita ko pa ang nasa search engine nya na "How to raise a penguin".

Raise?! Di pa ba malaki yan?

"Skin to skin contact. Para maramdaman nya na nandito ako." Nakalabing sagot nya.

"Nakadag-an ka sa kanya, Aidan Josh. Ramdam na ramdam ka na siguro nyan." Sarkastikong sabi ko.

"Luluto ka na? Gutom na 'ko." Pagi-iba nito sa usapan.

Galing talagang mang deadma, langhiya.

"Mag bihis ka dyan, gugutumin kita." Banta ko at tinuro pa sya.

Ngumuso ito at napilitang kumilos para magbihis. Kung gusto nyang ganito kalamig ang kwarto, magdamit sya. Alam na ngang mabilis syang mag kasakit, gagawin pa rin.

Lintik na penguin yan.

"Bihis na 'ko. Luluto ka na?" Andyan na naman ang makulit nyang tono.

"Oo, kaya dyan ka lang. Tatawagin kita pag tapos na." Sabi ko at tinapunan sya ng jacket mula sa rack.

"Bilisan mo, Uryss ha? Gutom na 'ko e!" Pahabol pa nito.

Pacute kang deputa ka, pinapa ikot mo sikmura ko.

Kompirmado ko na agad na may gusto itong hingin kaya ganyan umakto. Sisiguraduhin kong sasagutin nya muna ako bago sya kumain ng Jabi nya. Mag matigasan man kaming dalawa, basta dapat sumagot sya.

Hindi sa ayaw ko na ganito sya, mabilis kausap at hindi na masakit sa ulo pakisamahan. Masunurin at nagkukusa pa.

Pero ayoko naman na hindi sya nagpapa katotoo ngayon dahil lang sa may kailangan sya. Ayaw nyang nag kukunwari sya, magiging fake na raw kasi sya at pag nalaman ni Tito Joshia ay papakainin sya ng kalabasa, ayaw nya non. .

Hindi naman siguro materyal na bagay dahil kayang kaya nyang bumili ng gusto nya. Kaya ang hula ko ay pabor ang hihingin nya kaya nagpapa good shot kasi mataas ang pride nya, hindi sya marunong maki usap.

Pusta ko ay iniintay nya lang akong mag tanong, kaya tatanungin ko na sya ngayon din. Para tumigil na rin sya sa kakapa cute nya, nasusura na kasi ako.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon