Chapter 35

11.7K 450 175
                                    

Maurice

'Mahal ko.'

'Mahal ko.'

'Mahal ko.'

'Mah--'

"Huy, Uryss. Tulala ka na naman." Binunggo ni Luffine ang braso ko.

"H-Ha?" Bangag kong baling dito.

Kumunot ang noo nya sakin. "What's wrong with you?"

"H-Ha?" I asked again.

Ngumiwi ito. "May mali nga sayo. Nahihirapan ka pa rin bang huminga?

Hindi ako umimik at umiling na lang dahil may mali talaga sakin. Kanina pa ako bangag ng makalabas kami ng courtroom dahil bigla akong nag-hyperventilate at kailangang ilabas dahil nakaka distorbo sa trial.

Tangina naman kasi ni Aidan Josh. Bigla bigla na lang nagsasabi ng ganon at sobrang seryoso pa. Nakakunot ang noo at animo'y nagagalit na sakin. Kung di lang tinawag pabalik sa pwesto nya ay baka kung ano-ano pa ang sinabi nito.

Yung pagsabi pa nga lang nya na ako yung g-gusto nya..

Gusto nya raw ako, pota.

.. inatake na agad ako ng pagpanic at kailangan pang ilabas. Kita ko ngang gusto rin nitong lumabas para samahan ako pero hindi sya pinayagan ng abogado nya dahil on going ang trial.

Tama na rin sigurong lumabas ako kasi baka kung ano pang masabi ko ron. Naghahatol na rin naman daw sabi ni Luffine at malapit ng matapos. Makikibalita na lang kami mamaya paglabas nila dahil hindi na ako pinayagang pumasok ni Luffine dahil baka madistract daw lalo si Aidan Josh.

"Oh, nandyan na sila." Sabi ni Luffine habang nakatingin sa likod ko.

Napa ayos ako ng tayo at dahan dahan ding lumingon. Gumaan ang loob ko ng makita ang malapad na ngiti nina Tito Jonas at ng Lawyer habang pababa ng ilang baytang na hagdanan.

Huling lumabas ang inaabangan kong tao. Nakapamulsa itong nakasunod sa kanila sa likod at nakatingin lang sa unahan.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko ng mag angat ito ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Para syang tinutukan ng flashlight dahil sa biglang pagliwanag ng muka nito.

"Ryss!" Dali-dali syang bumaba at nilampasan pa ang nasa unahan.

Halos tumalsik kaming pareho ng sumugod ito ng yapos sakin. Tuwang tuwa sya habang nakayakap sakin at bahagya pang tumatalon.

"I won! I'm not going to jail! Unfortunately." He happily said while hugging me tightly.

Inaasahan ko naman na yun pero hindi ko pa rin naiwasang matuwa at napayakap pabalik sa kanya. Nanahimik ang dibdib ko sa pagwawala at napuno ng tuwa.

"I hope this will be the first and last time na magiging kliyente kita, Mr. Zamora." Biglang sabi ni abogado nya.

Nagtama ang tingin naming dalawa at kita ko agad ang pamilyaridad sa mga mata nito. Tinanguan ko lang sya at mas inintindi ang nakayapos saking malaking bata na wala na yatang planong kumalas.

"At ikaw din, Mr. David. Ayaw ko ng makatanggap ng tawag mula sa kapatid mo, kung pwede lang." Mapaglarong dagdag nito, sinasadyang bigyan ng hint ang nakayapos sakin.

Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang ito at nagpaalam na may susunduin sa Hospital. Kilala ko na agad kaya hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin at ginulo na lang ang buhok ni Aidan Josh.

"Ano? Nakatulog na ba yan sayo?" Natatawang sabi ni Luffine.

Bigla ko tuloy tiningnan kung tulog nga ito. Nang bumungisngis sya ng hipan ko sa tenga ay nakompirma kong gising pa, ayaw lang talagang kumalas.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon