Chapter 10

8.7K 342 50
                                    

Maurice

[Bro, I heard what happened and why's lit'le Aidan's with youuu.] Maligalig na sabi ni Luff ng sagutin ko ang tawag.

"Oh? Talaga?" Walang interes na tugon ko.

[Ooooo! Sya pala yung pinag uusapan ng mga kaklase ko na viral daw sa TikTok!] Tumawa ito.

Nakuha non ang atensyon ko. "What do you mean na viral sya? May video?"

[Yup! Though na take down agad ng kampo nong Gov. Pero marami ang naka pag save yata, may lumalabas pa rin na edit sa fyp ko e.] He said.

"May copy ka?" Tanong ko agad.

Matunog itong ngumisi. [Of course.]

"Pasend." Mabilis ko ring tugon.

He chuckled. [I already did. Kanina pa, kaya nga ako napatawag kasi di ka nagseseen.]

"Oh, I was busy." Tanging nasabi ko at inabot agad ang laptop na nasa center table.

[Call me when you've finished watching, Papa's calling me, byee~] He ended the call quickly.

Binagsak ko kung saan ang cellphone at hinanap ang message thread namin ni Luff sa Messenger para hanapin ang sinend nyang video. Totoo ngang nagsend na sya, fifteen minutes ago at sinundan ng maraming naka all caps na Hoy, Uryss! at umiiyak na emoji.

I clicked play and put my laptop on my lap. Naka salubong ang mga kilay ko habang pinapanood ang video kung saan kitang kita si Aidan na may binabanatan na lalaki na naka higa sa sahig ng isang pamilyar na bar, sa Meteorite.

Maingay at magulo rin ang paligid, pero walang umaawat.

"Ano?! Ulitin mo ulit yung sinabi mo! Tingnan natin ngayon kung sinong bakla!" Galit na galit nyang sigaw sa kaaway.

Nang makatayo ang binabanatan nya ay tsaka sila nagpang buno na dalawa, parang mga manok na nag sasabong, mga kambing na naguumpukan, o mga asong nagkaka gatan sa kalsada.

At imbis na awatin ay hinahype pa sila ng mga taong nandon. Nakarinig pa nga ako ng pustahan.

"Tanginang yan." Matabang kong sabi at muntik ng ibagot ang laptop sa sahig.

Iritable akong sumandal sa sofa at pumikit. Kaya naman pala nauwi sa demandahan dahil bugbog sarado ang anak ng Governor. Mas malaki ang katawan nito kumpara sa katawan ni Aidan, pero dahil mas matangkad ng ilang dangkal si Aidan ay madali nya lang itong nabanatan.

"Ang galing mo talaga, Aidan Josh. Napaka galing mong gumawa ng gulo tapos itatapon mo sakin pag di mo maayos!" Galit kong sabi sa hangin, naglalabas ng galit.

I know it's partly my fault because I spoiled him a lot when we're kids. Sinanay ko syang ako ang sumasalo ng lahat ng problema nya, ako ang umaayos ng gulo na gagawin nya, at ako ang gagawa ng paraan para maka lusot sya sa mga kalokohan na gusto nyang gawin.

Pero hindi lang naman ako yung nang spoiled sa kanya, kaso, ako nga lang yung sumobra.

Napahilot na lang ako sa sariling sentido. Nandito na rin naman ito, muka namang tumitino na rin.

Sana lang ay maging maayos ang magiging resulta ng kaso, dahil kung hindi ay baka ako ang kusang pumasok sa selda para lang iligtas sya sa lugar na alam kong hindi nya matatagalan.

At least ako, may karanasan na ron sa loob, e sya? Sa sobrang arte non, baka magpatayo na lang sya ng sarili nyang kulungan.

Hindi ko na nagawang tapusin ang panonood sa video dahil puro sigawan lang naman yun ng mga nanonood at ang pag dating ng mga pulis. Nangyari yung dalawang linggo matapos syang matulog dito sa unit ko dahil sa kalasingan.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon