Chapter 34

11.4K 529 277
                                    

Maurice

"All rise. This court is now in session."

The tension is so heavy inside the courtroom. Lalo pa at hindi basta-bastang tao lang ang kalaban namin ngayon kundi isang Gobernador at ang incompetent nyang anak.

We're at the left side, facing the judge while the other party are at the right side.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil hindi ko katabi si Aidan Josh. Nasa unahan kasi ito katabi ng kanyang Lawyer, na hindi ko inaasahang itong taong ito pala.

Nang malaman kong ito ang abogado nya, nabawasan ang kaba ko na baka hindi maging maganda ang tapos ng trial na ito. Malaki ang tiwala ko na mapapanalo nila ito at lalabas kami sa courtroom na ito na malinis ang pangalan ng Aidan Josh ko.

Nang magsimula ang trial, wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng mga abogado. Nagsisi akong hindi ko tinuloy ang pag-aaral sa Law book na nakita ko sa gamit ni Aidan Josh noon.

Edi sana naiintindihan ko ang sinasabi nila ngayon. 

"Look at Aj, he's bored." Luffine chuckled beside me while pointing at Aidan who's resting his chin over his hand.

Totoo ngang buryong buryo na ang isang ito. Nakikipag kwentuhan pa sa abogado nya na nakangiti naman syang sinasagot. Gusto ko na sanang sumimangot pero naalala kong kilala ko ang abogadong 'to.

"And look at that guy, he looked constipated." He whispered his words as he point at the other party.

Kanina pa nga parang may problema ang mga ito. Simula nong makita nila ang Lawyer ni Aidan Josh. I assume that they once faced this guy at a trial too. Hindi naman kasi ito ang unang beses na may kinasuhan sa pamilya nila.

Nakatulala lang kaming pareho ni Luffine dahil wala kaming maintindihan sa sinasabi nila. Panay ang bantay ko kay Aidan Josh na konti na lang ay umub-ob sa lamesa dahil sa pagka buryo.

"He's been called, this is gonna be fun." Bumungisngis si Luffine.

Bigla akong ninerbyos ng tawagin si Aidan Josh para magbigay ng statement. Tamad na tamad itong gumalaw at akala ko ay pupunta na ron sa unahan pero lumingon pa muna sakin at tinabingi ang ulo.

Muka tuloy syang aso na nakatunghay sa amo nya. Nagtinginan din tuloy ang ibang nandito sa direksyon ko, ngumisi pa nga ng nakaka insulto ang Miguel na yun.

"Go on, I'm watching." I mouthed.

Bagot na bagot itong tumango at mabagal na pumunta sa unahan. Nag pledge pa muna ito bago tuluyang nagsimula sa statement nya. Hinihingi ng Judge ang side nya o version nya ng totoong nangyari noong gabing yun.

"What you've seen in the video is everything that happpened. But since you couldn't hear what we're saying, I'm going to tell you.." He started but paused to yawn.

Halos masampal namin ang kanya kanya naming mga noo dahil sa ginawa nya. Napailing na lang sina Tito Jonas at Rocco na nagvi-video, probably gonna send it to Tito Adi later. He was given a permission too so he's allowed to film.

"It all started when his girlfriend confessed to me about her-err-feelings.." He glanced at me.

Ano bang ginagawa nito?

"Hindi na bago sakin coz I'm really pogi naman talaga.." He even shurgged.

Napapikit ako ng wala sa oras lalo pa ng matawa ang ibang nandito. Hayop ka, Aidan Josh.

"But.. aside sa fact na I don't like girls.. I already have someone I love.. so.. yeahh.." He glanced at me again and even pouted.

Wag magselos. Bawal magselos. Baka ako ang mahatulang guilty dito.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon