Chapter 30

8.9K 392 174
                                    

Maurice

"Okay lang talaga sayo?" Naniniguradong tanong nito.

Basta nga ako, okay lang. Pero kung hindi, iwan mo na lang ako ulit siguro.

"Oo nga. Wala namang masama kung lalaki rin ang gusto mo. Kung yun talaga ang gusto ng puso mo, edi yun." Kalmadong sabi ko.

Kahit sino, basta dapat ako.

Ngumiti ito. "Kahit bulate?"

Anak ng pating.. ayaw pala sa tao, gusto pala sa lamang lupa.

Pilit akong tumango. "Mm, kahit bulate."

Siguro ako naman ang magmumukang inasinan pag-uwi namin.

Naaawa ako sayo, Jax Maurice..

Napangiti ako sa sarili. Ayos lang, birthday ko naman. Bukas wala na rin 'to. Baka sinasapian talaga pag birthday ng isang tao, si Aidan nga tumatahol pag birthday nya e.

"E ikaw? Anong gusto mo? Babae o lalaki?" Tanong nya, naniningkit ang mga mata.

Bakit parang nambabanta.. hindi naman ako sasagot ng babae, Aidan Josh.

"Ah, wala? Ayos lang yan, baby ka pa naman." Biglang sagot nya sa sariling tanong at tinanguan pa ang sarili.

"Ha?" Natatangang tanong ko.

Hindi pa ako nakakasagot, Aidan Josh. Siraulo ka talaga.

Ngumisi lang ito at umiling. Naka tingala ulit ito sa kulay asul na langit. Ginaya ko sya at nilanghap ang sariwang hangin. Ang payapa ng lugar na ito, para akong nasa langit.

"Hugis tutot yung ulap, Uryss oh." Biglang nagturo ito ng ulap.

Parang langit nga.. pero bakit may demonyo rito?

"Oh no! Papunta sya sa hugis pwe--" Bago pa nito matapos ang kabastusan ay bumagsak ang palad ko sa muka nya.

"Baboy ng bibig mo, Aidan Josh." Naiinis na sabi ko habang masama ang tingin dito.

Tumawa lang ito at pumikit na lang. Akala ko ay matatahimik na sya pero hindi pala. Nagsalita na naman ito pero hindi na kalokohan, tungkol na sa kaso nya.

"Ano na kayang balita sa case ko? Sabay kaya kaming makukulong?" Malumanay nyang tanong, animo'y talagang kuryuso lang.

Kumuyom ang kamao ko ng madinig yun. Hindi ka makukulong, Aidan Josh. Nandito pa naman ako, ako ang sasalo para sayo kung saka-sakali man.

Orange suits me, I'm a model after all.

"Ano ba kasing nangyari at binugbog mo?" Kalmado ring tanong ko, tinatago ang pagiging kuryuso.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw sabihin ni Luffine sakin. Hindi ko rin naman matanong ng maayos ang mga magulang ni Aidan dahil hindi nga sumasagot sa text o tawag ang mga ito.

Kung si Tito Jonas o Tito Rocco naman ang tatanungin ko since sila ang nag aasikaso ng case nya ay ililihis lang ang usapan at bibilinan akong samahan si Aidan Josh sa huling hearing at sa araw ng hatulan.

Ngayon na lang kami nakapag usap ng ganito kaya might as well try my luck and ask him personally. Gusto ko rin namang sa kanya mismo manggagaling ang totoong nangyari.

"Ang pogi ko kasi, kaya ayun nagalit sya." He shrugged.

Ngumiwi ako at pinitik sya sa tenga. "Ayusin mo, ililibing kita rito."

Tumawa lang ito at humiga paharap sakin. Inunan nya ang kaliwang braso at tiningnan ako. Ginaya ko ang posisyon nya pero braso ko ang pinaunan ko sa kanya habang nanatiling nasa damuhan ang ulo ko.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon