Maurice
"Lawak ng ngiti ah." Tukso ni Tito Pete ng makababa kami kinabukasan.
Napasimangot ako lalo dahil totoo ngang malawak ang ngiti ni Aidan samantalang puro ako ngiwi dahil sa sakit ng likod at balakang ko. Tangina naman kasi kung kiligin, pinanginig buong katawan ko magdamag.
At hayop na Luffine yan! Condoms at lubes pala ang regalo sa loko! Kaya pala tinago, tangina naman.
"Ganyan ba lahat pag bente-uno na?" Segunda ni Dada na umiinom ng kape habang nakakulong sa braso nya si Daddy.
Bumungisngis lang si Aidan Josh at nilingon ako. Sumalimpat ang mga mata ko sa kanya kaya nauwi sya sa pagtawa. Umikot ang mga mata ko at tumabi na lang sa mga magulang ko dahil hindi talaga maganda ang mood ko.
Kulang na kulang ako sa tulog at masakit pa ang katawan. Kahit sobrang aga pa at sobrang lamig ay naligo ako dahil nadudugyutan ako sa sarili kahit pa sabihing nilinisan nya ng makatulog ako.
"Coffee, 'nak?" Inalok ni Dada ang kape nya sakin na tinanggap ko naman.
"What's for breakfast?" Aidan asked and sitted beside me.
"Anything in the fridge." Tito Adi said while answering some cross word puzzle.
Inabot ko ang kape sa kanya at inabang ang kamay ko sa ilalim ng baso. Sya na ang pinag ubos ko at inabutan din ng cookies. Si Tito Josh ang nagluluto ng agahan at naka abang lang kami sa counter.
Nagsibaban na rin sina Tito Pete at Ian, karga ni Tito Pete ang apo na mukang tulog pa. Nakasunod sina Tito Jonas at Rocco na pinagitnaan ang anak na mukang wala ring maayos na tulog, nasa pinaka huli si Tracey na nakatulala lang.
Ano naman kaya ang nangyari sa dalawang ito. Akala ko ba ang inayos na nila kagabi ang gulo nila?
"Good morning, baby Noa!" Masiglang bati ni Tito Adi sa bata at nilapitan ito agad.
Pinagkaguluhan nila ang bata na nagising ang diwa sa ingay ng mga ito. Hindi tuloy magkanda ugaga kung kanini unang lilingon dahil sabay-sabay kung magsalita ang mga ito at nag-aagawan na nga sa pagkarga rito.
"I want waffles." Aidan murmured and rested his face on my shoulder.
"I'll make some, kay Luff ka muna sumandal." Madahang sabi ko at inalalayan ang muka nya.
Ngumuso ito at kinalabit si Luffine. Tumingin lang ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata. Hindi umimik si Aidan at basta na lang humilig sa balikat nito at kinutingting ang cellphone nito.
Bumaba ako sa stool at pumunta ng kitchen area. Nagsuot ako ng apron at kumuha ng ingredients sa pantry at tinabihan si Tito Josh sa pagluluto. Ngumiti ito ng makita kung ano ang plano kong lutuin.
"Kayo na?" Malalim ngunit napakadahan ng tono na tanong ni Tito Josh.
Bukod sa mga magulang ko at kay Aidan, isa si Tito Josh sa pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Gwapo rin naman ang iba kong Tito pero iba itong si Aidan at Tito Joshia, malamig silang tingnan pag seryoso at ang ganda pa ng boses.
"Ah, o-opo." Nautal pa ako sa pagsagot.
Hindi ko rin po alam kung bakit nauwi sa ganon, ang dapat nga po ay magpapaligaw ako pero kasing rupok po ako ng mga magulang ko kaya heto at gumising po akong hindi na single.
Ngumiti lang ito at ulit at bumalik sa pagluluto. Ganoon din ang ginawa ko at namayani ang katahimikan sa pagitan namin na laging nangyayari twing kami ang magkasama.
Bonding namin ni Tito Joshia ang tahimik na pagluluto, pagmo-motor naman ang bonding namin ni Tito Adi, nahilig kasi ito sa motor ng magpakasal sila ni Tito Joshia.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.